Chapter 14

213 7 0
                                    

Jade POV

Iminulat ko ang aking mga mata. Tumambad sa aking ang puting kwarto. Pansin may bendahe ang ulo ko pati ang mga braso ko.

Isa lang ang naisip ko. Nasa hospital ako ngayon. Naalala ko kahapon ang nangyari. Nabangga pala ako at di ko na alam kung sino ang tumulong sa akin.

Narinig kong bumukas ang door ng aking silid. Napatingin ako sa pumasok at di ako makapaniwala kasi si Kuya Bj. Anong ginagawa niya dito? Siguro pumunta dito para pagtawanan ako.

Nagulat siya nung mapatingin sa akin kasi nakatitig ako sa kanya. Bumalot ang katahimikan sa loob ng silid na kinalalagyan ko. Wala ni sa amin ang maunang magsalita.

Sa tuwing naiisip ko yung mga sinabi ni kuya sa akin kahapon ay di ko maiwasan na umiyak ulit.

"Bunso, are you alright?" Biglang tanong ni kuya sa akin. Siguro napansin niya na umiyak ako.

Dun ako napatigil sa pag-iyak dahil sa pagtawag niyang bunso sa akin. Oo, nung okay pa kami ay ganyan ang tawag niya sa akin. Pero bakit tinawag niya ulit sa akin yun? Baka naawa lang siya sa kalagayan ko o kunwari lang pala di madagdagan pa ang hinanakit na aking nararamdaman ngayon.

"Anong sabi mo kuya? Bunso?" Taka kong tanong sabay punas sa aking mga luha.

Napayuko lang siya at dun parang nasaktan ulit ako kasi aasahan ko na sasang-ayunan niya ang tanong ko pero nagkamali ata ako.

"Siguro nagkamali lang ako ng pandinig" sabi ko pa. Pero wala eh di siya nagsalita.

"Siguro ngayon kuya masaya ka na" sabi ko na nagpaangat sa kanyang ulo at tumingin sa akin pero blanko ang ekspresyon ng mukha.

"Masaya ka na dahil nakarma na ako sa mga ginagawa ko. Siguro nagdidiwang ka na kuya dahil napagbayaran ko na ang pagkamatay ni itay" panunumbat ko. Di ko alam kung bakit nasabi ko ang mga yun. Siguro nadala na ako sa nararamdaman ko ngayon.

"Bunso, nagkakamali ka" reaksyon niya. Pero di ako naniniwala at umiling pa ako.

"Nagkakamali? Saan kuya? Sa mga sinabi ko? Tama naman yun kasi ikaw pa ang nagsabi na di mo ako mapapatawad, na di mo ako matatanggap kung ano ako" sabi ko at nagsimulang umiyak na ako. Di ko na kaya eh.

"Alam mo kuya sa mga sandaling ito, iniisip ko na namatay na lang ako. Na sana di na ako nagising kasi mas masakit pa ang nangyayari ngayon" dagdag kung sabi kahit singhot na singhot ako.

Nakita kong biglang nagbago ako ekspresyon ng mukha ng kapatid ko. Parang nalungkot sa mga sinabi ko. Itinuloy ko lang ang panunumbat sa kanya. Di ko na rin inintindi ang sakit ng ulo ko basta mailabas ko lang ang galit sa puso ko.

"Alam ko kuya na kunwari lang ang ipinapakita mo ngayon kasi naaawa ka sa akin o napipilitan ka lang" sabi ko pa at umiyak pa ako ng malakas.

"Anak, tama na muna yan. Di na makakabuti sa paggaling mo yan. Alam ko anak na masakit ang nangyayari sa inyong magkapatid pero sa ngayon, kailangan mong magpahinga" biglang singit ng aming ina. Di ko pala namalayan na pumasok na rin siya.

Gusto ko pa sanang isumbat ang lahat pero ayaw kong mag-alala pa si nanay. Minabuti ko na lamang na iniyak ang lahat ng nararamdaman ko sa sandaling iyun.

Matapos ang tagpong yun ay medyo okay na ang pakiramdam ko. Iniuwi na rin ako ng pamilya ko total okay na ako. Konting pahinga at pag-inom lang ng gamot ang kailangan ko para makarecover sa aksidente.

Nandito na ako sa aking kwarto, nakahiga ngayon at iniisip ang mga kaibigan ko sa Maynila. Alam kong nag-aalala na sina Eman at Ejay ngayon kasi tatlomg araw na di pa ako umuuwi dun. Di ko pa sila matext o matawagan.

"Bunso, dinalhan kita ng pagkain mo" pagbungad ni Kuya sa akin nung pumasok sa aking kuya.

Simula nung inuwi ako dito sa bahay ay si kuya na ang nag-alaga sa akin. Di ko alam kung kunwari pa yun na pagpapanggap pero hinayaan ko lang.

"Alam ko na mahirap paniwalaan tong ginagawa ko sayo bunso dahil sa mga nasabi ko ngayon" sabi niya at inilatag sa mesa ang pagkain na dala niya.

"Di kita masisisi bunso kung galit ka sa akin" dagdag niyang sabi.

"Di kita pinipilit na patawarin mo ako agad at nagpapasalamat ako bunso na hinayaan mo ako na pagsilbihan kita para maibsan ang sakit na nararamdaman mo sa akin" malungkot niyang pahayag.

Di ko alam ang sasabihin ko. Ramdam ko talaga ang pagsisisi nang kapatid ko habang sinasabi ang mga yun.

Nakita kong tumalikod na ito at aalis na sa aking kwarto.

"Kuya" tawag ko at napalingon naman siya.

"Napapatawad na kita at sorry din sa lahat" sabi ko at napaiyak na lang ako.

#######
Guys yan muna ang update ko ngayon...dramatic medyo...

Comment and vote!

Salamat!

Keep out for the next update...

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon