Chapter 34

4.8K 77 0
                                    

Reid's POV

"Guys, malapit na ako sa destination ko. Nasaan na kayo?"

Gamit ang invisible earpiece and microphone ay kinakausap ko sila Cyrus, Clover at Trixie simula nang makaalis kami sa hide-out namin.

"Nandito na ako malapit sa address na naka-assign sa akin, Blue at nakapark na din sa malayo ang motorbike ko. Hindi kalakihan yung bahay at wala akong nakikitang tao sa labas mula dito sa pinagtataguan ko. Siya nga pala, hindi ko na marinig sila Green at Yellow kanina pa nang malapit na ako dito sa hide-out ni Crow."

"Ganoon din ako, Grey. Kanina ko pa sila hindi naririnig kahit na na-enhanced na natin yung gamit nating device hindi parin pala sila aabot. Buti nalang may signal tayong dalawa kaya malalaman natin agad kung nasa hide-out nga na pinuntahan natin si Crow. And Grey, I received a file from Amethyst just now containing Crow's photos, do you have one also?"

"Yeah, I'm looking at it right now. Siguro naman nakatanggap din sila Green nito at ngayon ay hindi na tayo manghuhula kung si Crow na ba ang nasa harapan natin."

"Okay. Nandito na ako ngayon mismong sa harap ng hide-out nila at nagdo-doorbell. Mamaya nalang ulit Grey." Cool na sabi ko habang nakatingin lang sa lalaking mukhang ally din ni Crow na papalapit sa gate ng hide-out nila.

"Hahaha ibang klase talaga mga diskarte mo, Blue. Sige, ingat at goodluck nalang sa kanila." Narinig ko pang sabi ni Cyrus mula sa invisible earpiece ko.

"Sino ka?" Maangas na tanong sakin ng lalaking nasa harap ko na ngayon habang nakatutok pa ang hawak niyang baril sa akin.

"I'm Falcon." Pakilala ko gamit ang ibong tattoo ko sa likod ng balikat ko. Nagpapanggap akong galing din sa agency ni Hawk kagaya ni Crow.

"Falcon? Galing kang U.S.? Iisa lang ang agency ninyo nila Crow at Hawk?" Sabi nito nang nakangisi na at mukhang kinakagat ang pain ko. Ibinaba na din niya sa gilid niya ang baril niyang kanina lang ay nakatutok sa akin.

"Tama. Nandito din ako para tumulong sa paghahanap sa secret agency na gustong ubusin ni Hawk. At sino ka naman?"

"Ako si Fox. Nasa loob din sila Jackal at Hyena. Tara na sa loob."

Tss! Lahat nalang ba ng alliance ni Crow madaling magtiwala? Tapos sinabi pa niya kung sino ang mga kasama niya sa loob edi mapapadali lang pala ang trabaho ko dito. Badtrip lang at mukhang wala dito si Crow.

"Teka, wala ba si Crow dito?" Tanong ko parin kahit na siguradong wala nga siya dito.

"Wala. Nasa ibang hide-out siguro pero ang alam ko pu------. Argh!!!!!" Napatigil sa pagsasalita niya si Fox nang barilin ko siya bigla sa mismong puso niya gamit ang baril kong may silencer na mukhang hindi niya napansin paghugot ko sa likod ng pants ko. Ngayon ay nakasandal siya sa malaking paso na nasa likuran niya at wala ng buhay.

Pero dahil sa pagsigaw niya ay naglabasan naman ang dalawa niyang kasama sa loob na mukhang sila Hyena at Jackal na binanggit lang niya kanina at may dalang baril na itinutok din nila agad sa akin.

Pinaputukan nila agad ako pero bago ako matamaan ay nakatago na agad ako sa mismong paso na sinasandalan ng wala ng buhay na si Fox kaya siya din ang natamaan ng mga kasamahan niya.

Nakita ko ding may hinuhugot ang isa sa kanila mula sa bulsa ng pants niya habang ang isa ay patuloy parin sa pagpapaulan ng bala sa direksyon ko. At dahil sa paghinto ng pagbaril ng isa sa kanila sa akin kaya nakahanap ako ng tiyempo para silipin sila sa pagitan ng paso at katawan ni Fox at magkasunod ko silang binaril sa puso gaya ng pagbaril ko kay Fox.

Nang makita ko silang bumagsak pareho sa sahig ay dali-dali ko silang nilapitan para siguruhing wala na nga silang buhay. Nang masiguro kong hindi na nga sila humihinga ay mabilis kong kinuha ang cellphone na hawak nung isang assassin na kinukuha lang niya kanina sa bulsa niya.

Nang mabuksan ko ang cellphone ay hindi ko akalaing mapapadali lang ang paghahanap namin kay Crow because I am now looking at his contact number. I guess the guy in front of me is trying to inform Crow about the situation awhile ago. Buti nalang ay nakakilos agad ako at napatay siya dahil kapag nagkataong nakausap niya ito ay maaaring hindi siya pumunta dito sa hide-out nila at malamang din sa iba pa nilang hide-out kung masyado siyang maingat sa mga nangyayari. Nalaman din kasi naming simula ng mapatay namin ang iba nilang allies na assassin ay dinoble na nila ang pag-iingat nila sa pagpunta sa mga lugar na pwede silang matunton.

"Grey!!! Can you still hear me?" Kausap ko kay Cyrus gamit parin ang bluetooth na suot ko.

"Yeah! Narinig ko din ang mga putok ng baril diyan sa lugar mo kaya napahinto muna ako sa ginagawa ko. I guess they're already dead, right?"

"Hahaha siyempre naman! But Crow is not here. Nakapasok ka na ba diyan sa hide-out nila na pinuntahan mo?" Tanong ko sa kanya habang pasakay ako sa motorbike ko dala na din ang cellphone ng assassin na pinatay ko.

"I'm already inside the house, Blue. Nandito ako sa may second floor ng hide-out nila at walang ibang tao dito kundi yung dalawang lalaking nasa sala lang at nakikita ko sila mismo dito sa kinatatayuan ko. Masyado silang nakatutok sa pinapanood nilang basketball game kaya siguro hindi nila ako naririnig mula dito. And one more thing, I received a message from Silver saying he and the others were already done on their mission but they didn't found him."

"Natanggap ko na din ang message ni Silver. Sa tingin mo ba meron pang hide-out si Crow na hindi alam ng mga kasamahan niya? Baka naman may sarili din siyang hide-out na kagaya natin at walang nakakaalam noon kundi siya lang?"

"Yeah, maybe. But we didn't heard anything from Green and Yellow yet. What if------"

"Finish the two assassins at your location, Grey, at pagkatapos ay sumunod ka nalang sa address na pinuntahan nila. I'm on my way there." Sabi ko kay Cyrus habang mabilis kong pinaandar ang motor ko.

Bago din kasi kami umalis kanina sa hide-out namin ay sinabi namin sa isa't isa ang address na pupuntahan namin in case Crow is at the location we're heading and that's why Cyrus and I knows exactly where to go find Clover and Trixie. Sana lang talaga ay nasa maayos silang kalagayan at kung sakaling nandoon nga si Crow sa hide-out na pinuntahan nila ay hindi pa sila kumikilos para lumaban at magawa nilang hintayin kami gaya ng mga napagplanuhan namin kahit na nawalan na kami ng communication sa isa't isa.



____________________

Nasa Pasay na ako at malapit na din sa location nila nang makasagap ulit ako ng signal mula sa communication device nila Clover at Trixie at ganoon nalang ang pagmamadali kong makapunta sa kanila when I heard gunshots and shouts coming from them and other voices that I can't comprehend clearly.

"Yellow and Green!!! What's happening there?!?" I shouted at them when I heard Trixie yelled vile curses at surely the assassins chasing them because I can hear them running rapidly through my earpiece.

"Blue!!! Oh thank God! Yellow was shot!! She was shot at her shoulder and the assassins are still running after us. She said she can still run but I don't know for how long. She don't want to talk, Blue, she just want to run and fire at the enemies." Said Clover while panting.

"I understand, but find a place to hide immediately so you can rest for awhile lalo na si Yellow. I'm almost there, Green, and maybe Grey's already finished at his job and already on his way. Nakikita ko na din ang hide-out nila. Nasaan mismo sa loob ng bahay kayo ni Yellow?"

"Kakaakyat lang namin ng Third floor at susubukan kong makapasok kami doon sa pangalawang pintuan na nakikita ko."

"Okay. Paakyat na ako. Wala nang katao-tao dito sa baba at madali na akong makakapunta diyan. Just make sure to-------"

"Well, well, well.... Hey there Crow." Narinig kong maangas na sabi ni Clover bago ko halos liparin na ang papuntang third floor at harapin mismo si Crow na ngayon ay nakita na nila.

Tama nga kami na kung nasaan si Crow ay madami ding assassin ang mga kasama niya. Pero kahit gaano pa kadami yan, sisiguruhin kong walang matitira sa kanila kahit isa. Kahit mismo si Crow kapag matapos na kaming alamin sa kanya ang kinaroroonan ni Hawk at kung gaano na kadami ang mga nalalaman nila sa mga member ng secret agency namin na pilit nilang pinapabagsak.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon