Scott Phillips's POV
"Anong gagawin natin?" Gulong tanong ni Maria habang hinihingal na tumatakbo.
Ilang minuto pa lang kasi ang nakalilipas kanina ay nagsimula na kaming huntingin at abangan ng ibang grupo. Mas naging eager kasi silang pumatay nang marinig mula sa Queens na ang makapapatay sa huling Uno ay malaki ang makukuhang points.
"P*unyet*, tama ba naman 'to? Pinatay nila ang connection natin kila Tallyne." Inis namang saad ni Miss O'Brien.
Tinary ko kung totoo ang kanyang sinabi pero tama ito hindi na namin maco-contact pa ang ibang pang kasamahan.
+ ELOISA TAYLOR AND MARICRIS GRAINER ARE LOCATED IN SOUTHWEST. 38 Kilometers from the exit."
Nanlaki ang aking mata nang marinig ang sinabi ng lieutenant samantalang naestatwa naman sila Maria.
+ KRISTALLYNE WILLIAMS LOCATED AT NORTH, 12 kilometers from the mid."
"The f*ck."
Napasabunot sa buhok si Miss O'Brine sabay sipa sa lupa. "Are these Queens are really heartless? Sh*t. Wala sa usapan ang sasabihin ang location!"
"For sure, susugurin ng ibang grupo ang mga lugar na 'yon, delikado sila Tallyne."
+ ANALYN CUSTER AT PINKY GANGSTERS' HEAD QUARTERS+
"Nasa bahay si Ana?"
"S-siguro sabi eh."
"Ano namang ginagawa niya 'ron?"Nag-aalalang tanong ni Maria.
"Mas delikado ang pwesto niya dahil mahihirapan siyang makatakas." Dagdag pa nito."Bakit hindi tayo maghiwa-hiwalay at back-apan sila," suggest ko.
"Mas walang mangyayari kung tatanga tayo rito. Mamaya pati location natin ay ia-announce na ng mga lieutenants.""Tama ka. Sige pupuntahan ko si Ana." Presenta ni Maria.
"Ikaw na Diana kay Eloi at Maricris.""Got it."
"Kay Tallyne ka Scott." Utos niya sa akin, tumango naman ako bilang sagot.
"Stewart hanapin mo ang iba nating kasamahan. Si Wencie, marahil ay isusunod na ang location niya. Just back up them." Dagdag naman ni Miss O'Brien.
Hindi kumibo si Stewart, actually, kanina pa ito nang magsimula ang labanan.
Tahimik lang siya, which is odd, sanay kaming dalawa na pagaanin ang atmosphere sa ganitong panahon."Stewart?"
"Y-yes, Miss O'Brien." Gulat niyang tugon.
"If that so, magsimula na tayo."
"Wait."
Magsisimula na sana kaming tumakbo nang pigilin kami ni Stewart. Balak ko pa siyang batukan dahil kung ano-anong ginagawa niya pero imbis gawin 'yon ay napatitig ako sa kanya nang seryoso.
What is he up to?
"Kabilang kami sa Pinky Gangsters, hindi po ba?"
"Oo naman. Anong problema Stewart?" Naguguluhang tanong ni Miss O'Brien.
"Tara na, magsimula na tayo ---""Kung ganoon. Pwedeng ako na lang?"
"Guys!" Napalingon kami sa madilim na parte ng gubat nang may magsalita rito. Nakita ko si Miss Wencie na naglalakad palapit sa amin.
"Buti nakita ko kayo."Imbis na pagtuunan siya ng pansin ay hindi natibag nito ang titig namin kay Mice.
"Anong ikaw na lang?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Pinky Gangsters
ActionKung may F4. May pinky gangsters. Kung gwapo sila. Kami magaganda. Kung mayaman sila? Pwes kasing yaman nila kami. Ang pinagkaiba lang ay kabilang kami sa pinakatanyag na Mafia sa bansa ang "Dark Queen's Mafia" at may mga misyon na ipinapagawa sa...