Chapter 37

4.6K 74 1
                                    

"Jaggie!!!"

"Argh!! Katarina naman! Ang ganda ng pangalan ko tapos magiging Jaggie lang? Ang sakit sa tenga eh."

"Eh kasi naman noh, bakit ang dilim?!?" Sabi ko habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng walang kailaw-ilaw kaya nakahawak lang din ako sa laylayan ng damit niya na parang bata.

"Ahhh.... Hindi mo naman sinabing takot ka sa dilim edi sana dun na tayo sa madaling daanan dumaan. Akala ko kasi gusto mo munang libutin tong hospital namin."

PAK!!!

"Aray naman!! Pati ba naman ikaw babatukan na ako?"

"EH MERON NAMAN PALA KASING MADALING DAAN, BAKIT DITO PA? TSAKA NAGTANONG KA BA HA?!? BILISAN MO NA NG MAKAALIS NA TAYO DITO!!!!" Natataranta at natatakot na sigaw ko sa kanya.

"Aray! Ang sakit naman sa tenga ng sigaw mo. Mamaya niyan magising yung mga kaluluwang pagala-gala dito edi hindi na tayo nakarating sa Reid mo niyan."

Naestatwa nalang ako bigla sa kinatatayuan ko ng dahil sa sinabi niya at halos maiyak na din ako sa takot.

Hindi naman talaga ako matatakutin lalo na sa dilim o sa isang lugar. Pero diba sabi nila sa hospital maraming mumu??? Paano na nga lang kung.....

"Waaaaaaa!!!! Ayokong makakita ng mumu!!! Tara na Jagger bilisan na natin! Kakalbuhin talaga kita kapag hindi tayo nakalabas ng buhay dito!!! Tsaka hindi ko pa nasasabi kay Reid na mahal ko siya!!! Paano na siya kapag namatay na ako?!?"

"Ahahahaha mamamatay agad? Wag kang mag-alala, ililigtas kita sa ngalan ng pag-ibig mo sa kanya hahahahah."

"Bwisit ka! Bilisan mo na nga!"

Binilisan na nga namin ang paglalakad habang nakatungo lang ako at nakahawak parin sa damit niya.

At ang Jaggie na to, nasa kabilang dulo pa pala ng hospital na to ang may gumaganang facilities ng hospital at doon lang din mismo sila pumupunta at na hindi nila ginagamit ang lugar na ito.

"Yung totoo, pinapahirapan mo ba ako, Jagger?"

"Nope! Hehehe. Kaya lang kasi...... Katarina..... Ano kasi.... Pasensiya na ha? Pero sinabi ko kasi kay Reid na gusto mo siyang makita dahil sa nangyari sa kanya at baka sakaling ganon din ang gusto niyang mangyari pero-----"

"Ayaw niya akong makita, ganoon ba?" Malungkot na sabi ko sa kanya.

"Ganoon na nga. At bago ako umalis dito kanina nagpumilit siyang lumabas ng kwarto niya at doon sa may malapit sa entrance siya mismo umupo kaya dito kita idinaan dahil baka nandoon parin siya hanggang ngayon."

"Hindi ba dapat nakita na niya tayo nung nasa labas palang tayo?"

"Hindi, kasi hindi makikita mula sa entrance yung lugar na hinintuan natin kanina."

"Kung hindi pala niya gustong nandito ako eh bakit hindi mo sinabi sakin una palang edi sana hindi na ako tumuloy. Umasa ako, Jagger. Umaasa ako na magbabago ang pakikitungo niya sa akin at na babalik kami sa dati. At na babawiin niya yung mga nasabi niya saking hindi maganda....at....at...." Tuluyan na akong naiyak at hindi ko na nagawang tapusin pa ang sinasabi ko.

"Wag mo sanang isipin na ginagawa ko to dahil gusto din kitang saktan. Hindi ko gagawin yon, Katarina. Pero kasi, alam kong hindi din gusto ni Reid yung nangyayari eh dahil-----"

"Ano?? Paanong hindi niya gusto yung nangyayari eh sa kanya mismo nanggaling yung mga masasakit na salitang binitawan niya nung huli kaming nagkita?"

Mukha namang natigilan si Jagger sa sinabi ko kaya idinaan nalang niya sa tawa ang kung ano mang sasabihin pa niya.

"Hehehehe, o sige na nga, kalimutan mo na yung sinabi ko. Pero dahil nandito ka nalang din naman, bakit hindi ka pa tumuloy diba?"

Night Owl Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon