Chapter 45

5.2K 85 1
                                    

Kinaumagahan ay nagising ako sa tunog ng cellphone na ibinigay sa akin ni yaya Meding. Nagmamadali naman akong sinagot iyon nang makita kong si Rafael ang tumatawag at para hindi na din magising si Reid.

"Rafael! Kamusta na po? Ano na pong nangyayari diyan sa bahay?"

"Okay lang ako pero wala na ako sa bahay mo, Katarina. Nag-iimbestiga parin ang mga pulis sa nangyaring pagsugod sa bahay ninyo para alamin kung sino ang may pakana nito. Tinanong na din nila sa akin kung nasaan ka ng may mangloob sa bahay ninyo at ang sabi ko sa kanila ay nakatira ka ngayon sa bahay ng boyfriend mo at na isang linggo ka nang hindi pa umuuwi sa inyo. Sinabi ko din na hindi mo pa alam ang nangyaring pagpatay sa mga magulang mo at sa mga kasambahay at na ngayong araw ko lang maipapaalam sa iyo."

"Okay po, thank you, Rafael. Pero boyfriend? Si Reid ba ang tinutukoy ninyo?"

"Siya nga, dahil iyon na din ang sinabi sa akin ng kaibigan mong si Jagger na sabihin ko sa mga pulis bago kayo umalis ng bahay kahapon. Ang sabi din niya sa akin ay may kaibigan silang pulis kaya wala na ding magiging problema at wala na ding mag-uusisa pa sa iyo tungkol doon."

"What about yaya Meding and the others, Rafael?"

"Nasa morgue na silang lahat at naipaalam ko na din sa mga pamilya nila ang nangyari sa kanila. Gusto ka nilang makita dahil nag-aalala din sila para sa'yo. At gusto nilang malaman mo na wala silang nararamdamang galit sa'yo o sa pamilya mo dahil sa nadamay sa pagpatay ang mga pamilya nila."

"Huwag po kayong mag-alala dahil ngayong umaga din po ay pupuntahan ko sila mismo para tulungan sila sa mga kakailanganin nila sa pagpapalibing sa pamilya nila at pagkatapos ay didiretso na din ako sa bahay. At saka Rafael, pasensya na pero mukhang hindi ko na kasi kaya pang tumirang muli sa bahay." Naluluhang sabi ko kaya huminga muna ako ng malalim bago nagsalitang muli. "Alam kong nandoon ang lahat ng alaala namin ni yaya na magkasama kami nung nabubuhay pa siya, silang lahat ng mga kasambahay namin at pati narin ikaw, pero kasi......" Halos pumiyok na ako nang hindi ko na mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko maalala ko lang si yaya at pati na din ang binabalak kong gawin sa bahay na kinalakihan ko.

Mas lalo pa akong naiyak ng mula sa likuran ko ay maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Reid na mukhang nagising na din dahil sa maingay kong pag-iyak.

"Shhhh.... Tahan na."

"Katarina??? Naririnig mo pa ba ako?"

"R-Rafael..... Rafael, oo, naririnig kita."

"Naririnig ko din ang pag-iyak mo at alam kong hindi gugustuhin ni yaya Meding na malungkot ka. Tumahan ka na, nandiyan naman si Reid, diba? Alam kong mahal mo siya. Alam kong isa siya sa pwedeng maging dahilan para gumaan ang loob mo at masaya ako dahil kasama mo na siya ulit."

Napangiti naman ako ng bahagya sa sinabi niya kaya pilit ko na ding pinigilan ang pag-iyak ko para makapag-usap na din kami ng maayos.

"Katabi ko lang po si Reid. Doon nga po pala sa tinutukoy ko tungkol sa bahay, balak ko po sanang ibenta iyon at bibili nalang ako ng mas maliit na bahay ko. Hindi ko na po kasi kayang tumira doon. Maaalala ko lang kasi yung mga wala ng buhay na katawan nila yaya kapag tumira pa ako doon. Maaalala ko lang yung mga katawan nilang nakaratay sa iba't ibang panig ng bahay at puro duguan. Hindi ko po kakayanin ng mag-isa doon. Gusto ko po sanang isama kayo sa mabibili kong bagong bahay pero hindi ko po kasi alam kung kailan ko magagawa iyon. Baka magstay nalang muna ako sa-------"

"Dito sa bahay namin, Katarina. Dito ka mag-i-stay." Mariing sabi ni Reid na nakayakap parin sa akin mula sa likod ko.

"Tama ang sinabi ni Reid. Mas mapapanatag ako kung kasama mo siya. At saka malaki na ang naipon ko ng dahil sa'yo Katarina, kaya wag mo na akong alalahanin. Balak nalang din kasi namin ng misis ko na magbusiness para palagi ko ding kasama ang mga bata."

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon