Chapter 13

7K 149 3
                                    

Nagmamadali na akong tumakbo palabas ng bar kasunod si Cyrus at si Clover naman ay kinausap pa yung nagsisisigaw na babae.

Nagpalinga-linga ako sa paligid ko pagkalabas ko ng bar at sakto namang nakita ko ang dalawang lalaki na may hawak na baril na ipinasok si Katarina sa loob ng van kasama ang dalawa pang babae na nagsisisigaw na din.

"Fuck! They can't get away! Target the tires!!!" Sigaw ko kay Cyrus na halos kasabay ko lang na naglabas ng baril.

Sa unang putok ko palang ng baril ko habang tumatakbo palapit sa direksyon ng van ay tinamaan ko na ang hulihang gulong nito kaya nagpagewang gewang ito dahilan para ihinto ng driver ang sasakyan.

Mabilis namang nagsilabasan ang apat na lalaki kasama ang dalawang babae na kinuha nila sa loob ng van at tinutukan sa ulo ng hawak nilang baril. Lumabas din ang isa pang lalaki na hawak si Katarina sa leeg habang nakatutok naman ang baril sa ulo nito.

And that's the time I indisputably felt my blood drained out of my body. Sa puntong ito wala akong balak na itira isa man sa kanila!

"Kung sino man kayong dalawa, gusto kong malaman ninyong hindi ko gusto tong pag-antala niyo sa ginagawa namin! Ano sa tingin niyo ang laban niyo sa amin eh dadalawa lang kayo?!?" Sigaw samin ng nasa gitna na mukhang leader nila.

I smirked at his words and instantly fired my gun through his head completely missing the woman he's holding. Binaril din ni Cyrus ang iba na bumagsak agad pero hindi ako nakaligtas sa bala ng isang lalaki kaya nadaplisan ako sa balikat but it didn't make me stop on my target.

"Reid!!!" Katarina shouted at me, stunned, but I ignored her.

Unfortunately, the guy holding her didn't. I saw him grabbed her hair and pulled it with all his might that makes her scream and drag her at the other side of the van but I didn't let him accomplish his plan.

I shoot the guy at the back of his head once he looked the other way and he fell sideways at the pavement, lifeless.

Nilapitan ko si Katarina na nanginginig na sa takot pero nang tingnan niya ako ay napatigil ako sa kinatatayuan ko.

That look on her face says she's not just afraid of the guys that almost took them but also with...... me?

Nagtatalo ang isip ko kung lalapitan ko pa ba siya o hindi ng mapansin kong matutumba na siya dahil sa panginginig ng mga tuhod niya kaya kahit na nakataas ang isa niyang kamay na parang hindi niya ako pinapalapit sa kanya ay nilapitan ko parin siya. Sakto namang nawalan siya ng malay sa mga bisig ko.

"Fuck!" I hissed when she hit my wounded arm but I still carry her in a bridal style.

"Are you okay, Reid?" Tanong sakin ni Clover na hindi ko napansing nasa tabi ko na pala.

Tinanguhan ko lang siya habang naglalakad papunta sa parking lot kung saan nandodon ang kotse ni Katarina.

"Do you have her key, pre?" Cyrus asked habang nakatungkod ang kamay sa nakabukas niyang sasakyan.

Pero siyempre wala sakin ang susi ng kotse ni Katarina at wala din sa bulsa ng jeans niya ng kapain ko yun kaya lumakad nalang ako papunta sa sasakyan ni Cyrus kahit nahihirapan na akong buhatin si Katarina.

"Bring her to our hide-out." Sabi ko ng maibaba ko si Katarina sa kotse ni Cyrus.

"Whattt????" Sabay na sabi nila Clover.

"Hindi natin siya pwedeng dalhin doon, Reid. She can't know about us! She can't know about our hide-out! We can't trust her! Dalhin mo nalang ulit siya sa isang hotel!" Sabi ni Cyrus na may halong galit.

Hindi ko din alam kung bakit ko ginagawa ito pero hindi na magbabago ang desisyon ko.

"C'mon! Wag na nating pahabain tong usapan na to. Just bring her to our hide-out and I'll follow you, guys. Gagamitin ko ang motorbike ko." Sabi ko sa kanila pero hindi parin sila kumikilos.

"Guys! Any minute now darating na ang mga pulis! Alam kong malulusutan natin to pero matatagalan lang tayo sa pag-alis. Katarina needs to rest now!"

"Ng dahil lang sa babae, Reid? Paano kung------"

PAK!

"Aray naman, sweetheart!" Sigaw ni Cyrus ng batukan siya ni Clover.

"Baka nakakalimutan mo babae din ako ha? At girlfriend mo din ako kaya tara na! Wag ka na umangal!" Sabi ni Clover bago pumasok sa loob ng kotse.

Natatawa nalang ako ng kakamot kamot ng ulo niya si Cyrus papasok sa kotse niya.

Nang makaalis na sila ay saka ako sumakay sa motorbike ko at paharurot na umalis sa lugar na iyon.

Bukas na bukas din ay laman ng balita ang nangyari ngayon sa labas ng Reckless bar. Pero alam kong hindi kami madadamay sa nangyari. Palalabasin nilang ibang tao ang nakapatay sa mga lalaking yun na mukhang balak ibenta ang mga babaeng makukuha nila.

Nauna akong nakarating sa hide-out namin dahil sa bilis kong magpatakbo at dahil motorbike ang gamit ko.

Pero nagulat ako ng bumukas ang ilaw sa labas ng pinto ng hide-out namin hindi pa man ako nakakapasok.

"What? Scaredy cat?"

"Trixie?!? Anong ginagawa mo dito? Where's Jagger?"

"Hahaha kalma lang sa pagtatanong. Si------"

Beep beep. Busina ni Cyrus sa akin dahil nakaharang ako sa nakabukas na gate para makapasok ang sasakyan niya. Di-remote control ang malaking gate namin kaya kahit malayo palang ay pinindot ko na ang hawak kong remote para buksan iyon.

Pagkababa palang nila Clover at Cyrus ay nagulat na sila ng makita si Trixie pero mas nagulat si Trixie ng buhatin ko palabas ng kotse si Katarina at dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay.

"Anong???? Bakit???? Si Katarina????" Takang takang tanong ni Trixie. "Reid!!!" Sigaw niya sakin ng paakyat na ako sa may hagdan.

"Bakit? Kung hindi mo napapansin may tama ako ng bala ng baril kaya kailangan ko na siyang maibaba."

"Fine! Pero bumaba ka din dito agad dahil kailangan nating mag-usap."

"Okay, okay." Sabi ko at nagmamadali ng pumunta sa kwarto ko. Saan ko pa ba siya dadalhin edi dito lang, diba? Kahit na may iba pang kwarto dito sa hide-out namin.

"Nasabi na nila Clover sakin na idea mo ang pagdala kay Katarina dito, Reid. Pero bakit? Hindi mo-----"

"Wait!" Sabi ko at pinutol ang iba pang sasabihin ni Trixie.

Nililinis ko na ang sugat na natamo ko na parang hindi din daplis sa laki ng sugat at dami ng dugong umaagos. Atleast walang balang bumaon sa braso ko.

"Sa totoo lang, hindi ko alam ang isasagot ko kung ano man yang tanong mo. Hindi ko kayang sagutin ang mga tanong niyo dahil mismong sarili ko hindi ko masagot. Basta naramdaman ko nalang na dito ko siya kailangang dalhin." Sabi ko sa kanilang lahat except Jagger na nasa kwarto niya at nagpapahinga.

Tinitigan lang nila ako na parang wala na din silang magagawa dahil nangyari na.

"I guess, it must be love, pre!" Nakangiting sabi ni Cyrus.

"What the?!?" Tatayo na sana ako ng bigla silang magtawanang lahat kaya iniwan ko nalang sila at bumalik na sa kwarto ko.

Mahimbing paring natutulog si Katarina na kahit gusto kong tabihan sa pagtulog ay hindi ko ginawa kaya natulog nalang ako sa sofa na nasa kwarto ko. Bukas na bukas din ay kailangan naming pag-usapan ang nangyari.

Kasusuklaman niya kaya ako? Kakatakutan? Lalayuan?

Yun naman talaga ang gusto kong mangyari diba? Ang layuan niya ako kaya nauna ko ng ginawa yun sa kanya. Pero bakit parang ang bigat sa pakiramdam ko maisip ko palang na lalayuan na nga niya ako ng tuluyan?

Bakit parang mas gusto ko na ngayon na matanggap niya kung sino talaga ako at manatili siya sa buhay ko?

Bakit????

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon