Chapter 28

4.9K 98 3
                                    

Nakatayo lang ako sa gilid ni Reid pero hindi parin niya ako pinapansin na ipinagtaka na din nung apat.

"Katarina, halika maupo ka muna. Wag mo nalang pansinin si Reid baka wala lang sa mood." Yaya sakin ni Clover pero umiling lang ako habang nakatingin parin kay Reid na nakatingin lang din sa beer na hawak niya.

Ano yun, kapag wala sa mood pwedeng hindi na niya ako pansinin nalang basta? Ano ba talaga ako sa buhay niya?

"Reid."

Tawag ko sa kanya pero hindi parin siya natinag sa pagtingin lang sa alak niya.

"Hey, dude! Ayan si Katarina, pansinin mo naman." Sabi ni Jagger na kinalabit na si Reid pero hindi parin namansin.

"Aalis na ako." Sabi ni Reid na ikinagulat naming lahat at lalong nagpasakit ng damdamin ko pero hinawakan ko siya sa kamay bago pa siya makaalis.

"No! You're not leaving this place until we talk. Sabihin mo sakin kung ano bang problema------"

"Wala tayong dapat pag-usapan kaya bitawan mo na ako. Hindi ko gustong makipag-usap sayo, Katarina. Nakita mo namang may kahalikan na akong ibang babae diba? Sana umalis ka nalang." Blanko ang itsurang sabi ni Reid.

Halos madurog na ang puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil sa mga sinabi niya kaya napaupo nalang ako bigla sa upuan habang paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang mga sinabi niya.

Hindi ko din namamalayang umiiyak na pala ako kung hindi lang nagreact silang apat dahil sa pag-iyak ko kasama na ang pagmumura ni Reid.

"Umuwi ka na kung iiyak ka lang sa harapan ko." Malamig na sabi niya sa akin.

"Don't you like me anymore?" Tanong ko sa kanya habang pilit siyang inaaninag sa luhaan kong mga mata.

"I didn't say that I like you, did I?"

"You didn't but I know you do. I can feel it! Don't do this to me Reid. Please, tell me. I want to hear you say it. Do you like me Reid?" I asked him but he just stare at me and didn't answer.

"I know you want me, Reid, given the fact that we always end up making love when we saw each other but that's way too different with the one I'm asking you now and I wanted to know what you really feel towards me. Do you like me, Reid?"

"Does it matter? What----"

"Ofcourse, you idiot! Just answer my question!" I shouted at him.

Wala na akong pakialam kahit tingnan pa kami ng mga tao sa bar. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.

"No."

What? He said..........no.

I stood up but didn't looked at him anymore.

"Okay, okay. I get it." Sabi ko at naglakad na ako palayo sa kanila.

Tama na yung nakita ng mga tao ang pagiging desperada kong malaman ang nararamdaman niya para sakin pero tama na din yung pag-iyak ko sa harapan niya at ang pagmumukha kong tanga na mamaya lang ay alam kong tatawanan na nila. So I'd better go.

"Fuck! Let's talk, okay?" Sabi ni Reid bago pa man ako makalayo ng tuluyan.

And now he wanted to talk? That's bullshit!!!!

"I'm done talking to you. Pangako, ito na ang huling magkikita pa tayo, Reid. Dalawang beses mo na akong nasasaktan ng wala akong kaalam-alam sa nagawa ko sayo at binigyan din kita ng pagkakataong mag-explain kanina pero hindi mo ginawa. Alam mo ba ang tingin ko sa sarili ko ngayon? Isa lang sa mga babae mo na pinaglaruan mo lang gaya ng sinabi ng platinum blonde na yon! Kung sakali mang magkita tayo sa hindi inaasahang pagkakataon isipin mo nalang na hindi tayo magkakilala at yun din ang gagawin ko. Bye, Reid and thanks for everything dahil nakaramdam din ako ng saya ng makilala kita. Pero hindi ko akalaing hihilingin ko na sana hindi nalang pala tayo nagkakilala para hindi ko na din nararamdaman yung sakit na ipinaparamdam mo sa akin ngayon." Sabi ko at dire-diretso na akong naglakad palabas ng bar.

Nakita naman agad ako ni Sammy na nagulat pa dahil umiiyak parin ako hanggang ngayon.

"Miss Katarina, ano pong nangyari? May nambastos ba sa inyo sa loob ng bar?" Alalang-alala na tanong niya.

"Parang mas gugustuhin ko pang yun nga ang mangyari eh kasi yun alam kong kaya ko pang labanan pero yung sakit na nararamdaman ko ngayon hindi eh." Sabi ko na mukhang hindi niya naintindihan.

"Ah wala to, brokenhearted lang sa taong wala palang nararamdamang sparks para sakin." Sabi ko bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.

Dali-dali namang sumakay si Sammy at mabilis na pinaandar paalis ang sasakyan sa lugar na iyon. Pero bago kami tuluyang makalayo ay nakita ko pa si Reid na nakatayo sa entrance ng bar at nakatingin sa akin. Iniwas ko naman agad ang tingin ko sa kanya dahil nag-uunahan na naman sa pagpatak ang mga luha ko.

_________________

Reid's POV

Nasa loob na ulit ako ng bar at inom lang ako ng inom ng beer para kalimutan ang nangyari. Para kalimutan si Katarina.

"Hindi ka na namin maintindihan, pre. Sa itsura mo naman parang ayaw mo din yung nangyari at yung ginawa mo kaya nagtataka kami dito kung bakit ka nagkakaganyan." Sabi ni Cyrus pero hindi ko siya pinansin.

"Nasaktan mo na naman si Katarina, Reid. Siguraduhin mo lang na paninindigan mo na ngayon yung mga sinabi mo sa kanya at hindi mo na nga siya lalapitan para hindi na siya masaktan ulit." Si Trixie pero hindi ko din siya pinansin.

"Tama ba kaming isipin na sinadya mong halikan yung babaeng yun para saktan lalo si Katarina? Dahil ginawa mo yun pagkatapos naming sabihin sayo na dumating siya at nung lumapit ulit sayo yung babae ay tinanggihan mo na. Ano bang problema, Reid?" Si Clover.

"Tama na. Hayaan nalang natin siya. Basta Reid, hinay-hinay lang sa pag-inom lalo na may mission ka pa bukas." Sabi ni Jagger na tinanguhan ko lang.

Wala din namang silbi kung sasabihin ko sa kanila ang problema ko dahil nakapagdesisyon na ako at nagawa ko nang ilayo sakin si Katarina para wala nang ibang taong madamay kahit na alam kong nasaktan ko siya ng sobra pero hindi ko pwedeng bawiin yung mga sinabi ko at nagawa ko.

Hindi totoong hindi ko siya gusto. Sobra-sobra pa nga ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi na talaga pwede.

Ang kailangan nalang naming gawin ngayon ay kalimutan ang isa't isa at magmove on.

"Doon muna ako sa bahay ko hanggang sa matapos ko ang mission ko bukas." Paalam ko sa kanila at diretso nang lumabas ng bar ng hindi na sila hinintay pang magsalita.


________________

Nagising ako ng maaga kinabukasan para ihanda ang sarili ko para sa mission ko ngayon. Isa sa ka-alliance ni Hawk ay nalaman namin kung saan nakatira dahil sa pagsunod dito ni Amethyst at ako nga ang napag-utusang manmanan ito ngayon.

Ang ibang miyembro naman ng secret agency kasama na sila Trixie, Cyrus at Clover ay may mission din na kagaya ng sa akin ngayon dahil buong miyembro ng agency na kinabibilangan ni Lynx na pumatay kay Orange ay tumutulong na din kay Hawk. Si Jagger naman ay mission niyang pumatay ng criminal ngayon.

"Julio Dela Cruz." Siya ang pupuntahan ko ngayon na isang assassin and his codename is Tiger.

Kailangan kong malaman kung alam niya kung saan ko mahahanap si Hawk bago ko siya patayin. Yun ay kung nandoon nga siya sa address na ibinigay sa akin ni Amethyst.

Gusto ko nang matapos ang paghahanap namin kay Hawk nang mawala na din ang pangamba naming madamay ang pamilya namin dahil sa kanya. Lalo na nabawasan na naman kami ng isa dahil sa kagagawan niya.

Dahil naiwan sa pangangalaga ni Violet ang nag-iisa niyang kapatid pagkatapos mamatay ng magulang nila dahil kay Hawk ay hindi niya hinayaang hindi mabuhay ng normal ang kapatid niya.

Inilipat niya ng pinapasukang school ang kapatid niya sa pag-aakalang hindi na sila matutunton ng alagad ni Hawk at hindi niya ipinaalam ang tungkol doon kay Boss Black kaya ilang araw palang na nakakapasok sa school ang kapatid niya ay nalaman na agad ng ally ni Hawk ang tungkol doon.

Sinundan nila ang bata isang araw na pauwi ito galing school hanggang sa makarating ito sa hide-out ni Violet na saktong nandodoon din siya kaya nung araw ding yun ay nabawasan na naman kami ng isa pang assassin.

Hindi na ako makakapayag na may mamatay na naman kaming isang miyembro dahil lang sa paghihiganti niya para sa kapatid niyang si Xander na namatay sa mission na hindi naman kami ang may gawa.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon