CHAPTER 29: Wencie Smith

93 20 1
                                    

Someone's POV

Itinaas ko ang dyaryo na aking binabasa nang bigla niyang iniangat ang kanyang ulo mula sa pagkakadukmo sa mesa. Ibinaba ko naman nang bahagya ang papel hanggang sa mata ko para makita kung ano na ang kanyang ginagawa.

Humikab ito saka muling dumukmo tila may bagay na hindi niya nakita sa pagbangon ng kanyang ulo.

"Sh*t, kinabahan ako." Bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa dumadaang kulay gray na kotse. Sumandal ako sa upuan at bumuntong hininga bago muling ibaba ang news paper na nakatakip sa akin.

"Woah!"

Nawalan ako ng balanse at tumuwad ang inuupuan ko kasama ng aking katawan. Hinawakan ko ang aking likod habang naka-upo pa rin sa sahig.

Ang sakit ng aking pagkakabagsak ah.

May narinig akong tawa ng mga tao sa paligid at namataan ko rin ang iilang mga mata na nakatingin sa akin.

Nasa labas kasi ako ng isang coffee shop. Nagmamasid ako sa babaeng kanina pa tulala lang at pinagmamasdan ang mga taong papasok at lalabas sa shop. Pinili kong dito maupo sa table sa labas para hindi mabigyan ng spot sa mata niya.

Pero, takte! Nagulat ako na nasa harapan ko na siya ngayon!
As in ngayon!
Nakaupo siya sa kaharap kong bakanteng upuan dito sa table ko.

Habang hiyang-hiya ako sa nangyari sa akin siya namang pag-snob lang sa atensyon na nakukuha ko.
Tahimik siyang pumipindot sa phone at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin tulad nang ginawa niya kanina na halos magkalapit na ang mukha namin na ikinagulat ko dahilan ng pagkahulog.

Mabilis akong tumayo kasabay nang pagtayo sa upuang naituwad ko. Masakit man ang likod ay hindi ko na ininda. Takte, nakakahiya.

"Sir, ayos lang po ba kayo?" Tanong sa akin ng isang waitress na may suot na itim na vest at puting polo sa loob. Naka-skirt din ito na above the knee with matching black heels.

Ngumiti ako para itago ang kahihiyan at sakit na nararamdaman.
"W-wala. I---m fine."

"Water po?"

"Ah sige, ka--"

"Tsss, stop flirting. May kasama siya, kung nasaktan yan sasabihin niya. E hindi nga, hindi ba? Kaya huwag ka nang mag-offer ng kung anu-ano." Pangaral nung babae sa aking harapan don sa may waitress. Nakita kong inilock nito ang screen dahil nakita kong namatay ang ilaw ng cellphone niya.
"Kapag walang hinihingi, huwag bigay nang bigay."

Nagpanganga ako sa kanyang sinabi at gulat na tiningnan ang waitress na ganun din ang reaction sa gilid ko.

"S-sorry po." Yuko nung waitress matapos maka-recover at mabilis na umalis sa harapan namin.

"Bakit mo naman sinabi 'yon? Trabaho niya 'yon." Atungal ko dahil napakatalas ng kanyang dila.

"Trabaho? Trabaho ba ang magturuan sila kung sino ang lalapit sa'yo, para makuha ang number mo?" Napaismid ako sa kanyang paliwanag kaya hindi na ako nakapagsalita. "At ikaw? Hindi ba ikaw yung lalaking nasa hospital nang araw na pinuntahan namin si Kelly?" Pormal niyang tanong.

Sh*t.

Eto ang iniiwasan ko.

"H-huh? Sorry miss. Pero hindi kita kilala."

"I'm Wencie Smith. Now that I already introduce myself, it is your turn now."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Ngumiti siya nang pilit bago nagsalita.
"Huwag tanga, dude. Hindi uso sa akin 'yon."

"D-dude?"

F*ck. I don't have any more words to trigger.

Pinky GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon