Chapter 4

8.8K 192 8
                                    

Natulog lang ako maghapon dahil kulang ako sa tulog at wala din naman akong gagawin kahit magising ako ng maaga kaya gabi na ng magising ako.

Alam na ng mga katulong na kapag nasa kwarto ako ay wala dapat mang-iistorbo sa akin kahit na pagkain pa yan.

Bumangon na ako para maligo at magbihis. Pagkalabas ko ng kwarto ko diretso agad ako sa kotse ko at umalis na ng bahay. Ganoon lang ako palagi. As in wala akong pakialam sa bahay.

Habang nasa daan ay nag-iisip ako kung anong uunahin ko. Kakain ba ako o maghahanap na ng bar na pwedeng kong paglipasan ng oras? Pero dahil sa nagugutom ako naisipan ko nalang magdrive thru muna.

Umoorder na ako ng kakainin ko ng makakita ako ng batang pulubi. Madumi kasi siya kaya nasabi kong pulubi.

Dinamihan ko na ang order ko at ng makabayad ako at maibigay sa akin lahat ng order ko ay pinark ko muna ang kotse ko bago bumaba.

I approach the kid and give her almost all of the foods I ordered at bumalik ako agad sa kotse ko at umalis na sa lugar na yon.

Kumakain ako habang nagdadrive at nag-iisip kung saang bar pupunta ng makita ko ulit ang Reckless bar kung saan ko nakilala sila Reid.

I remember Clover telling me to meet them again at the bar pero nagdadalawang isip ako dahil isang beses lang talaga ako pumupunta sa bar na napuntahan ko na at hindi ko na binabalikan pa at dahil baka wala din naman sila doon.

Pero sige na nga! Baka kasi nandun din si..... Nevermind that!

Nagpark ako sa parking space at binitbit ang burger and fries na hindi ko pa nauubos.

Pagpasok ko palang sa loob ay nakita ko agad si Jagger na suot na naman ang jacket niyang red at nakasukbit na naman ang hoodie sa ulo niya. Trip talaga nun.

"Hi!" Sabi ko at umupo agad sa bakanteng upuan na ikinagulat nila.

"Uy! Si Katarina!" Sabi ni Cyrus na binatukan ng girlfriend niyang si Clover dahil mukha daw siyang tanga.

"Penge!" Sabi naman ni Jagger at hahablutin na sana ang burger ko ng inihilamos ko sa mukha niya ang palad ko.

"Gutom ako! Eto palang ang una kong kain simula kaninang umaga." I told him before I bite at my food.

"Damot. Makaorder nga ng pagkain, puro alak nasa harapan ko."

"Ikaw kaya umorder niyan." Nakacross arms na sabi ni Trixie.

"Nasaan pala si Reid?"

Napalingon silang apat sa akin habang nakangiti na ikinakunot ng noo ko. Nagtanong lang ako mukha na silang tanga?

"Namiss mo?" Tanong ni Clover.

"Sana kinuha mo na ang number niya." Si Trixie.

Eh may number naman siguro sila ni Reid diba? Dahil magkakaibigan sila?

"Wag kang mag-alala darating din yun maya-maya. Wag kang mainip." Si Cyrus.

Sasagot na sana ako ng magsalita din si Jagger.

"Baka nambababae?"

Sinimangutan ko siya bigla dahil kung anu-anong sinasabi.

"Hahaha jealous?" Pang-aasar pa ni Cyrus.

Kutusan ko kaya to? Hindi naman siguro magagalit si Clover.

"Hey, guys!" Napalingon kaming lahat kay Reid na tumingin agad sa akin ng makita niya ako.

My gawd! Ang gwapo niya talaga! At ako agad ang tiningnan niya!

Argh!!!! Don't tell me magpapakagirly ako sa lalaking toh?

Hindi. Inlove ka lang. Sabi ng utak ko na nagpabilis ng heartbeat ko lalo na nakatingin pa sakin si Reid. Gosh!

"Katarina." Sabi niya bago lumapit sakin at walang sabi-sabing hinalikan ako sa labi ko na tinugon ko naman agad na never kong ginawa in public lalo na alam kong nakatingin sakin ang mga kaibigan niya.

But oh my! How can I resist if I miss him already and also his kisses?!?

"Hey, hey, hey!" Pigil samin ni Trixie.

Asar naman nag-eenjoy pa ako eh.

Sinimangutan ko siya na ikinatawa niya pa.

"So what happened last night, guys? Mind sharing?"

"Ha-ha." Sabi ko na ikinatawa ni Reid kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Back off, guys. Mag-inom nalang tayo." Sabi ni Reid sa lahat.

"Mas masayang uminom kapag nagkukwentuhan. Spill it out both of you."

"Ang tsismoso mo Jagger. Si Trixie nalang ang pansinin mo mas okay pa."

"Hahaha hindi ako tsismoso pre. Nagtataka lang ako dahil kapag may nakita kaming kasama mong babae sinasabi mo agad sa amin na isang araw lang yun at pagkatapos ay wala na kayo pero kay Katarina wala kang sinasabing ganon. What's the deal, dude?"

Kung makapagsalita tong lalaking to kala mo wala ako sa harapan niya tapos nagbabanggit pa ng ibang babae. Nakakaasar kaya noh kahit hindi ko alam kung ano na nga ba kami ngayon ni Reid after what happened last night. Is it a one time deal only? Pero hinalikan niya ako ngayon. What was that for? Tama nga si Jagger sa tanong niya kay Reid dahil kung ganoon nga siya sa mga babae ano palang meron kami ngayon?

Ayoko namang i-claim na boyfriend ko na siya dahil wala din naman siyang sinasabi. Ayokong umasa!

Pero ang totoo umaasa ka na talaga kasi nga may feelings ka na for him.

Argh!!! Asar!

Sasagot na sana si Reid ng tumunog ang cellphone niya.

Tiningnan lang niya ang caller at pagkatapos ay nilingon kami.

"I have to go." Sabi niya sa lahat bago lumingon sa akin at sinabing, "Work." And kissed me at the top of my head.

Huh? Is that a goodbye kiss?

Pero aalis agad-agad eh kakarating lang niya?

"Wow! Nagpapaalam ka na ngayon Reid? May goodbye kiss pa! That's really new." Pang-aasar sa kanya ni Jagger na nasagot ang tanong ko sa utak ko about sa kiss ni Reid sa akin.

"Shut up!" Yun lang at umalis na si Reid na sinundan ko nalang ng tingin hanggang sa makalabas siya ng bar.

"Oh ang leeg baka mabali."

"Work ng ganitong oras?" Nagtatakang tanong ko sa kanila na hindi pinansin ang sinabi ni Jagger.

Nagkatinginan naman silang lahat na nagpakunot ng noo ko. Anong meron?

"Ahhhh baka kailangan na niya talagang gawin? Tama! Yun nga." Paliwanag sakin ni Clover.

"Whatever. Pero ano bang work niya? Pati na din kayo? Kasi ako wala, tambay lang at inuubos ang pera ng parents ko sa alak."

"Mga manginginom lang din kami hahaha." Pagbibiro ni Cyrus.

"Eh si Reid?"

"Magbobote." Sagot naman ni Jagger.

Loko talaga tong lalaking to pero natawa ako ha!

"Baliw ka! O siya, tagay!!!!"

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon