Chapter 2

414 9 0
                                    

Jade POV

"Ay mga besty" bungad ni Jane sa kanilang dalawa na nag-aantay sa gate ng alma mater nila. Nagtext pala siya kanina at sinabi niya na antayin na niya kami sa gate.

"Akala ko ba ikaw lang mag-isa?" Tanong pa ni Jane.

"Nakita ko siya kanina na naglalakad kaya sinamahan ko na" sagot naman ni Eman.

"Wow sweet! Alam niyo kung di lang kayo magfriends talagang sabihin ko na magjowa kayo" sabi ni Jane. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Di naman masama kung ganun" sang-ayon naman ni Eman saka ngumiti pa.

"Tse...wag ka nga magbiro ng ganyan" irita kong sabi.

"Hays....alam ko naman gurl na nakikilig diyan" dagdag na biro ni Jane.

"Isa ka pa" inis kong sabi kay Jane.

Aba't tinawanan nila ako.

"Diyan na nga kayo" inis kong wika at iniwan sa gate pero humabol sila.

"Ito naman di man lang mabiro" sabi ni Jane.

"Hay...sis...ang dami niyo kasing satsat eh nagmamadali pa ako" kunway rason ko.

"Ah okay" tipidg niyang sagot.

"Ah Jane...anong gagawin mo rin dito?" Tanong ni Eman.

"Of course kukuha ng requirements" sagot niya.

"O ikaw?" Balik tanong niya kax Eman.

"Wala...samahan ko na lang kayo" sagot niya.

"Ha? Bakit tapos ka na ba?" Jane asked.

"Yup. Ako pa" sagot nito.

"Yabang" bulong ko.

"May sinasabi ka?" Biglang tanong ni Eman sa akin.

"Wala" agad kong sagot.

Matapos ang 12345 years, nakuha na namin ang mga requirements at nagyaya si Jane na mag lunch muna kami kasi pasado 12 na nung matapos yung lakad namin sa skul.

"Wag kayong mag-alala, ako ang taya" sabi ni Jane.

Nagtaka tuloy kami ni Eman sa sinabi ni Jane dahil biglaan na maglilibre siya. Oo maglibre siya kung dalawa lang kami o di kaxma ay chichirya pero ngayon parang b-day niya dahil sandamakmak na pagkain ang inorder.

Maya-maya dumating na ang order namin at kumain na.

"Ubusin natin lahat to" sabi ni Jane.

"Bakit? Anong meron?" Taka kong tanong kay Jane.

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot.

"Guys...this is the last time na makasama ko kayo" malungkot niyang sagot.

"Ha? Bakit?" Eman asked.

"Kasi...ano...mamamatay na ako bukas" biro niyang sagot.

"Wag ka nga magchacharot diyan baka masampal pa kita" biro ko naman sabay tawa.

"Yung totoo?" Seryosong sambit ni Eman.

"Kasi...ano..." pabitin na sagot ni Jane.

"Ano nga?" Gigil ko naman.

"I will be studying at Canada" malungkot niyang sagot.

Napanganga naman ako sa nalaman ko. Pati na rin si Eman.

"Ha? Are you sure?" Bawi kong tanong. Tumango lang siya.

Well, expected naman na talaga dun mag-aral si Jane kasi nandun ang parents and family na niya.

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon