Chapter 35

4.8K 83 0
                                    

"Well, well, well.... Hey there Crow."

"Green!!! Don't let him escape! I'm almost there! At nakikita ko na din ang mga assassin na humahabol sa inyo." Sabi ko habang pareho na ding nakatutok ang dalawang baril na hawak ko sa magkabila kong kamay sa mga assassin na iyon at isa isa silang pinapatumba nang hindi nalalaman ng mga nasa unahan nila dahil sa silencer na gamit ko.

"Crow! Nasaan si Hawk?"

Narinig kong sigaw ni Clover kay Crow sa earpiece ko together with the gunshots coming from ahead of me. At kung nung una ay hindi nila ako napapansin ngayon ay may mga nakaharap na ding limang assassin sa direksyon ko na pinagbabaril ko din ng mabilis. Pero dahil mabilis din silang kumilos ay natamaan din ako sa may hita ko dahilan para bumagal ang pagtakbo ko.

"Fuck!!! Green------"

"Yellow!!!!!"

"Arghhh!!!"

Boooggsshhh

Narinig kong sigaw ni Green at ni Yellow at pagkatapos ay ang parang natumba o nabunggong tunog galing sa kanila nang makaakyat na ako ng tuluyan sa third floor pero wala na akong nakikitang ibang tao doon kundi ang tumatakbong si Crow papunta sa kabilang dulo ng third floor na malamang niyang ay may isa pang hagdanan na pwede niyang babaan. Alam kong hindi ko na siya maaabutan kahit pa pilitin kong tumakbo dahil sa nabaril kong hita kaya pinaputukan ko nalang siya na sakto namang tinamaan ko siya sa kaliwang braso niya bago pa siya makaliko sa kaliwa. Pero kahit na ganon ay hindi parin siya huminto sa pagtakas niya kaya hinayaan ko nalang din na mangyari yun dahil alam kong wala din akong magagawa sa ngayon.

"Blue!!! I'm almost there at Crow's hide-out, what about you? Did you find------" said Cyrus na sa wakas ay naririnig ko na ngayon.

"Arghhh!!!"

"Who's that??? What's happening there? Green? Yellow? Blue?!?"

"I was shot and so's Yellow. Hindi ko alam kung nasaan sila but I'm trying to find them." Sagot ko kay Grey habang paika-ikang naglalakad na mukhang nag-aalala na din sa nangyayari dito sa amin.

"Nandito kami sa nakabukas na pintuan sa third floor, Blue. Bilisan mo please! Nabaril na naman si Yellow." Natatarantang sabi ni Green kaya nagmadali na ako kahit na kumikirot na ng sobra ang hita ko.

And when I found them there.....

"What the??? C'mon! Kailangan na natin siyang madala sa hospital natin!" Sabi ko at nagmadali nang buhatin si Yellow na halos mawalan na ng malay ng makita ko.

"Tulungan na kita, Blue, may tama ka din ng baril."

"No, I'm okay. Hindi pa natin alam kung ligtas na tayong makakaalis dito kaya maging alerto ka. Baka mamaya niyan maisipan ni Crow na bumalik at patayin tayo gaya ng gustong mangyari ni Hawk una palang." Sabi ko habang pababa kami ng hagdan na halos hindi ko na maihakbang ang paa ko dahil sa hita kong kumikirot na sa sakit.

"No. He won't come back." Mahinang sabi ni Green pero rinig na rinig ko naman sa earpiece ko.

"Anong-----"

"I'm here!!! Where are you, guys?"

"Grey! Nasa third floor kami. Pero baka makasalubong mo si Crow diyan sa baba kaya mag-ingat ka." Nagmamadaling sabi ko kay Cyrus kasabay ng pilit ko ding pagmamadali na makababa na papuntang first floor.

"Wala akong nakikitang tao dito sa baba kundi mga patay na. Mukhang nagtipon-tipon ang mga assassin dito ah. Buti naman napatumba ninyo silang lahat, maliban nga lang kay Crow dahil mukhang nakatakas siya gaya ng sinabi ninyo. Pababa na ba kayo?"

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon