Chapter 51

4.9K 89 7
                                    

"Somebody left a note at my house!" Galit na sabi ni Clover kila Reid na ikinagulat nila at pati narin ako pagkadating palang niya sa hide-out at pagkatapos ay hinagis pa ang papel na tinutukoy niya sa sahig. But no one picked it up and read it.

"What kind of a note are you talking about?" Asked Cyrus na mahahalata ang concern para sa ex-girlfriend kahit na hindi siya lumapit dito.

"A threat! It says na kapag hindi ako pumunta dito sa hide-out ay papatayin nila ang pamilya ko at pati narin ako! Well, guys! I'm here! Happy now?"

"WHAT?!? What the hell did you do?" Shouted Reid na halos umusok na ang ilong sa sobrang galit. Parang balak pa nga niyang sugudin si Clover pero matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa niya para hindi niya ito masaktan.

"You think we did that? You think we can do such thing to you? You're our friend, Clover. Paano mong naisip na kaya naming pagbantaan ang buhay ninyo ng pamilya mo?" Said Trixie.

"I never thought an assassin like you will always think of herself! Only herself!" Said Jagger.

Lahat sila ay nagagalit na at kahit na si Cyrus ay hindi makapaniwala sa nagawa ni Clover.

"You didn't think coming here will put our lives at risk lalo na si Katarina. Kaya ngayon palang ay sinasabi ko na sa 'yong magdasal ka na sa kaligtasan mo kung wala kang balak isama kami diyan sa pagdadasal mo. Because I agree with Jagger. YOU ARE SELFISH!" Sabi ni Reid bago ako hinila paakyat sa second floor kasunod sila Jagger at Trixie.

Nilingon ko sila Cyrus at Clover at nakita kong nakatitig lang sila sa isa't isa bago sumunod sa amin si Cyrus.

"Wait lang, guys. Ano ba ang nangyayari?" Gulung-gulong tanong ko pero kinakabahan na din ako sa mga ikinikilos nilang lahat.

"Sigurado akong si Hawk ang nagpadala ng note kay Clover. At kung siya nga, napakatalino niya. Sa sobrang talino niya hindi na ako makapaghintay na mapatay siya!" Mabalasik na sabi ni Reid nang nasa loob na kami ng Rainbow Room at isa-isa na silang kumukuha ng mga armas na gagamitin nila.

"Ibig bang sabihin niyan sa isang buwan na hindi niya pagpaparamdam ay ganito pala ang pinaplano niya?"

Nagtanguhan silang lahat at patuloy parin sa ginagawa.

Nakatingin lang ako sa bilis ng pagkilos nila ng mapansin ko ang pagpasok ni Clover sa kwarto.

"I-I'm sorry, guys. Tama kayo dahil hindi ko na nga naisip na maaaring si Hawk nga ang may kagagawan noon. Ibig sabihin lang niyan ay alam na din pala niya ang bago naming tinitirahan. Akala ko kasi......Akala ko sa inyo galing yung note eh. Akala ko kasi napakadesperado niyo na para gumawa ng bagay na ganoon para lang bumalik ako dito. Kaya sa galit ko bigla nalang akong napasugod dito ng hindi nag-iisip. Sorry, guys. Sorry talaga."

"Yeah! You should be." Inis paring sabi ni Reid na ngayon ay tapos nang kumuha ng mga armas na gagamitin niya gaya ng iba.

"Sorry na, please? Kung sakali ngang si Hawk ang nagpadala noon ay maaaring nasundan na nga nila ako."

"Wooo! Hooray! You got it damn right!"

"Reid!" Saway ko sa kanya at baka sakaling tumahimik naman siya kahit papaano ngayong sincere na ngang nagsosorry yung tao.

"Tutulong ako sa inyo para matapos na 'tong gulong ito." Sabi ni Clover na nagsimula na ding kumuha ng mga armas na gagamitin niya at nagsuot na din ng bulletproof.

"Ipagdasal mo lang talaga na matapos na ang lahat ng ito at na tayo ang mananalo sa huli dahil hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Katarina." Sabi ni Reid sabay halik sa mga labi ko bago ako sinuotan na din ng bulletproof.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon