Chapter 16

7K 146 3
                                    

As much as I want to kiss Reid forever, we can't. We need to tell his friends that we're okay now and that he's not mad anymore.

"Tara sa baba? Kailangan natin sabihin sa kanilang okay na tayo at hindi ka na galit. Baka isipin nila binubugbog mo na ako dito." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hmmmm.... I thought you're here because, you know.... you want to...." Sabi ni Reid na tinaas taas pa ang kilay niya and grabbed my waist to place me on top of him.

"Hahahah pervert!" Sabi ko at nagmamadaling tumayo para lumabas na sana ng kwarto pero naabutan niya ako at pagkatapos ay binuhat sa balikat niya bago tumakbo palabas ng kwarto
diretso sa hagdan.

"Waaaaaaaa!!! Put me down! Put me down! I'm gonna die! Help!!!!! Waaaaaaaa!!!!!" I shouted at the top of my lungs.

Hanggang sa maibaba na niya ako sa may sala ay nagsisisigaw parin ako kahit na tawa na sila ng tawa sa itchura ko.

"You're so bad!" Hampas ko sa braso ni Reid kahit na sobrang bilis parin ng heartbeat ko sa kaba. Grabe! Nakakatakot kaya yung parang malalaglag ka na lalo na nung nasa hagdan na kami.

"Uy! Bagay kayo." Nakangising sabi ni Jagger.

Bigla naman akong nailang sa sinabi niya at ramdam kong namumula na din ang mga pisngi ko. I tried to look at Reid pero likod nalang niya ang nakita ko ng magpaalam siyang pupuntang kusina.

Wala man lang siyang reaction?

Feeling disappointed naman ako!

"Hoy, Red, wag ka ngang magsasabi ng ganon." Sabi ko nalang habang nakatawa.

Napatingin silang lahat ng sabihin ko ang codename ni Jagger. Ahh, hindi pa nga pala nila alam na sinabi na sakin ni Reid about dun.

"Reid told me. Kaya pala nung magpakilala ka sakin dati Red ang sinabi mong name sakin kaya binatukan ka ni Trixie kasi codename mo yun."

"Yeah, we're using codenames just to protect our real identity and we shouldn't tell it to anyone."

"But Reid told me already."

"That means he trust you, Katarina." Seryosong sabi ni Clover at lahat sila ay nakatingin sakin.

Saktong bumalik naman si Reid galing sa kusina pero mukhang hindi niya narinig ang sinabi ni Clover kaya nanahimik nalang ako.

He trusts me. Okay, that's wew! Amazing????

Inilapag ni Reid ang dala niyang sandwich sa table na nasa harap namin ng bumalik siya bago umupo sa tabi ko.

"Eat! Wala ka pa atang kinakain simula kagabi." Sabi niya at inabutan ako ng sandwich.

"Wow sweet!" Tukso samin ni Trixie na ikinapula ng pisngi ko.

"Hon! Gusto ko din. Subuan mo ako." Sabi naman ni Jagger sa kanya.

"May kamay ka noh!"

"Na may tama ng baril. Hindi ka ba naaawa sakin?" May papikit pikit pang sabi ni Jagger kaya nakatanggap siya ng batok kay Trixie bago siya nito sinubuan ng sandwich.

"Ang takaw takaw mo! Kanina ka pa kain ng kain!"

Magsasalita na sana si Jagger ng pagkabukas ni Cyrus ng TV ay ang mismong pangyayari kagabi ang balitang bumungad sa amin.

Napasinghap ako ng maalala ko na naman ang nangyari pero ako lang ata ang nagulat. Tiningnan ko silang lahat pero iisa lang ang expression ng mukha nila. Walang pakialam. Kaya binalewala ko nalang din ang nangyari dahil binalak nila akong dukutin.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon