Chapter 53

4.9K 88 1
                                    

"K-katarina, s-save him. S-save my father." Sabi niya bago siya nawalan ng malay.

"Reiddd!!!! Reiddd!!!! Wake up, wake up, please? Wag mo kong iwan. Mahal kita! Mahal na mahal." Sabi ko habang humahagulgol na dahil sa mga nangyayari.

Hindi pwede! Hindi siya pwedeng mawala. Hindi pwedeng mawala ang taong naging dahilan para maging masaya ako ng lubusan. Hindi pwedeng mawala ang taong bumuo sa kulang-kulang at malungkot kong buhay.

Bakit kailangang lahat nalang ng mahal ko ay mawala sa akin? Bakit ako pinahihirapan ng ganito? Ang sakit! Ang sakit sakit!

"Katarina!"

I whirled around to find Jagger coming towards me with a bleeding mouth and bruise all over his face. Nang makalapit siya ay saka lang niya nakita si Reid sa harapan ko na walang malay.

"Anong nangyari? Sino ang may gawa nito?" Tanong ni Jagger habang inaalam kung buhay pa si Reid.

"Tell me he's not dead. Tell me!"

Isa-isa namang nagdatingan ang mga kaibigan namin na masayang masaya.

"We won! They're all dead! We won, Katarina." Masayang balita sa akin ni Trixie pero umiling lang ako sa kanya habang patuloy parin sa pag-iyak.

"Bakit?"

"Si Reid! Dalhin na natin siya sa hospital natin. Mahina na ang heartbeat niya, bilis!" Nagmamadaling utos ni Jagger sa lahat at sabay-sabay na nila itong binuhat nang may maalala ako.

"Jagger, your dad, si boss Black!" Sabi ko at hinila na siya papunta sa likod ng sofa.

"Dad!!! Fuck! Guys, tulungan niyo ako dito!" Sigaw niya sa iba pa nilang member.

Lahat kami ay nagmamadali nang isinakay si Reid sa mismong sasakyan niyang hindi naman nadamage sa labanan nila at si boss Black ay sa kotse naman ni Jagger. I was crying the whole time while holding Reid's hand when we reached their hospital. Mabilis naman kaming dinaluhan ng mga nurse at doctor na member nila at dinala agad sila Reid at boss Black sa emergency room para gamutin.

Umupo ako kaagad sa may waiting area para hintayin ang sasabihin ng doctor sakaling maging okay na si Reid nang mapansin kong isa isa na ding nilalapitan ng ibang nurses na assassin ang kapwa nila member na napuruhan din sa laban para gamutin.

I didn't know what happened to them back at the hide-out but I hope na walang namatay sa kanila dahil labis na ang nagawang pinsala sa kanila ni Hawk sa pagpatay palang sa mga member nila.

Hindi ko na din namalayang wala na sila Cyrus, Trixie at Clover na nasa tabi ko lang kanina at mukhang nasa isa sa mga kwarto na dito para gamutin na din. Hindi ko din alam kung gaano kalala ba ang natamo nilang sugat sa laban.

But Jagger's still here, and I think he too is waiting for the doctor to come out and tell us that Reid and boss Black's finally okay. Afterall, they're his family.

"Miss, diba kasama ka nila? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?"

Napatingin ako sa babaeng nurse na puro tattoo ang kamay na lumapit sa akin para alamin ang kalagayan ko pero umiling lang ako. Aalis na sana siya kung hindi lang siya pinigilan ni Jagger.

"Katarina, sumama ka na sa kanya para makapagpahinga ka na din. Alam kong nakakapagod ang mga nangyari sa araw na ito lalo na sa'yo."

"Okay lang ako. Hindi ako pagod. Mas gusto kong nandito ako kapag sinabi na ng doctor na okay na si Reid."

"Sige na, kunin mo na si Katarina." Kausap ni Jagger sa nurse na parang hindi ako nagsalita.

"Ayoko at hindi mo ako mapipilit."

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon