Chapter 30

5.2K 89 0
                                    

"Boss Black, may nakuha akong impormasiyon kay Tiger at yun ay address na maaaring hide-out ni Crow." Sabi ko kay boss habang magkausap kami sa phone sakay ng motorbike ko pabalik sa hide-out namin para ipaalam sa kanila ang nalaman ko.

"Ha? Ibig sabihin mahihirapan tayo niyan?" Tanong niya sakin na parang hindi naman natutuwa. At bakit kami mahihirapan eh pwedeng yung address na nakuha ko eh yun nga yung hide-out ni Crow? "Nasaan ka na?" Tanong pa niya ulit.

"Papunta na ako sa hide-out namin para ipaalam din sa apat."

"Mas mabuti pa ngang pumunta na din ako doon para mapag-usapan natin yang mga nalaman ninyo at para makapagplano na din tayo ng mabuti."

Ibig sabihin dun sa mga pinuntahang mga assassin nila Clover, Cyrus at Trixie na kakampi ni Hawk ay may nalaman din silang importante sa mga yun? Mukhang hindi na din pala kami mahihirapan mahanap siya ah. Basta makita lang namin si Crow mas mapapadali na ang pagtapos namin sa problemang ito.

Nang makarating ako sa hide-out namin ay nandoon na si Boss Black at ang iba maliban kay Jagger.

"Where's Jagger?" I asked them but they only shrugged their shoulders even Trixie na nakaupo sa sofa katabi si Clover.

Nagtataka akong tiningnan saglit si Trixie pero nakatingin lang din siya sa akin kaya hinayaan ko nalang din siya muna. Tutal naman may mahalaga kaming pag-uusapan ngayon.

"Bago ka pa dumating, Reid, napag-usapan na naming apat ang tungkol sa mga address na nakuha ninyo." Simula ni Boss Black na ikinagulat ko at sabay-sabay namang ipinakita ng tatlo ang mga hawak nilang papel na may nakasulat ding address na iba sa address na ibinigay sakin ni Tiger.

"Teka, ibig sabihin ba nito marami silang hide-out? Mukhang matalino talaga si Hawk ah. Ang sa akin ay sa Makati. Saan naman ang sa inyo?"

"Iisa lang ang address na nakuha namin ni Clover at sa Pasay iyon." Sabi sakin ni Trixie at sabay nilang iniabot sa akin ang papel na hawak nila. Pareho nga lang.

"Ang sa akin ay sa Makati din pero iba sa address na hawak mo, Reid." Sabi naman ni Cyrus pagkatapos niyang tingnan ang hawak kong papel.

"Okay, ang mission niyo ngayon ay puntahan yang mga address na nakuha niyo sa iba't ibang assassin. At dahil pareho kayo Trixie at Clover ng nakuhang address, pareho niyong pupuntahan yang lugar na yan. Dun sa iba namang miyembro natin ay aalamin ko kung may nakuha din silang address kagaya ng sa inyo. Kung may kapareho kayo hindi ko na sila papapuntahin dahil kayo na ang naka-assign doon. So that's it. Tell Jagger to contact me dahil hindi ko siya makontak at kanina pa niya natapos ang mission niya at dahil may bago din akong ipapagawa sa kanya." Sabi sa aming lahat ni Boss bago tumayo at umalis na sa hide-out namin.

Nilingon ko ulit si Trixie pero wala parin siyang sinabi kung nasaan nga si Jagger. Hindi kaya hindi niya alam kaya wala siyang sinasabi samin?

Naputol ang daloy ng isip ko nang magsalita na si Clover.

"Maaaring isa sa mga address na nakuha natin ay nandoon si Crow. Kung sakaling nandoon nga siya pwedeng may iba pa siyang kasamang assassin dahil baka nagpaplano na naman sila to make a move against us kaya mag-iingat tayo guys." Paalala sa amin ni Cyrus.

Naisip ko na din yun at alam kong hindi magiging madali sa amin kung yun nga ang mangyayari dahil kapag maraming assassin ay mas mahirap lalo na kung nag-iisa ka lang.

"Okay. Pero may iba pa ba kayong nalaman tungkol sa mga plano nila dun sa mga pinuntahan ninyong assassin?"

"Gaya ng nasabi na namin kay Boss ay wala na kaming nalamang importante pa sa kanila. At mukhang iisa lang talaga ang pinagkakatiwalaan ni Hawk at yun ay si Crow dahil walang kaalam-alam ang iba nilang kakampi sa plano ni Hawk." Sabi naman ni Cyrus na ngayon ay may hawak ng pagkain.

"Ganoon din ang sinabi sakin ni Tiger nang itanong ko kung ano nang plano nila at kung sino na namang ang target nila sa secret agency natin."

"Guys, mas maganda din sigurong magsuot tayo ng mouth mask sa pagpunta sa mission natin ngayon kung sakaling madami tayong haharaping assassin para hindi nila tayo ma-identify."

"Tama si Clover. Mabuti na din yung mag-ingat tayo lalo na kanya-kanya tayo ng lugar na pupuntahan. Siya nga pala------"

Naputol ang sinasabi ni Trixie nang magring ang cellphone ko at makita naming si Boss Black ang tumatawag dahil nakalagay lang iyon sa lamesa.

Pagkasagot ko ay pinindot ko din ang loud speaker para marinig din nila ang sasabihin niya.

"Reid, kasama mo parin ba sila Cyrus?"

"Yes, Boss. Nandito parin kami sa sala at nag-uusap para sa mission at nakaloudspeaker ang phone ko para marinig din nila ang sasabihin mo."

"Okay, I hate to say this but.... Tangerine just died today." Sabi ni Boss Black sa galit na boses na halatang hindi na niya talaga gusto ang mga nangyayari.

"Oh my god!" Si Trixie habang nakatakip pa ang kamay sa bibig niya.

"Shit! Unti-unti na tayong nauubos." Si Clover.

"What the hell happened?!?" Si Cyrus.

"He died while doing his mission?" I asked.

"Hindi. Hindi dahil doon. Nang matapos niya ang mission niya na kagaya ng sa inyo ay binalak niyang umuwi muna sa kanila pero nang malapit na siya sa bahay nila sakay ng motorbike niya ay biglang sumabog ang bahay nila. Nagsisisigaw siya at tinatawag ang mga magulang niya pati na pangalan ng mga kapatid niya na narinig naman ng dalawang assassin na may kagagawan non na hindi pa pala umaalis sa lugar na yon kaya nakita siya. Mukhang siya talaga ang target base na din sa pagpatay sa mga pamilya niya.

Pinagbabaril agad siya nung dalawa kahit na daw may mga tao nang nagsidatingan para malaman kung ano ang nangyari. Tumakas siya sakay parin ng motor niya pero hindi siya nakaligtas sa pagbaril ng dalawang assassin kaya nakatanggap siya ng tatlong tama sa likuran niya at yung isang tama niya ay tumagos pa sa harap niya. Hindi ko alam na dalawa na palang tauhan ang pinapadala nila sa mission na ipinapagawa sa kanila ni Hawk. It sure shows that he really wants to eliminate us all straightaway. At nang mangyari nga yon ay tinawagan niya ako habang nakasakay parin sa umaandar niyang motor para sabihin sakin ang nangyari. Kanina lang yun nang malapit na ako doon sa bahay ko.

Sinabi niya saking pinatay ang pamilya niya ng dalawang assassin at may tama siya ng baril dahil sa mga ito at papunta na daw siya sa hospital natin kaya dumiretso ako kaagad doon. Nakarating nga siya pero......wala na siyang buhay ng datnan ko siya doon."

Halos sabay-sabay kaming nanlumo at nawalan ng gana sa ibinalita sa amin ni Boss Black. Isa si Tangerine sa mga nakasabay kong magtraining noon kay Boss at magkasing-edad lang kaming dalawa at kahit papano ay naging magkaibigan din kami kahit na ibang tao ang kasa-kasama na namin sa secret agency. And now he's dead. Patay na siya dahil sa baluktot na pag-iisip lang ng kapatid ng isang taong namatay na miyembro ng agency namin. Isang taong hindi titigil hangga't hindi kami nauubos.

"We need to end this!!!" Galit na sabi ko pagkatapos naming makausap si Boss Black.

"We need to find Hawk first." Si Trixie.

"And kill him with no mercy!!!" Si Cyrus.

"Tama! Gaya ng ginawa niya sa mga miyembro natin at pati na din sa mga pamilya nila. God! I really can't believe this is happening and part of me is scared sa mga pwede pang mangyayari sa susunod. Hindi ako natatakot para sa sarili ko, natatakot ako para sa inyo guys, para sa mga pamilya nating pwede pang madaya dahil kay Hawk." Sabi ni Clover habang nakayakap kay Cyrus.

"Kailangan nating siguruhing wala nang madadaya pang iba. Kaya kailangan na nating mahanap si Crow, ang taong mas pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng allies niya."

Pagsapit ng gabi ay sama-sama kaming nagplano sa pagpunta sa address na nakuha namin kahit na iba-iba kami ng pupuntahan. Pinlano namin kung ano ang gagawin namin kapag nakita namin si Crow sa isa sa hide-out nila.

Humanda ka na Hawk dahil hindi kami magdadalawang-isip na patayin ka kapag nakita ka na namin. At malay din natin, baka pahabain pa namin ang buhay mo......

.......sa mahirap na paraan nga lang.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon