Chapter 32

4.9K 85 2
                                    

Reid's POV

"Guys, umuwi ba dito sa hide-out natin si Jagger? Hindi ko na siya nakikita ah simula nang magkamission tayo ng sabay-sabay." Tanong ko sa tatlo kong kasama sa bahay habang nag-aalmusal kami.

Kagabi ko pa talaga gustong alamin kung nasaan siya kung hindi lang din kailangang pagplanuhan ang pagpunta sa hide-out ni Crow. Mamaya lang ay maghahanda na kami para sa mission namin dahil sabay-sabay din kaming pupunta sa address na naka-assign sa amin.

"Sabi niya dumiretso daw siya sa bahay nila ni Boss Black matapos niyang magawa yung mission niya non tapos tinawagan niya ulit ako na nandun naman siya sa bahay niya mismo ngayon na hindi ko naman alam kung saan yun." Sabi ni Trixie na ikinagulat ko pang nagsalita na siya tungkol kay Jagger dahil kahapon lang ay wala talaga siyang sinasabi sa amin at naiintindihan ko ang tinutukoy niya.

Gaya ng nasabi ko na dati, bukod sa hide-out namin ay may kanya-kanya kaming bahay na walang nakakaalam samin kahit isa. Kahit mga girlfriend-boyfriend pa nila.

Pero nangako ka kay Katarina na dadalhin mo siya sa bahay mo.

Argh!!! Forget that!!!

"Hindi ka na niya tinawagan ulit pagkatapos non? Wala ba siyang mission na gaya ng sa atin?" Nagtatakang tanong naman ni Clover kay Trixie.

"Meron siguro. Diba sinabi sa atin ni Boss Black kahapon na kapag dumating si Jagger ay kailangan nating sabihin sa kanya dahil may mission siya ulit para dito? Hindi ko na nga nasabi kay Boss na hindi umuwi dito si Jagger pero siguro nagkausap naman na sila. Hindi ko nga lang alam kung may mission nga siya ngayon dahil hindi naman na niya ako tinawagan. Hindi ko na din kasi siya makontak. Hindi ko alam kung anong problema niya o kung may problema nga siya. Pero kung meron nga, sana sinabi niya sakin diba? Mababatukan ko talaga yung lalaking yun!"

Napansin kong kahit naaasar si Trixie ay namomroblema na din siya para kay Jagger at mukhang ayaw na din niyang pag-usapan pa ang tungkol doon kaya iniba ko nalang ang topic.

"Anyway, mas maganda siguro kung gumamit tayo ng invisible bluetooth earpiece and microphones para malaman natin kung anong nangyayari sa isa't isa. Ano sa tingin ninyo?"

"Pwede rin! Para kapag wala naman tayong napala sa pinuntahan natin pwede nating tulungan nalang kung sino man sa atin ang makakahanap kay Crow." Sang-ayon sakin ni Cyrus.

"Tama! Para kapag may mapahamak din sa atin dahil hindi natin alam kung ilan ang makakalaban natin pwede din nating i-rescue ang isa't isa." Si Clover.

Tumango-tango lang naman si Trixie na parang nahahati parin ang isip niya sa pinag-uusapan namin at kay Jagger. Hindi pa kasi nangyayaring makalimutan ni Jagger na kontakin ulit si Trixie at hindi din tumatagal na hindi sila magkasama sa iisang lugar kaya nakakabahala talaga. Buti nalang at kasama niya si Clover sa mission nila kung sakali mang madistract parin siya kakaisip kay Jagger dahil hindi ko gugustuhing isa mismo sa mga kaibigan ko ang mawawala.

____________________

"Okay, guys. Gamitin na natin ngayon palang yung invisible bluetooth earpiece and microphones natin para habang nasa daan palang papunta sa mission natin ay alam na natin ang nangyayari sa isa't isa. Kapag nasa address na pupuntahan ninyo si Crow--------"

"Sasabihin natin sa isa't isa at hihintayin kayong makarating bago sila sugudin." Sagot nila Trixie at Clover sa akin na tinawanan naman ni Cyrus.

"Pre! Kanina ka pa paulit-ulit. Chill lang, okay?"

"Ayoko lang na mabasawan pa ang miyembro natin sa secret agency, lalo na kayong mga kaibigan ko."

"Awww, ang sweet naman ni Kuya Reid." Nang-aasar na sabi ni Trixie na tinawanan lang naming lahat.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon