CHAPTER 59: Where do Broken Hearts go?

135 8 0
                                    

CHAPTER 59: WHERE DO BROKEN HEARTS GO?

PG

Kristalline's POV

"Okay na." Bulong ko saka sumandal sa upuan matapos makita sa monitor na nakadeactivate na ang lahat ng bomba at lahat ng patibong.

Ibig sabihin from now on, ala nang aasahan sa aming mga hacker ang mga kamyembro namin.
Ang isang bagay na lang na aasahan namin ay ang aming mga ability at strength para pigilan ang mga kalaban.

"Thanks God." Buntong hininga ni George sa aking likuran. Halata na ang pagkarelax nito na ibang iba sa kanina.

Ginawa ko ang lahat para mahack ang mga ginawang password ni Gab at madeactivate ang buong operating system ng HQ ng DQM. I already told you, hindi ako ganon kagaling tulad ni Gab. Kaya imbis na mabalik ko sa lahat ang hinack nyang mga system ay wala akong nagawa kung hindi ishut down itong lahat.

Buti nalang naisalba ko pa ang mga surveillance system sa ibang lugar lalo na sa kwarto kung nasaan ang Diadem.

Masyadong komplikado ang ginawa niya sa system, to the point na nagend up ako sa solusyong icancel ang lahat.
F*ck, sinayang nya ang lahat ng ginawa naming paghihirap.

Lahat nang set up at positioning pati ang mga emplace of weapons ay nasayang. Nawalang lahat.

"San ka pupunta Logan?" Tanong ni George na muling bumalik ang pagkastress sa mukha nito.

"Hahanapin ko si Gab."

"For what?" This time ako na ang nagtanong. Ano namang gagawin nya kay---

"Papatayin ko sya." Madiin at halata ang poot sa tono ng pananalita ni Logan. A-ano? Papatayin?
"Tulungan nyo ang iba nating kasamahan. Ako na ang bahala sa kanya---"

Napatayo ako bigla at hindi na napigilang magsalita.
"No!"

Tinitigan lang ako ni Logan. Matagal, mapanuri. Hanggang sa huli napailing nalang siya at malungkot na ngumiti sa akin. Alam nya na.
"Yes. Yes, Talline kaya sana maintindihan mo ko." Huli niyang litanya bago lumabas ng kwarto.

No! F*cking no! Hindi nya pwedeng patayin si Gab!

Hahabulin ko na sana ito para pigilan siya pero bigla kong naramdaman ang kamay ni George sa aking braso. Napatingin ako sa kanya na halos manlaki ang mga mata.
"Bitawan mo ako George." Madiin kong utos.

Napataas ang kilay nito.
F*ck! Ano bang problem nila! Hindi nila sabing pwedeng patayin si Gab!

"Bakit Williams?"

Para akong sinampal sa tanong niya. Dinaig pa nito ang ginawa niyang pagsampal sa akin nang literal kanina, ginising ako nito. Bakit nga ba?

Bakit nga ba Williams?
Why you're giving a f*cking care  to an asshole?

"What the hell!"

Naalis ako sa pagtatanong sa aking sarili ng biglang nagkundapkundap ang malaking kulay pula na ilaw sa ibabaw ng monitor at isang mechanical voice ang narinig namin.


'Alert.'

'Alert'

'Alert'



Napatakbo kaming dalawa ni George papalapit sa monitor at tiningnan ang camera na nakapwesto sa lugar nang Diadem. Isa lang ang ibig sabihin ng pag-ilaw nito. May nakapasok na sa kwarto kung nasaan ang Diadem.

"Sh*t! Nasa loob na nung kwarto yung babae kanina!--- pero teka? S-si-- si Queen Elizabeth ba 'yon?"

Pinagmasdan ko ang parteng itinuturo ni George. Tama. Si Queen Elizabeth at may isang babae sa loob ng kwarto na nakamaskara. Tila naguusap sila at mukhang hindi maganda ang kahahantungan ng pangyayaring ito.
Kahit anong mangyari ipagtatanggol nang Mom ni Wencie ang Diadem, baka ikamatay nya 'to!

Pinky GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon