Diana Rose O'Brien's POV
Ilang minuto ang pinalipas ko bago muling tawagan ang secretary ni Hurvey. Mabilis nitong sinagot ang telepono at sinabing hanggang ngayon ay kasama pa rin ni Hurvey yung girlfriend nito sa loob kaya napagpasyahan ko nang umalis para puntahan siya.
"Miss O'Brien, your next meeting will be ---"
"Cancel it."
"P-po?" Tumango lang ako saka naglakad tuloy-tuloy palabas ng office. Sinalubong kasi ako ng aking secretary habang sinasabi ang mga gagawin ko ngayong araw.
"How about your---"
Huminto ako at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa aking balikat.
"I have an emergency meeting, so cancel everything. Tell them we will reschedule it."
"But ma'am importante po ito, isa po sa pinakamalaking client natin, si Mr. Chu."
Tinaasan ko ng kilay si Vivienne, ang aking sekretarya.
Ano ba ang importante?
Yung meeting na 'yan o yung boyfriend ko na may kasamang girlfriend pero nandito ako?
"Ano ang importante sa'yo, love or career?"
"P-po?" Nalilitong tanong niya sa out of nowhere kong tanong.
"I hate waiting, Ms. Amherst," I said while fidgeting my fingers.
Yumuko ito at hinawakan ang bandang leeg tila hindi makapagsalita.
"Career, ma'am." I paused for a moment, trying to comprehend her answer. Career, huh? I thought she would choose love over work.
"It doesn't mean po na hindi na ganun kahalaga yung taong mahal ko, pero po k-kasi para sa akin.. Yung tao kaya tayong intindihin pero yung career tayo ang iintindi ron."Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad pabalik sa office.
Fine.
I got it.
"Miss O'Brien! Ika-cancel ko na po ba?" Tanong niya habang habol-habol ako. Binuksan ko ang pinto at bago ito isara ay sinagot ko siya.
"No. I will attend them all."
"Kala ko po---"
I closed the door from my behind bago niya pa tapusin ang kanyang sasabihin. Ibinaba ko ang bag pagkalapit sa mesa.
Lito man ay naupo ako sa swivel chair at iniikot ito paharap sa aking bintana na gawa sa salamin ang dingding at kita ang iba't ibang naglalakihang building sa labas. Pinagdikit ko ang aking mga kamay habang nakapatong ang dalawang siko sa magkabilang dulo ng upuan.
Professional akong tao at ang isang professional na businesswoman, importante ang career sa kanya. Importane ang trabaho. I can't leave everything here hanging just because gusto kong puntahan si Hurvey at kung sino mang babae ang kasama niya.
Kahit masakit, bear it.
Kinuha ko ang cellphone and type a message for Hurvey.
Message: From Diana
Where are you?----
Sent.
Two, three, four? I don't know how many hours have already passed. Trust me; I tried so hard to stay calm while waiting for his reply or even a call, but at the end of the day, I still received nothing.
Oh, I forgot! May natanggap nga pala ako, guess what?
Heartache.
BINABASA MO ANG
Pinky Gangsters
ActionKung may F4. May pinky gangsters. Kung gwapo sila. Kami magaganda. Kung mayaman sila? Pwes kasing yaman nila kami. Ang pinagkaiba lang ay kabilang kami sa pinakatanyag na Mafia sa bansa ang "Dark Queen's Mafia" at may mga misyon na ipinapagawa sa...