Chapter 6

8.3K 186 0
                                    

Drive lang ako ng drive habang nag-iisip kung saan ko iuuwi si Katarina. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira.

Sa hotel nalang kaya ulit?

Fine! Sa hotel nalang kung saan kami dati nagstay.

Nang maihiga ko na siya sa kama ay hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nakatayo lang ako sa dulo ng kama at nakatingin sa kanya.

Napansin kong suot pa nga pala niya yung sapatos niya kaya tinanggal ko.

Tanggalin ko din kaya ang suot niyang damit? Malay ko ba kung hindi siya sanay matulog ng ganyan? Tsaka nakita ko naman na ang lahat sa kanya eh. Diba?

Tss! Pero hindi nalang. Aalis din naman ako eh, baka isipin pa niya narape siya pag nagising siyang walang damit na suot.

Wala akong balak magstay dahil naguguluhan ako sa inaasal ko ngayon. Hindi naman ako ganito kung mag-alala sa isang babae. Sa pamilya ko oo pero iba si Katarina eh at ginugulo niya ang utak ko.

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko kapag kasama ko siya pero may mali. Hindi niya ako kilala ng lubusan at kung sakali man ayokong matakot siya sakin kapag nalaman niya kung anong trabaho ang meron ako.

Iniwan ko ang susi niya sa maliit na table at nagdesisyon na akong umalis pero bago yun hinalikan ko muna siya sa mga labi niya na ikinagulat ko ng matapos kong gawin.

"Kung anu-anong nagagawa kong hindi ko inaasahan pagdating sayo. Sana eto na ang huli nating pagkikita dahil ginugulo mo lang ang isipan ko, Katarina." Bulong ko sa sarili ko bago ko tuluyang isinara ang pinto.

Dumiretso ako sa tinutuluyan naming bahay nila Jagger, ang hide-out naming lima at nagulat ako dahil nandun na din sila. Akala ko uumagahin na sila kakainom eh.

Two-storey house lang ang hide-out namin pero malawak pa ito kesa sa mismong bahay ko. Ako lang naman kasi nakatira dun sa bahay ko at ang pamilya ko ay may sariling tirahan kaya hindi ko na pinalakihan. Sa laki kasi ng pinapasahod samin kada mission pwede na kaming bumili ng mas madami pang bahay. Pwede na nga kaming magretire eh pero siyempre wala pa sa isip namin yun.

"O bakit gising pa kayong lahat? Mga lasing na kayo ah."

"Hinintay ka talaga namin, pre." Sabi sakin ni Jagger habang nakapikit parin at nakaupo sa sofa.

"Bakit? May problema ba?"

"Are you getting serious with Katarina? Alam mong mahirap kapag nagkaseryosohan na kayong dalawa." Sabi ni Trixie.

"Anong mahirap don eh kayo nga nakaya niyong tumagal?" Ha? Ano bang sinasabi ko?

"Tss! Malamang pre eh alam namin ang trabaho ng isa't isa pero si Katarina ba alam niya? Hindi diba?" Sabi naman ni Cyrus.

"Oo na, alam ko naman yang sinasabi niyo pero hindi ako seryoso sa kanya, okay? Uuwi ba ako dito kung seryoso ako? Hinatid ko lang siya sa isang hotel kesa mapahamak pa siya."

"Hindi ba seryosong matatawag yung ginawa mo? Kung ibang babae yan sigurado akong iniwan mo nalang basta at hindi na hinatid sa hotel. Pero alam mong pwede pa kayong magkita dahil alam niya kung saan tayo tumatambay."

"Tama na, pwede ba? Mas kayo pa ang nag-iisip ng malalim kaysa sakin eh."

"Alam mo namang magkakapatid ang turingan nating lahat dito. Tsaka gusto namin si Katarina bilang kaibigan namin kaya masakit din samin kung lalayo siya kapag nalaman niyang assassin tayo." Sabi ni Clover.

"Kung ganon pala edi sana hindi niyo na siya niyaya na maki-join sa inyo umpisa palang."

"Oo nagkamali kami. Saka lang kasi namin narealize ng sundan mo siya kanina ng magpaalam siyang uuwi na. Tinitingnan ko lang reaction mo non Reid at nagulat ako ng sabihin kong sundan mo siya na ginawa mo nga." Sabi ni Jagger.

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ganito nalang guys. Wag na muna tayo pumuntang Reckless bar. Kapag siguro hindi na tayo nagpakita sa kanya hindi na din siya babalik dun. Diba sabi naman niya paiba iba siya ng bar na pinupuntahan?" Sabi ni Trixie.

Hindi ko alam pero parang gusto kong magprotesta sa sinabi niya. Pero dapat wala akong pakialam eh. Ganon naman lagi wala akong pakialam sa babaeng nakasama ko na, kinakalimutan ko agad. Pero pagdating kay Katarina.... Shit lang!!!

"Pre, hahahaha!!!!"

Tawa ng tawa si Jagger na nasobrahan na sa lakas at kita na yung ngala-ngala niya. Napatingin na din ako sa tatlo ng magsisabayan na sila sa pagtawa ni Jagger.

"What? Mga baliw na ba kayo?"

"Hahaha pre! Do you like Katarina that much? Halata ka na pre!" Tawa parin sila ng tawa. Mukha ba akong clown?

"Ano bang pinagsasabi mo?!?" Naaasar na sabi ko.

"Joke lang yung mga sinabi namin, Reid, tungkol kay Katarina na hindi na tayo magpapakita sa kanya. Sinabi lang namin yun dahil gusto naming makita ang reaction mo. Hindi nga kami nagkamali, halatang may gusto ka kay Katarina." Sabi ni Clover.

"Halatang hindi ka payag na hindi siya makita." Dagdag pa ni Trixie sabay tawa.

"Kahit nagbibiro lang kayo totoo parin yung sinabi niyong pwede siyang lumayo kapag nalaman niyang assassin tayo." Naalala ko tuloy nung makita niyang may baril ako at maitutok ko sa kanya yun. Takot na takot siya.

Natahimik silang apat sa sinabi ko.

"I don't like her." Sabi ko na parang pati ang sarili ko ay kinukumbinsi ko sa sinabi ko.

Umakyat na ako sa second floor at dumiretso sa kwarto ko. Naiwan silang tulalang lahat.

Kinabukasan ng umaga parang nag-usap usap kami dahil sabay-sabay pa kaming nagising. Si Jagger at Trixie ay magkasama sa iisang kwarto ganoon din si Clover at Cyrus. Siyempre ako mag-isa lang.

Dumiretso kami agad sa kusina para maghanda ng almusal. Si Cyrus naman ay binuksan ang TV na nasa kusina at nanood ng balita. Sa aming lahat siya lang ang mahilig manood ng balita.

"Natagpuang patay si Mr. Villareal sa sarili niyang pamamahay at sa tabi mismo ng asawa niya na mabuti namang hindi nadamay sa pagpaslang sa asawa nito dahil walang anumang tama ng baril kahit na isa sa kanyang katawan........."

Napalingon ako sa TV ng marinig ko ang balita. Ang bilis talaga ng mga press person.

"Yan ang mission mo kagabi, tama ba?" Tanong sakin ni Jagger na tinanguan ko lang.

Kapag may mission kami hindi namin kinukwento sa isa't isa ang nangyari basta alam naming may mission ang isa hanggang dun nalang yun.

"So.... Anong oras tayo pupuntang bar mamayang gabi para makita si Katarina?" Nakangising tanong sakin ni Jagger.

"Shut up!" Sabi ko at hinagisan siya ng toasted bread na nasalo naman niya.

Sa aming lahat si Jagger ang mabilis kumilos at pinakamabilis saming tumakbo kapag oras na ng pagtakas, haha pero siyempre joke yun dahil hindi kami umaalis sa mission hangga't hindi namin natatapos.

Ako naman ang pinakamagaling sa paggamit ng baril. Kahit anong klase pa yan at sunod lang sakin si Cyrus.

Mas gusto naman ni Trixie na gumagamit ng kutsilyo at ihahagis sa kalaban na sakto naman kung saan niya gusto itong pataman.

Si Clover naman ay magaling sa computer at close fight. May hawak man siyang baril o kutsilyo mas gusto niyang nasa harapan niya ang kalaban at harap harapan itong papatayin.

Sa mga mission namin minsan dalawa kaming sumasabak kung big time ang kalaban pero isa lang sa aming lima ang pinipili namin at hindi ang iba pang miyembro ng secret agency dahil mas alam na namin ang galaw ng bawat isa.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon