CHAPTER 16: Concern

128 29 2
                                    

Wencie Smith's POV

Sunod-sunod na pagkatok ang nanggaling sa aking pintuan kaya napahinto ako sa pagwawalis ng bahay at tiningnan nang masama ang pinto.

May hampas lupa sa labas ng bahay ko.

Kahit papalapit na ako ay patuloy pa rin ito sa pagkatok.

"Could you please wait!" Sigaw ko nang hindi talaga ito tumitigil.

"Mabuhay!"

Sinamaan ko lang siya ng tingin at isasara na sanang muli ang pinto pero bigla nito akong pinigil. "Sandali naman! Could you please wait?" Tanong niya na may panggagaya sa tono ko kanina.

"Busy ako, umuwi ka."

"Ang tipo kong babae, maginoo pero medyo bastos. Maginoo pero medyo bastos, maginoo pero medyo bastossss ohhhh." Kanta niya habang nakaharang ang dalawang braso sa pintuan.

Maginoo pala ha. 

Itinulak ko ng malakas ang pinto kaya ayun naipit siya.

"Aray! Ang bastos mo talaga!"

Inirapan ko lang ito, saka iniwan doon na hawak-hawak ang braso habang nakangiwi.
"Ayan, pwedi ka nang pumasok."

"Woowww. Salamat ha, napaka-welcome ko naman sa bahay mo."

Kinuha ko ang walis sa gilid at nagsimula na ulit. I don't have nannies, actually, I don't have any plan to get one. I'm happy living alone. Doing stuff without any help from anyone.

Napairap na lang ako sa hangin nang makitang pumasok sa kusina si CaUx, galing ah.

Feel at home ang loko, napailing na lang ako at hinayaan na siya.

Simple lang ang bahay ko. Walang second floor, pero malaki ang sala. 3 ang kwarto, may isang kusina, may office o parang library ko tsaka isang kwarto para sa gameroom namin nila Eloi.

Oo, mag-isa lang ako pero tatlo ang kwarto.

Paano ba naman kasi napagtitripan nila minsan na dito matulog, yung isang kwarto sa akin. Yung isa guest room at yung isa para sa aming 7 nila Talline, bali 2 king beds ang nandoon.

Siguro nalalakihan ka na niyan pero sa akin maliit lang talaga ito, dahil kung ikukumpara sa mansyon namin na tinirahan ko nung bata pa ako ay wala pa ito sa kalahati.

"Bakit ayaw mo na lang mag-hire ng katulong?"

Nang ma-dustpan ko na ang kalat ay nilingon ko si CaUx nna sa sofa habang nanunuod ng T.V at may hawak na isang bowl ng chips.

"Ayoko, pake mo ba."

"Pwede naman kasi 'yon, tapos kapag tapos maglinis, paalisin mo na," komento na naman niya saka pabirong natawa.

Inirapan ko lang ito at itinapon ang laman ng dustpan.

"Hindi mo ako tulad na tamad."

"Oo na lang."

Pagkatapos kong iligpit ang aking mga ginamit ay naupo ako sa tabi niya at kumuha ng chips sa bowl na hawak din nito.

"Bakit ba nandito ka?" Tanong ko.

"Wala akong matambayan eh, walang namang pinapagawa sa akin."

"So, akala mo tambayan 'to? Kung barilin kaya kita?"

Nanlaki ang mga kanyang mata at nahinto sa pagsubo ng chips, may mga naiwan pa ngang chips na nakadikit sa gilid ng kanyang labi. Sa umpisa ay pinigil kong matawa pero sh*t, napakalupit ng mukha ni CaUx!

Pinky GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon