Chapter 25

5.7K 108 6
                                    

Nang makabalik na si Reid dala ang pagkain namin at inumin ay nagkwento na ulit siya

"Yun nga kinontak ko si Boss Black at sinabi kong pumapayag na ako sa alok niya saking maging assassin ako. He asked me why? So I told him I need money for my two siblings na nasa hospital. Pero hindi niya muna ako tinanggap na bagong miyembro ng secret agency niya dahil baka napipilitan lang ako dahil nagkaroon kami ng problema at ayaw niyang magback-out nalang ako bigla dahil nagkamali ako ng desisyon na ginawa ko. Kaya binayaran niya nalang muna lahat ng gastusin namin sa hospital hanggang sa makauwi sila kambal. Saka naman niya ako tinanong kung gusto ko pa daw bang maging assassin, pati na yung mga pwedeng mangyari kapag pumayag ako ay sinabi na din niya sakin. Hinayaan din niya akong mag-isip buong araw tapos kinabukasan ay babalik siya para sa sagot ko."

"Okay, pero ano ang nakapagpapayag sayo para maging assassin?" Sabi ko habang ngumunguya ng french fries.

"Naisip ko kasi dun palang sa may maospital sa amin ay wala na kaming panggastos paano pa kaya sa susunod na araw na may hindi magandang mangyayari samin? Four years old palang kasi ako ng mamatay ang tatay namin dahil nasunog ang tinitirhan naming bahay noon kasama siya. Bumalik kas siya sa loob ng bahay namin matapos niya kaming mailabas lahat habang nasusunog na yun dahil may importante daw siyang kailangang kunin pero biglang may sumabog sa loob ng bahay at hindi na nga siya nakalabas ng buhay. Maayos pa ang buhay namin noon nung buhay pa siya pero dahil nga sa nangyari ay naghirap kami. Tumira kami sa lolo't lola ko kay mama dahil wala namang trabaho non si mama at dahil kila kambal na one year old palang at kailangang alagaan."

"Ibig sabihin hindi nila nakilala ang father niyo?"

"Hindi, kahit sa mga picture dahil kasamang nasunog yun sa dati naming bahay. Hindi ko nga alam kung paanong nasunog ang bahay namin, pati si mama hindi din niya alam. Okay naman kami sa bahay ng grandparents ko hanggang sa mamatay sila. Fifteen years old ako nun at hindi kami kayang buhayin ni mama sa pagtitinda lang ng mga pagkaing niluluto niya."

"Yung kakanin? Ang sarap ng luto ng mama mo eh, halos maubos ko kanina nung nasa bahay niyo ako." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Natikman mo na din pala pero hindi lang yun ang nilulutong pagkain ni mama. Anyway, sa edad kong yun ay nagawa kong magtrabaho para sa pamilya habang nag-aaral din ako. Lahat ng yun naisip ko habang pinag-iisipan ko ang alok ni Boss Black. Naisip ko din na maibibigay ko na ang kailangan ng pamilya ko kapag pinasok ko ang trabaho na yun kaya kahit hindi pa tapos ang araw ay kinontak ko na si Boss para hindi na din magbago ang desisyon ko. Kinabukasan non ay nagsimula na ako sa training ko kay Boss Black pero ang alam nila mama ay nagsisimula na din akong magtrabaho sa restaurant. Ayokong puro kasinungalingan ang malaman nila sakin kaya pumapasok talaga ako sa restaurant ni Boss kapag wala akong mission.

After two years nga ay nakabili na ako ng sarili kong bahay dahil inuna ko sila at doon na ako tumira hanggang sa magpatayo kami ng hide-out namin nila Jagger. Pero ang alam nila mama ay sa apartment lang ako tumitira.

Napagtapos ko ng pag-aaral nila sila Erwin at Erika at nakabili ako ng bahay para sa kanila. Alam kong minsan nagtataka si mama kung saan ako nakakakuha ng perang binibigay ko sa kanya pero hindi nalang siya nagtatanong. Okay na din yon para hindi puro kasinungalingan ang masasabi ko sa kanya."

"Did you ever tried on telling them about you being an assassin?"

"Oo, maraming beses pero naduduwag ako kapag lalapitan ko na sila para umamin dahil ayokong kamuhian nila ako. Ayokong sumama ang tingin nila sa akin kapag nalaman nila ang tunay kong trabaho."

"Pero hindi ba mas magiging okay ang lahat kapag nagsabi ka sa kanila ng totoo? Ramdam kong maunawanin ang mama mo, Reid. Sa umpisa malamang magulat sila, magalit, matakot gaya nalang ng narandaman ko except sa magalit, wala naman akong karapatang magalit diba? Pero alam kong maiintindihan ka nila dahil pamilya kayo. Naiinggit nga ako sa inyo dahil close kayong lahat eh hindi tulad ko na nag-iisa na nga lang na anak pero hindi parin mapagtuunan ng pansin ng parents ko."

Argh! Ano ba yan nalulungkot ako. Pero nawala din agad yun nang yakapin ako ni Reid at halikan ako sa noo ko. Weeee kinikilig ako.

"Matagal ko na talagang gustong magsabi sa kanila at sa tingin ko ngayon ay kaya ko na. Panahon na din para malaman nila ang totoo. Pwede mo ba akong samahan, Katarina?"

"Nyahahah si Reid na assassin kailangan ng kasama? Naduduwag ka ba?"

"Hey! Seryoso ako dito, ano sasamahan mo ba ako?"

"Oo na, sige na. Kailan ba?"

"Bukas na bukas din."

"Seryoso?"

This time siya naman ang tumawa sabay pisil sa ilong ko.

"Seryoso nga ako, Katarina. Pwede bang dun ka na din sa hide-out namin matulog ngayon para sabay na tayong pumunta sa bahay bukas?"

Hindi ko na naman napigilang matawa sa pakiusap niya.

"Hahaha ang baby mukhang kinakabahan na hehehe."

Tawa lang ako ng tawa hanggang sa halikan na niya ako at ihiga sa sofa. Pero bago tuluyang may mangyari sa amin ay may itinanong ulit ako sa kanya.

"I remember the tattoo I saw at your back. It's a falcon, right? Kailan ka nagpalagay non?"

"The day I passed the training and became an assassin. Pinalagyan ko din ng color blue para sa codename ko."

"Ahhh.... Lahat ba ng assassin may tattoo?"

"Hindi naman siguro lahat kagaya ni Clover dahil pwede daw makita ng parents niya kaya hindi siya nagpalagay. Okay na ba? Pwede ko na bang halikan buong katawan mo?" He teased na nagpatawa na naman sa akin.

At siyempre saan pa ba mapupunta to edi sa matamis na pag-iibigan. Ay hindi pala, sa.... alam niyo na. Hehehe.

Lasing na yung apat ng bumaba kami ni Reid galing sa apartment ng boss nila kaya imbis na magkanya-kanya pa kami ng sasakyan ay pinagkasiya nalang namin silang apat ni Reid sa likod ng kotse ko. Ang cute lang ng posisyon nila haha.

Si Cyrus nasa pinakailalim kasunod si Clover na padapa ang higa kay Cyrus. Nakapatong naman kay Clover si Trixie at si Jagger ang nasa taas nilang tatlo habang ang paa ni Jagger ay nasa mukha na ni Cyrus. Si Reid nakaisip niyan ha. Ang sakit naman para kay Cyrus na nasa ibaba.

"Bilisan na natin para makahiga na ng maayos silang apat."

"Pero pagod din ako dahil sa ginawa natin." Nang-aasar na sabi niya.

"Hey, stop that. Mamaya gising pala sila at marinig yang sinasabi mo. Tara na, bilis."

"Hahahah yes, boss."

Napangiti nalang ako sa sinabi niya at sumandal bago pumikit.

Pagdating sa hide-out nila ay pahirapan pa kaming alalayan yung apat papasok sa loob ng bahay nila.

"Ano ba yan! Akala ko ba malakas ang tolerance ni Jagger sa alak eh bakit hindi na magising yan?"

"Hahaha eh kung iwan nalang kaya natin sila diyan? Tama! Pabayaan na natin sila diyan. Halika na sa loob."

Hinila na nga ako ni Reid papasok ng bahay nila habang nakokonsensya parin akong tinitingnan ang nakabukas kong kotse at nasa loob ang apat.

"Hahaha joke lang. Gisingin nalang natin sila para hindi na tayo mahirapan." Sabi ni Reid at nauna nang bumalik sa kotse ko at hinila nalang bigla si Jagger na tumayo naman agad.

Sabay naming inalalayan si Jagger at Trixie papunta sa sofa at sunod ay sila Clover at Cyrus naman.

Hinayaan nalang namin sila sa sala at dumiretso na kami sa kwarto ni Reid para matulog na din.

Matutulog nga lang ba kami? Haha kayo na bahalang mag-isip.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon