Chapter 50

5.2K 79 2
                                    

Ilang araw na ang lumilipas matapos ang nangyaring pagsugod ng allies ni Hawk sa bahay nila Reid pero wala parin silang nababalitaang sinugod nilang muli na member ng secret agency.

Pero ngayong araw naman na ito ang paglipat ng pamilya ni Reid sa bahay niya na walang nakakaalam kundi siya lang mismo. At dahil sa nabanggit sa akin dati ni Reid ang tungkol sa bahay niya ay kasama din ako sa paghatid sa kanila.

Sa ilang araw na wala silang mission mula kay boss Black ay nagmanman muna sila sa malalapit na lugar sa hide-out nila para makasigurong wala ni isa sa mga kalaban nila ang nakakahanap sa hide-out nilang magkakaibigan.

Ilang araw na ding nagbalak si boss Black na lapitan ang pamilya niya pero hindi man lang siya nagtagumpay dahil sa hinaharang agad siya ni Reid sa gate palang ng hide-out. I tried to pacify Reid's anger towards his father dahil sa pakiusap ni Erika, but he didn't listen to me too, kaya nakuntento nalang sila ni boss Black sa pag-uusap sa cellphone. Halatang sabik na sabik siyang magkaroon ng ama kung hindi lang dahil kay Reid at pati na din kay Erwin na halatang may galit padin sa ama.

Nasa sala kaming lahat at handa ng umalis ng magsalita si Trixie.

"Someone's here." Sabi niya na medyo maayos na ang kalagayan niya sa ilang araw na pagkakapahinga niya. Tatayo na sana siya kung hindi lang siya naunahan ni Reid.

"I told him not to come here anymore pero ang tigas parin ng ulo niya! At ang lakas ng loob niyang pumasok nalang basta kahit ilang beses ko na siyang pinaalis." He said referring to his father habang galit na papalapit sa nakasarang pinto.

He was about to open it ng bigla naman din itong bumukas at iluwa ang taong hindi namin inaasahan na magbabalik pang muli.

"Sweetheart!" Shock na sabi ni Cyrus pero napansin ko din ang pagkashock lalo ni Erika sa narinig.

Bakit?

At teka lang, sila Cyrus at Clover parin ba hanggang ngayon? Akala ko kasi unti-unti nang nagmu-move on si Cyrus dahil sa ilang araw na wala si Clover ay hindi man lang niya ito nabanggit kahit minsan at hindi na din siya naglasing simula nung makita namin siya sa kwarto niyang lasing na lasing.

Pero si Erika.....

Dahil malapit lang ako sa kanya ay naglakas loob na ulit akong magtanong sa kanya kung ano ba talaga ang meron sa kanila ni Cyrus habang ang iba ay abalang kinakausap din si Clover.

"Erika." Tawag ko sa kanya at nilingon naman niya ako. "Kanina lang masaya ka pa pero bakit ngayon malungkot ka na?"

"Ha? Wala to. Siguro dahil mamimiss ko lang kayo."

"Especially Cyrus?"

"Huh? What? What makes you say that?" Sabi niyang halos tumili na kung wala lang makakarinig sa aming dalawa.

"I can see it in your eyes that you're jealous. And stop looking at them if you're hurting."

"Oh my god! Am I that transparent?"

"Very. Now tell me what happened to you two back when I saw you leave his room."

"Katarina, I can't. Because it maybe the stupidest thing I've ever done in my life but I'm not ashamed of it and I also don't regret it. Hindi ko lang akalain na may girlfriend pala siya."

"Same here. I never thought na sila pa pala because the last time I saw them together ay hindi maganda ang nangyari sa kanila at iniwan pa siya ni Clover dahilan para maglasing si Cyrus."

Magsasalita pa sana si Erika kung hindi lang kami ginulantang ng pagsigaw ni Clover.

"What the fuck, Cyrus? Bakit hindi mo maintindihan na gusto ko nang iwan ang pagiging assassin at pati narin ikaw? Ayoko na, okay? Pagod na akong magtago at matakot para sa pamilya ko. Pasensya na pero yun lang talaga ang ipinunta ko dito." Sabi ni Clover at nagmamadali nang lumabas sa hide-out nila.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon