Chapter 41

4.6K 75 0
                                    

Mula sa loob ng secret door ng closet ko ay walang maririnig na kahit ano dahil sa soundproof room ito gaya ng mga state-of-the-art recording studio. Ni hindi ko man lang malaman kung ano na ba ang nangyayari sa loob ng bahay namin.

Ten minutes palang akong nasa loob nito pero gusto ko na agad lumabas para hanapin sila yaya at Rafael. Sana lang talaga ay nakapagtago na si yaya at na walang nangyaring masama sa kanya. Sana lang din ay wala na ang tatlong taong nakita kong nakikipagbarilan sa mga security guard ng bahay para saktan kami.

Ano ba ang kailangan nila sa amin? Mga magnanakaw ba sila? Pero bakit ang lakas ng loob nilang sumugod dito na parang wala silang mga kinakakatakutan kahit na siguro may dumating pang mga pulis para hulihin sila. At kung mga magnanakaw sila, bakit hindi nalang nila kunin lahat ng gusto nilang kunin sa loob ng bahay at pabayaan nalang kaming mabuhay? Para sana buhay pa din si Sammy hanggang ngayon!

"Sammy...." Umiiyak na sabi ko sa sarili ko.

Pero mali eh! Hindi dapat ako nagtatago dito habang ang mga mahal ko naman sa buhay ay ibinubuwis ang buhay nila para sa akin. Para iligtas ako! Hindi pwede ito!

I wiped my tear-stained face and put my right hand at the lock of the door and slowly opened it while praying that no one's out there to see me lalo na kung isa ito sa mga taong dahilan kung bakit ako nagtatago ngayon.

Sumilip muna ako ng bahagya sa binuksan kong secret door at ngayon naman ay ang mismong closet naman ang kailangan kong buksan dahil isinara pala ito ni yaya. Hahawiin ko na sana ang mga damit kong naka-hanger sa closet para buksan ang pinto nito nang may marinig akong nagsasalita sa mismong kwarto ko na parang si.....

"Nasaan si Katarina?!?" Rinig kong nagagalit na ang may-ari ng tinig na iyon kaya dali-dali ko ng binuksan ang closet na pinagtataguan ko.

"Reid!!!" Sigaw ko at tumakbo na papunta sa kanya para yakapin siya kahit na pinalayo na niya ako sa kanya kaninang huli kaming magkausap. But I'm happy to see him kaya wala na akong pakialam kung itulak man niya ako kapag niyakap ko siya. "I'm glad you're here. May mga lalaking basta nalang pinasabog ang garden namin at------"

Natigil ako sa pagsasalita ng tugunin ni Reid ang pagkakayakap ko sa kanya at hinigpitan pa itong lalo na parang masayang masaya din siya ng makita niya ako.

"God, Katarina....akala ko wala ka na. Sa closet ka lang nagtatago simula ng pasukin nila kayo? Buti hindi ka nila nakita diyan dahil isa sa kanila ay nasa labas lang ng kwarto mo ng dumating kami."

"But he's already dead, right? Iniligtas niyo ako. Pero iniligtas din ako ni yaya dahil kung hindi sa kanya hindi ko magagawang magtago. Masyado akong na-shock sa mga nangyari kaya hindi ko na nagawang kumilos pa kanina. Alam kong may secret door sa loob ng closet ko pero kung hindi ako hinila ni yaya papasok doon ay baka nakita na nga din ako ng mga lalaking yun. At...teka...where's yaya Meding? Did you saw her?" I asked and slightly pushed Reid away from me para mas lalo ko pang makita ang mukha niya at para tingnan ko din si Cyrus na nakamasid lang sa amin.

Pero nalungkot nalang siya bigla at pagkatapos ay sinabing, "I'm sorry, Katarina. She's downstairs and she was shot. Buhay pa siya pero-------"

"No!!! Where is she?!? Kailangan ko siyang makita!!!" Sumisigaw na sabi ko habang tumatakbo na pababa ng hagdan.

Bakit siya nasa baba? Bakit hindi siya dumiretso sa master's bedroom para magtago? Anong ginagawa niya dito?!?

Bago pa ako makababa ng hagdan ay kita ko na ang mga kasambahay namin na wala ng mga buhay pati na din ang mga security guard na walang ibang ginawa kundi proteksyonan ang pamilyang ito. Pero bakit wala silang nagawa sa tatatlong lalaking pumasok dito sa bahay namin?

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon