Chapter 14

6.8K 165 2
                                    

Katarina's POV

Nagising ako dahil sa hindi pamilyar na naaamoy ko mula sa unan na yakap ko.

Amoy lalaki. Kaninong???

Napaupo ako bigla ng maalala ko ang nangyari kagabi. Pero nasaan ako?

Si Reid! Si Reid! Pinatay niya yung.....

Kinilabutan ako sa naalala ko kasama na ang takot. Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto kung saan ako nakatulog magdamag dahil umaga na base na rin sa sinag ng araw sa loob ng kwarto.

And my eyes fell at the nightstand that has the only picture inside the room. It's Reid and his family. But where is his father?

But wait? What am I doing here? Hindi kaya papatayin niya din ako? Pero hindi! Alam kong hindi niya ako sasaktan dahil siya nga mismo ang nagligtas sa amin ng mga babaeng kasama kong dinukot ng mga lalaking yun.

Unti-unting nawala ang takot ko ng maisip kong iniligtas niya ako kagabi kahit na napatay niya yung masasamang mga lalaki. Hindi ba sinabi niya sakin noon na for protection lang niya yung baril na nakita ko dati sa kanya? Ibig sabihin balak lang niya talaga akong iligtas. Pati na din si Cyrus na napatay din yung ibang lalaki. Tama!

Dahil sa masaya akong isipin na iniligtas nga niya ako ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto niya para hanapin siya. Hindi ko na din pinansin ang paligid ko dahil ang tanging gusto ko lang gawin ay mahanap siya para magpasalamat at sakto namang nakababa ako ng hagdan ng makita ko sila sa sala na kompleto.

"Morning, guys!" Bati ko sa kanilang lima.

"Wow! She's in a good mood. Morning din Katarina." Sabi sakin ni Cyrus na ipinagtaka ko ang una niyang sinabi dahil parang nagulat pa siya na masaya ako.

"Oo naman! I'm in a good mood because----" I stopped when I spotted Jagger's side and arm with a bandage because he's not wearing a shirt. "What happened to you? I thought you were sick?"

"Ah...kasi..." Nalilitong sabi ni Jagger.

"What?"

"Tell her, Reid." Sabi ni Trixie sa kanya.

Hinarap ko naman si Reid at naghihintay sa sasabihin niya.

"He was shot twice during our mission." He said it with a blank face.

"What mission?" I asked mostly with curiosity and nothing else.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"I'm an assassin, Katarina. They are, too." He said and gestured his hand on his friends.

I was shocked! But I am not afraid of them and I don't know why.

I suddenly remembered seeing Reid while he kill those guys so I blurted out without thinking.

"You.... Your face. While you kill those guys you did it without any kind of emotion as if killing was nothing to you."

"Scared are we?"

"No, I think."

Magsasalita na sana ulit si Reid kaya inunahan ko na siya.

"Hindi ko akalaing makakakilala ako ng mga assassin na kagaya ninyo pero hindi ko din akalain na ganyan ang attitude ninyo." Kampanteng sabi ko sa kanila na parang normal lang na makakilala ako ng assassin araw-araw.

"You mean, like this? Hanging out and having some fun like any other ordinary people?" Clover ask me and I nod. "We're humans too, Katarina and we're not just trained to kill people. Iba si Boss Black sa lahat ng leader ng mga assassin. Maraming secret agency na kagaya ng sa amin pero kami lang ang naiiba sa pamamalakad ng mga assassin. Boss Black taught us not to be a cold blooded assassin but just like a hunter that needs to protect good people against the bad ones."

"But you still kill people. Aren't you the bad one, too?"

"Haaayyyy.... Ofcourse we kill people because we're assassins but-----"

"Bakit hindi niyo nalang sila ipakulong pagkatapos niyo silang mahuli?"

"Tama na, hindi mo din naman kami maiintindihan kaya wag na nating-----" sabi ni Reid sa akin pero kinontra siya ni Jagger.

"She already know the truth kaya bakit hindi na natin ipaliwanag sa kanya ang lahat?"

Magkasalubong na ang mga kilay ni Reid pero nanatili nalang tikom ang bibig niya.

"Katarina, sa tingin mo ba kapag naipakulong sila nandun na sila habang buhay? No, they find a way to escape prison kaya eto din ang way ng mga assassin para matapos na ang krimeng ginagawa nila." Sabi ni Jagger habang nakatingin sakin ng mabuti it's as if he's trying really hard for me to understand them.

Well, I'm trying, okay? Kung kanina parang ang cool na assassin nila pero ng banggitin na nila mismo na pumapatay sila dun na ako kinabahan. Alam ko namang pumapatay talaga ang mga assassin pero yung manggagaling yun mismo sa bibig nila? Nakakakaba talaga.

"Iba kami sa lahat ng assassin, Katarina. Boss Black treats us like family here kaya ganoon din ang turingan namin sa isa't isa. Tanging ang agency lang namin ang pinakamaayos dahil ang iba ay halos nagpapatayan din sila malamangan lang ang isa't isa." Dugtong ni Trixie sa sinasabi ni Jagger.

That shocked me even more! Nagpapatayan sila?

"At kapag nasa mission sila kapag may sagabal na tao kahit inosente pa yan ay papatayin nila matapos lang ang mission. Ganon sila kawalang puso kaya wag mo sanang iisiping mga wala kaming puso dahil hindi kami ganon kumilos." Sabi pa ni Cyrus.

Oh my god! Hihimatayin na ata ako.

"T-they're k-killing innocent people too? What about..... What about.....?" Nanlalaki ang mga mata ko habang isa-isa silang tinitingnan. Nakita kong nalulungkot sila sa reaksyon ko maliban kay Reid.

"What about us? Aren't you listening?" Sigaw niya sakin na ikinagulat ko.

Paano ako makakapakinig ng maayos eh hindi na nga gumagana ng maayos ang utak ko dahil sa mga nalalaman ko?

"We don't kill for fun, Katarina!" Sigaw na naman niya sakin. "Ang mission namin ay patayin lang ang mga masasamang tao. Nag-iimbestiga muna si Boss Black bago niya ibigay sa amin ang mission na natanggap niya kung masama ngang tao ang ipinapapatay sa amin." Naiiritang sabi ni Reid sa akin at tinitigan ako ng mabuti.

"You're scared, aren't you? Natatakot ka na sa amin ngayon." Seryoso niyang sabi.

Nilingon ko silang lahat while trying to think of what to say dahil totoo naman ngang natatakot ako pero hindi ko alam kung tama bang sabihin ko pa yun. But maybe I need to be honest with them dahil sila nga ibinunyag na nila ang sekreto nila sa akin.

"Leave, Katarina!" Sigaw na naman ni Reid kaya napalingon kaming lahat sa kanya. I was about to say something too when he beat me into it.

"Just leave, okay? I can see it in your eyes that you are now scared of us. Don't worry, we're not gonna kill you, just don't say it to anyone para walang mapahamak sa ating lahat.." Pagkasabi niya non ay umalis na siya. Pero bago siya makatalikod ng tuluyan ay nakita ko pa ang mga mata niya na malungkot.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon