Chapter 27

4.8K 101 5
                                    

Katarina's POV

"Palabasin niyo ako dito!!! Hindi niyo ako pwedeng ikulong lang dito sa kwarto ko! Please naman!" Paulit-ulit kong isinisigaw yan simula ng ikulong ako nila Natalie at Richmond dito sa loob ng kwarto ko pagkapasok ko palang dito nang ihatid ako kanina ni Reid.

Naiiyak na ako sa galit dahil mukhang wala nga silang balak akong palabasin ng kwarto ko. Naiiyak ako dahil nagagawa nila sa akin ang ganito dahil lang sa napakaliit na bagay. Pati pagkain ko ay ipinapahatid nalang nila sa katulong at pagkatapos ay ila-lock ulit ang pinto ng kwarto ko.

At eto pa ang pinakamalala, narinig ko sa labas ng kwarto ko na may kausap si Richmond na isa sa security ng bahay namin para bantayan ang labas ng kwarto at siguruhing hindi ako makakalabas.

Yung totoo? Baliw na ba sila? Sa tingin nila kaya kong lumabas sa kwarto ko na inilock nila sa labas eh hindi naman ako magnanakaw para mabuksan yung pinto. Buti sana kung assassin din ako eh. Kaya naman siguro nilang gawin yun diba?

At eto pa ang pinakanakakagalit sa lahat! Kinuha nila ang cellphone ko! Paano ko na tatawagan si Reid?!?!? Ngayon palang namimiss ko na siya! Hindi niya din malalaman kung ano nang nangyayari sakin. Mag-alala kaya siya sakin? Sana naman puntahan niya ako.

"Miss Katarina, okay lang po ba kayo diyan?" Tanong sakin ni Sammy na security guard namin sa bahay na nagbabantay sa labas ng kwarto ko. Siguro nagtataka siya kung bakit hindi na ako sumisigaw. Pero hindi ako nagsalita dahil may iniisip ako.

Paano kaya ako makakalabas ng bahay na hindi ko kailangang tumakas? Eh kung magpatulong kaya ako kila yaya Meding at Rafael? Kaya lang madadamay sila, hindi kakayanin ng konsensya ko yun.

Dapat ngayon din ang alis nila Natalie at Richmond eh pero dito daw muna sila para masiguro nilang hindi ko na lalapitan si Reid. Eh malamang talaga diba? Ikulong ba naman ako dito sa bahay eh.

Nakakaasar talaga!!! Lalo na.....

Oh my gosh!!! Paano na pala yung charity event na pupuntahan ko ngayon? Ngayon pa naman yung araw na magdodonate din ako sa orphanage na kailan ko lang nalaman!!!

"Sammy! Sammy!" Tawag ko sa labas ng kwarto ko habang kinakatok pa ang pintuan.

"Bakit po Miss Katarina? Anong nangyayari diyan sa inyo sa loob?"

"Tawagin mo sila Natalie, kailangan ko silang makausap. Pakisabi importante, please."

Bakit sa lahat pa ng makakalimutan ko ay yung tungkol pa sa charity? Hindi pwedeng hindi ko maattendan yun!

Narinig kong binubuksan na ang pintuan ng kwarto ko kaya napalayo na ako doon at inayos ang sarili ko.

Pagkabukas palang ng pinto ay nagsalita agad si Richmond.

"Ano na naman bang problema mo at inistorbo mo pa kami ng mommy mo?"

"Please po, bigyan niyo po ako ng mahabang pasensya para makapagsalita ng maayos sa kanila dahil kailangan ko talagang puntahan ang charity event na dapat ay dadaluhan ko. Importante po sa akin ang mga batang matutulungan ng charity na ito." Dasal ko sa sarili ko.

"Kailangan kong umalis dahil------"

"No! You can't see him anymore kaya hangga't maaari ay hindi ka na lalabas ng bahay na to. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Si Reid? No! It's not about him. I need to go because I have a charity event to attend to."

"You're using a charity program a reason for us to let you go? Ganoon ka na ba kadesperadang makita yung lalaking yon? Sinisira mo lang ang buhay mo at kung kani-kanino mo lang ibinibigay yang sarili mo! At kailan ka pa nagsimulang tumulong sa isang charity eh puro pagbubulakbol lang naman ang alam mong gawin? Ni wala kang naibigay sa amin ng mommy mo na ikatutuwa namin! Puro ka pahirap at sama ng loob lang sa amin!"

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon