Kristalline William's POV
"Goodmorning Ma'am." Bati sa akin ni Manong guard na pinagbuksan ako ng pinto para makapasok sa loob ng coffee shop.
Hinanap naman agad ng aking mata si Gabriel Dex Hepburn at nakita ko itong nakaupo habang seryosong nakatitig sa glass window ng shop.
Lumapit ako rito at walang salita ay umupo sa kaharap na upuan niya.
"You're 3 minutes late." He uttered without looking at me.
Tumingin naman ako sa relo at natawa nang bahagya, for real? Pati 3 minutes napansin niya? "So, let's start with---" lingon niya sa akin.
Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil na-focus ang tingin ko sa brown nitong mata habang bagsak at halatang ang lambot-lambot ng bawat hibla ng kanyang buhok. Nagsusumigaw rin ang kanyang panga na mas lalong nakapagpadagdag ng appeal sa kanyang mukha.
Bumaba naman ang tingin ko sa kulay pink niyang labi na walang kahit anong bahid ng pagngiti. "Kristalline?"
Napaangat ako ng tingin, gosh.
Did I check him out? Really?
Hindi ko naman ipinahalata na halos mabaliw ako sa kagwapuhan niya at umayos ng upo.
Well, ngayon lang kami nagkaharap nang ganito, yung parang kaming dalawa lang talaga dahil karaniwan ay wala akong pakeelam sa kaniya at si George lang ang iniintindi ko.
Ganito pala talaga siya kagwapo sa malapitan.
Was this kind of face legalized?
"You can call me, Talline. Kristalline is so formal." Pagtatama ko sa kaniya.
Itinaas niya ang kanyang kilay at supladong nagsalita. "But, it's your name, right? Anyway, if you don't want to be called in a formal way. I'll prefer Kristal then."
I frowned, "what!?"
Napalunok ako at pinigilan ang pagtaas ng aking boses sa pagkabigla.
"It's so cheap. Call me Talline or Tal or whatever, just don't use the f*cking Kristal."
Tumitig ito nang matagal. "Whatever."
WHAT!? Bakit parang mas mataray pa sa akin 'to? Hindi kaya bakla si Gab?
"Hi, Gab!"
Naangat ang aking tingin sa babaeng bumati sa kanya. "Looks like you're dating some--" sumulyap ito sa akin bago yumuko at kinindatan si Gab, "one." Pagtutuloy niya.
Tsss, slut.
"No, she's just a random girl."
What? How dare he include me with those random girls?
Didn't he know I'm Kristalline Williams?
A Williams?
F*ck you.
"Ow? Is that so? Samahan mo ako, let's go to my condo."
Umiwas ako ng tingin saka tumayo na, mabilis akong naglakad palabas sa shop. I'm not aware na pinapunta niya ako rito para panuorin ang kalandian niya sa ibang babae.
"Wait." Nagulat ako nang biglang may pumigil sa aking paglalakad. Sinalubong ako ng kanyang mukha na walang emosyon.
"Let me go," I said sternly. It was like my skin electrified him, so he let go of me quickly.
Bakit ba ang bawat galaw niya ay nakakainis? The way sa pagtitig, galaw at salita niya ay sobrang naiinis ako?
To the point na parang nakaka-insecure at nakaka-concious na makasama siya!
I was about to walk, but suddenly he spoke again.
"I already have the information about Morgan."
Bina-black mail niya ba ako? Porket hindi ako makahanap ng mga data kay Morgan gagamitin niya 'yon para pakinggan ko siya?
Umirap ako sa kanya.
"I don't care."
"Tomorrow, Divine wants us to meet again. So, if I were you, I will choose what is beneficial, Kristal."
"That's bullsh*t."
"Watch your words."
Ngayon pati pagmumura ko, pinapakialaman niya na?
No one dares to control my life.
No one, but this is d*mn, knowing that he was the first to try.
"What do you want?" Tanong ko nang matapos na ito.
*****
Ilang minuto ko nang tinitingnan ang relo pero wala pa rin si Gab, ang tagal naman 'nun. Kanina pa nakaalis sila Kelly at ako na lang ang nandito sa parking lot.
Pabebe.
Pipihitin ko na sana ang susi para umalis dahil mukha namang wala akong mahihita rito pero lumiwanag ang aking mata nang makitang naglalakad na ito papunta sa kotse niya.
Binuksan ko ang pinto at nagmadaling bumaba para malapitan siya.
"Gab!" I called to get his attention. Lumingon naman ito pero pinagmasdan lang ako habang tumatakbo palapit sa kanya.
"What does it mean?" Bungad ko habang hinahabol ang hininga.
He cocked his head and then slightly lifted the one side of his lips.
"I'm busy for now. I'll just call you, then let's meet some other time."
"I don't f*cking care if you're busy today! But what I'm asking here is the matter." Inis kong sigaw.
Paghihintayin niya ako tapos busy siya? Kahit sabihin nating will ko ang paghihintay, I don't give a d*mn.
"I'll tell you but not now. That's the matter." Mabilis itong tumalikod at sumakay sa kotse na hindi man lang ako tiningnan ulit. Sh*t.
Wow ha, talagang MATTER lang pinag-usapan namin?
*****
I wouldn't say I like the Vhilantro gang.
"Be my girlfriend."
"Girlfriend?" Natawa ako sa sinabi niya. "Are you playing me?"
"I need someone to act as my girlfriend. This is for my mission."
"Blah blah. YOUR mission not mine." Mataray kong sabi, gwapo siya pero bastos ang pag-uugali.
"I need you and you need me too, Kristal. Take it or leave it."
"F*cking cliché dialogues. I don't need you." Tumalikod na ako saka naglakad paalis. Kaya kong maghanap ng information about kay Morgan without any help of anyone.
I rolled my eyes before starting the engine of my car.
I like you, Gab, but I bet we're not compatible because of each other's intimidating aura.
Sasabog tayong dalawa kung magkakasama lang tayo ulit.
Diana Rose O'Brien's POV
Almost one week na, simula nang mailibing si Kelly. Nalaman naming namatay ito dahil sa lason na kumalat sa katawan niya mula sa pagkakabaril sa binti at isang shot mula sa ulo.
Hindi ko alam kung ano ng balita sa Seuss, kung nag-imbestiga ba sila, o kung sino ang pumatay kay Kelly, pero simula umpisa pa lang ang sinisisi nila ay ang DQM and their no. 1 suspect as well.
"The total lost money in the Company was 77,000,000 it was almost half of--"
"Stop. Where's the 77,000,000?" Nahinto si Pearl sa pagsasalita at kinakabahang tumingin sa akin. Nagpatawag ako ng meeting among board members of my company, kaya nandito ako ngayon.
Ang tagal-tagal kong pinagkakatiwalaan si Pearl sa pag-handle nito, but she breaks it.
"Ma'am-- Diana, k-kasi po--"
"What. We all know that's your responsibility, how come you didn't know?"
Nanatili akong nakatitig kay Pearl, kahit naramdaman ko ang presensya ni Hurvey na umupo sa aking tabi. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan.
Sinabi ko sa kanyang okay lang na h'wag na siyang pumunta rito sa meeting pero he's really stubborn to obey me.
Yumuko si Pearl, at tila alam ko na ang sagot.
Hindi niya alam kung saan napunta.
"This meeting is adjourned."
Nagulat ang mga tao sa loob ng kwarto at nagpalipat-lipat ang mga tingin.
"Move, get out." Mabilis silang lumabas na tila mga nag-uunahang langgam.
Nag-iinit ang ulo ko.
"Pearl, wait me at my office. We are going to talk," I stated, sternly. Tumango na lang ito at hindi na ako natingnan pa sa mata.
Pagkaalis ng lahat liban sa amin ni Hurvey ay napahilot na lang ako sa ang aking temple, bakit nawawalan ang company na hindi nila alam kung saan napupunta?
"Babe." Hurvey stated as he held my hand and squeezed it repeatedly, trying to comfort me. "Look, I think that Pearl was the one who stole the money."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Hurvey.
Si P-pearl? How could it b-be?
I trusted her so much and looking at her; I know she would never do that. But...
"In the business world, if you always think everyone can't do bad, you won't be successful."
Nag-isip ako sandali at tinignan si Hurvey. Naabutan ko naman na nakatitig ito sa akin tila hinihintay ang aking sasabihin.
"I trusted Pearl so much, I doubt she'll do that, Hurvey." Iiling-iling na ani ko.
Siguro naiinis ako kay Pearl dahil responsibility niya ang bantayan ang pera ko, ang pera ng company. Pero ang isipin na siya ang nagnanakaw rito mismo ay hindi ako makapaniwala.
"Half of my life, I sacrifice almost everything just to get this position and maintain this position. No one mustn't say that it was easy to be on top since there are ups and downs. There are bad and good employees. Truth and lies in regards to information. Loyal and betrayal among people. Believe me, everybody can do anything just for money."
Alam ko ang point niya, sa mundo ng business hindi ka magtatagumpay kung lalamya-lamya ka at walang lakas ng loob. Hindi mo makukuha ang gusto mo kung puro ka paraya at awa. Umiikot ang mundo, but we can do something to reverse it.
Just don't go with the flow; decisions are highly required.
Pero si Pearl, she's not just an employee. I'm treating her also as my friend. She's always there and never leaves every time I need someone in times of crisis in my company.
Was she really the one who did that?
"Hurvey, she's my friend. Mayb-be we can fix it. It's just money I can gain more than what I have right now." I shrugged.
Matagal kong pinagkatiwalaan si Pearl at isipin na isa siya ang suspect ay mahirap para sa akin dahil sa mundo ngayon, napakahirap nang makahanap ng mga totoong tao, sa totoo lang.
And, I have already proven Pearl's loyalty to me. She has been one of a kind finance staff for so long.
Tumayo si Hurvey kaya sinundan ko lang ito ng tingin. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa mesa at saka umiling bago magsalita.
"Nah, uh. Money could run the world. You don't need friends anymore. You have Eloisa, Taline, and your buddies. You have me. Remember? You have already given her a second chance and you see, she missed that chance again."
Napasandal ako sa aking upuan at tiningnan ang ceiling. "I can give her another one."
"That's bull--" tila nahinto sa sasabihin si Hurvey at nagbuntong hininga bago itinuloy ang sasabihin na this time wala nang gigil sa pagsasalita.
Am I that annoying?
"I-i mean, that's not a good idea. You're not just betting your friendship with her. You are also betting the company that your Dad has built."
Naibaba ko ang tingin at seryoso siyang tinitigan. Kapag usapan na kay Daddy, of course no.
Hindi ko hahayaang mawala ito nang dahil lang sa kapabayaan ko.
"Yeah, you are right."
Tama naman talaga si Hurvey, if I'm going to allow myself to neglect this problem right now, there's a big chance that I will lose this heaven of mine. My company.
"So, what are you going to do?" He asked.
Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto.
"I should fire her."
Nakita ko ang pagngiti nito saka ako sinundan sa paglalakad.
Maria Flor Ashby's POV
Kinuha ko ang isang bouquet ng bulaklak bago binuksan ang pinto sa aking gilid. Bumaba ako at naglakad papunta sa puntod ni Kelly.
We have been friends for a long time, and now, she's gone.
Napatawa ako nang mapakla nang maisip kung nasaan kaya siya ngayon saka nagbalik ang isang ala-ala sa akin nang minsan kaming nag-usap.
*****
"Pupunta ako sa susunod na araw sa lugar kung saan pinatay ang target ko."
Lumingon ako at iniayos nang pagkakahawak ang bowling ball sa aking kamay saka pinakawala.
Strike!
"Nakikinig ka ba?"
Tumalon muna ako sa saya at humarap. "Yep, pero ano pa makukuha mo 'ron, e baka naubos na ng mga pulis 'yon."
"Nothing will happen unless I'll try." Kibit balikat niya.
Nakaupo lang kasi ito at tinatamad daw siyang mag-bowling kaya ako lang mag-isa ang naglalaro.
"Samahan kita, kailan ba 'yan?" Muli ko nanamang itinapon ang itim na bola at...
"Sayang!" May naiwan na tatlo.
"No need, I can handle it."
"You sure?" Umupo ako sa tapat niya at uminom nalang sa drinks ko. Nakakapagod maglaro mag-isa, walang thrill.
"Wala naman akong gagawin 'non."
"Oo naman, ako pa. Tsaka kung mamatay man ako that time, no doubts susundan mo rin naman ako roon." Biro niya saka natawa.
"Ano ka? No way. Sa heaven ako." Angil ko sa kanya.
Angel kaya ako.
"Heaven? Walang ganun sa mga katulad natin." Tango niya.
"Kaya kapag hahanapin mo ako. Sa lupa ka tumingin at hindi sa taas. Mangangawit ka lang. "
"Kdot." Pagtataray ko pero natawa rin. "Matagal pa 'yon, masasamang damo tayo eh." Ngumiti naman ito at tumayo na para kumuha ng bola.
"Akala ko ba hindi ka maglalaro?" I asked.
"Wala lang. Baka last ko na 'to eh."
*****
Pinahid ko ang aking luha at tumingin sa lupa.
"Bruha ka, aga mong nawala." Bulong ko, saka pinilig ang aking ulo para maglakad na papunta sa puntod niya.
Nakunot naman ang aking noo nang may nakitang lalaking nakatayo sa tapat nito. Aba! Hindi man lang nito sinabing may boyfriend pala siya, single raw siya ang laging sinasabi sa akin.
Naku ka Kelly.
"Excuse me." Tawag ko sa lalaki kaya humarap ito.
"Scott!?" Bulalas ko.
Bakit nandito 'to?
"Oh?"
Gumilid ito kaya ibinaba ko ang bulaklak sa tapat ng puntod, may bulaklak din akong nakita na mukhang bago pa.
Siya siguro ang may dala.
Pagkatapos iayos ang bulaklak ay humarap ako sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?"
"Dumadalaw."
"Obvious naman! I mean, bakit mo dinadalaw si Kelly?"
"Kasi patay na siya?" Sagot niya na may pagkasarkastiko.
Nagcrossed arms naman ako, "niloloko mo ba ko?" Umiling lang siya na may halong pigil na tawa. "E ano? Bakit-- ow! Girlfriend mo siya? Kawawa ka naman ang aga mong nawalan ng minamahal sa buhay. Karma siguro 'yan, dami mo kasing kasalanan eh? So sad." Pang-aasar ko.
"Dami mong alam." Saad niya saka natawa.
"Yeah, I'm awesome." Mayabang kong sabi.
"Pfft, pero hindi ko siya girlfriend eh."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Ano, ka-M.U?"
"Nope."
"Nililigawan?" Umiling ito.
Eh, ano?
Ay!
Alam ko na!
"Ex ka 'no? So poor. Break na agad kayo. Kawawa ka naman sa lovelife. Pero mabuti na rin 'yon kay Kelly, nawala siya sa mundo na hindi sa katulad mo napunta."
Napatawa na ito nang malakas na mas nakapagpainis sa akin.
"What!?"
"Dami mo kasing sinasabi, hindi mo hintayin yung sagot ko."
"Why would I?" Taas kilay kong tanong.
Kumuha ito ng lighter sa bulsa at lumapit sa kandila na mukhang namatay ang apoy dahil sa hangin. Sinindihan niya ito at saka sumagot.
"Hindi naman porket matalino ka, alam mo na lahat ng bagay. She's my cousin."
P-pinsan?
"Paano? Eh, Meyer ang surname ni Kelly at ikaw naman ay Philips!"
"She's my cousin sa father ko. Ang mom niya ay kapatid ni papa. Kaya hindi niya naging surname ang apelyido ko dahil sa Dad niya ang Meyer. You didn't know? Kelly Philips Meyer ang whole name niya."
Napatampal ako sa noo sa narinig. Oo nga pala, bakit hindi ko napansin.
"Bakit hindi ko alam, tsaka hindi ko kayo nakikitang magkasama?"
"Assassin ako under Miss O'brien at hindi kasali sa high class, madalang lang kami sumama sa inyo kapag kailangan lang ni Miss O'Brien."
Ahhhhh. Kaya pala.
"Teka? Bakit hindi ka sumali sa Seuss para maging high class mafia ka na rin, hindi ba?"
"Si Kelly ang nagpasok sa akin bilang Assassin ni Miss O'Brien, infact ayaw niya talaga akong maging assassin o kahit mafiaso, nagpilit lang ako. Akala ko kasi dati cool at astig ang trabahong ito."
Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko kita ang expression nito pero nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya.
Ilang minutong katahimikan ang nagyari bago ko ito basagin.
"So.. You think, hindi na ito astig at cool? If that's so, I can ask naman si Diana if pwede ka nang umalis."
Pagkakatanda ko kasi ayaw na ayaw ni Kelly na madamay rito ang kahit sinong kamag-anak niya and I concluded ngayong wala na siya, mas gugustuhin na nitong umalis si Scott lalo na ngayong wala nang magbabantay rito.
"No," madiing sagot niya.
"You know what? Ayaw ni Kelly na sumali ka rito from the start pa lang so I bet she can get her peace of mind if aalis ka rito."
Humarap ito at diretsong tumingin sa aking mata. Napaatras ako nang bahagya at napaiwas ng tingin. I never saw him like this before.
Hindi kami laging magkasama pero those times na nakikita ko siya, he never used this expression to anyone.
"Hindi ako aalis hanggang hindi ko napapatay ang gumawa nito kay Kelly."
"You're just an assassin. Ang trabaho mo lang ay bantayan si Diana. Kelly will never be happy if she'll know that you're planning to get her an act of revenge!"
Ngumiti ito ng pilyo saka nagpamulsa.
"Whatever you'll say. I will never change my mind."
Muli itong humarap sa puntod at saka kinausap si Kelly. "Bye, Ate Kel. Aalis muna ko."
Naglakad na ito nang tuloy-tuloy at iniwan akong nakanganga.
"Hoy! Kelly! Magpinsan pala kayo? Bakit hindi mo man lang sa akin sinabi! Susme. Iisa ngang dugo ang dumadaan sa inyong dalawa. Parehong matigas ang ulo." Iiling-iling na ani ko sa puntod na nasa aking harapan.
--------
NEXT CHAPTER: PAST
BINABASA MO ANG
Pinky Gangsters
AcciónKung may F4. May pinky gangsters. Kung gwapo sila. Kami magaganda. Kung mayaman sila? Pwes kasing yaman nila kami. Ang pinagkaiba lang ay kabilang kami sa pinakatanyag na Mafia sa bansa ang "Dark Queen's Mafia" at may mga misyon na ipinapagawa sa...