Chapter 47

4.8K 90 0
                                    

Reid's POV

Halos paliparin ko na ang sasakyan ko makarating lang kami agad sa hospital ng secret agency namin. Ang sabi ko sa sarili ko kung may masasaktan man sa amin ay ako lang at hindi sila. Pero nabaril si Erwin! Si mama ay na-shock at tulala lang. Umiiyak naman si Erika hanggang ngayon habang yakap si Erwin. At si Katarina naman na nasa passenger seat lang ay nakayakap sa nakataas niyang dalawang legs habang nakasandal sa upuan at nakapikit.

Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyari dahil kung sana noong una palang na isa-isa na kaming pinapapatay ni Hawk ay inilipat ko na ng tirahan ang pamilya ko ay hindi sana mangyayari ito, wala sanang masasaktan isa sa pamilya ko.

Mabilis kaming nakarating sa hospital dahil na din sa pagmamadali ko para matingnan at magamot na agad si Erwin ng doktor. Pagkatigil palang ng sasakyan ko ay nakaalalay agad si Jagger kay Erwin na mukhang kanina pa na nasa labas ng hospital.

Nang nasa loob na ng emergency room si Erwin ay saka lang kami umupong lahat sa upuan na nasa hallway at saka ko lang din naramdaman ang pagod sa mga nangyari.

"I called dad a while ago at papunta na siya dito." Sabi ni Jagger na ngayon ay katabi na si Trixie. Tumango lang ako bago nilingon sila Mama at Erika.

"Okay lang ba kayo? Gusto niyo bang magpahinga muna sa isa sa mga kwarto dito sa hospital?"

Umiling muna si mama bago nagsalita. "Ang gusto ko lang ngayon ay ang paliwanag mo sa mga nangyayari at kung bakit tayo nasa isang hospital na mukhang hindi pinupuntahan ng mga tao? Pag-aari ba ito ng isang sindikato? At isa ka ba sa kanila, anak?"

Nakikita ko sa mga mata ni Mama ang galit na nararamdaman niya pero pinili parin niyang magpakahinahon sa harap ko at nilang lahat.

Nilapitan naman ako ni Katarina at hinawakan ang kamay ko para ibigay ang suporta niya para sa akin. Dahil sa ginawa niya ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na aminin na sa kanila ngayon ang dati ay kinakatakutan kong ipaalam sa kanila.

"Ma, hindi kami mga sindikato, malaki ang ipinagkaiba namin doon. Pero sana huwag magbago ang tingin mo sa akin, dahil isa akong......kaming lahat na nandidito bukod kay Katarina ay.......mga....kami ay a--------"

"My son!!! My son!!! Where is my son?!?"

Nagulat kami sa pagdating na iyon ni Boss Black na dinaanan lang kami at dire-diretso lang sana siya sa paglalakad niya kung hindi ko siya napigilan. Parang wala pa siya sa sarili niya ng ituro ko sa kanya si Jagger na nasa harap lang niya.

"Where's my son?"

Huh? Tanungin daw ba yun mismo kay Jagger na anak niya?

Napansin kong naguguluhan na din ang lahat ng kasama ko bukod kay mama na nakakunot na ang noo at kay Jagger na.... nakangisi at ang mata ay galit na nakatingin kay boss???

"Well, it's about time, Dad."

"Jagger?" Manghang tanong ni Boss na parang ngayon lang din nakita ang anak. "What are you talking about?"

"I know, dad." Sabi ni Jagger na ngayon ay malungkot na kasabay ng pagkunot ng noo niya dahil sa galit. "Isang beses na umuwi ako sa bahay natin ay naisipan kong pumasok sa office mo. Alam mong hindi ako pumapasok doon at bihira lang akong umuwi kaya siguro hindi mo na din naisipan pang itago ang journal mo, dad. But I saw it, and read it until the very end. Sa isang araw na iyon ko lang nalaman ang totoong pagkatao mo. Akala ko kilala na kita simula pagkabata ko pero hindi pa pala. Did mom knew before you marry her? O hinayaan mo lang na mamatay siya na walang kaalam-alam kung sino talaga ang taong pinakasalan niya?

I got mad that day, hanggang sa hindi ko na kinaya ang galit na nararamdaman ko sa inyo kaya hindi muna ako nagparamdam sa'yo at kila Trixie. Pero akala ko yun lang, dad. Until I saw two pictures at the back of your journal with captions written in it. Naiintindihan ko ang rason mo na nakasulat sa journal mo pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka umaamin! Malalaki na kami, dad. Malalaki na kaming mga anak mo!!!" He said and gestured his hand at me and also at Erika na ikinagulat ko.

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon