Jade POV
"Ano bang nangyari sayo? Bakit ngayon ka lang?" Sunod-sunod at nag-aalalang tanong ni Eman sa akin nung dumating ako sa dorm.
Oo tama kayo! Bumalik na ako sa skul total nakarecover na ako. And besides, nagpapasalamat ako sa aksidenteng yun kasi nagkabati na kami ng kuya ko. Nagpatawaran sa isa't isa at natanggap na niya ang lahat.
"Teka lang, hinay hinay lang sa pagtatanong" sabi ko. Kasalakuyan na nasa sala kami kasi umupo na ako agad nung dumating na ako.
"Eh kasi nga nag-alala talaga ako. Buong linggo kang di nagparamdam. Ni wala nga akong balita sa iyo" sabi naman ni Eman.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo?" Tanong niya ulit.
Huminga muna ako ng malalim saka sinagot ang katanungan niya.
"Naaksidente ako" sagot ko.
Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Ha? Kailan? Paano?" Pagbawi niya.
"Yan na naman, hinay hinay lang sa pagtanong" sagot ko.
"Paano nangyari?" He asked.
"Nung umuwi ako, nag-sumbat kami ng kuya ko. At dahil sa inis at sakit na naramdaman ko sa mga sinabi niya kaya tumakbo ako palabas at di ko namalayan na may bumangga na sa akin" paliwanag ko.
"Bakit di mo agad ipinaalam sa akin para mapuntahan kita?" Pag-aalalang tanong niya.
"Pasensya na kasi gulong gulo ako sa panahon na yun kasi ang daming pagbabagong nangyari" sagot ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya.
"Dahil sa aksidente, nagkabati na kami ni kuya" sagot ko.
"Akala ko kung ano na" sabi naman niya at ngumiti.
"What do you mean?" Ako namang ang naguluhan sa sinabi niya.
"Akala ko magbabago ang pagtingin mo sa akin" sagot niya.
"Ha? Di naman no! Kaw talaga." katwiran ko.
"Talaga?" tanong pa niya.
Tumango na lang ako.
"Kung ganun, yakapin mo nga ako" sabi niya.
"Tse...diyan ka na naman" alam kong mang-iinis na naman to sa akin.
"Sige na, tagal nga na di tayo nagkita kaya miss na miss na kita" sabi niya.
Nagulat ako. Miss na miss niya ako? Para nakikilig ako pero no...miss niya ako bilang kaibigan. Wag akong assuming.
"Wag na" tanggi ko kahit may parte sa isip ko na nagdidikta sa akin na yakapin ko siya.
"Ito naman ang damot. Yakap lang bilang pagkakaibigan eh ayaw pang gawin" tampo nito.
"Sige na nga" sabi ko at nagkunwaring naiinis ang boses.
"Kunwari pa gusto naman" bulong nito pero narinig ko naman.
Gusto ko man sumbatan pero inirapan ko na lamang siya at akmang yayakapin pero...may kumatok sa pinto na nagpatigil sa akin.
"Sandali lang at tignan ko lang yung kumatok" pagrason ko na para makaiwas na rin.
"Ako na mamaya. Yayakapin mo na lang ako" asik pa rin ni Eman.
"Sandali lang" asik ko rin.
"Saglit lang naman na yakapin mo" giit niya. Kaya yinakap ko na lang siya total madali lang naman pero nagkamali ata ako kasi yinakap niya rin ako ng napakahigpit.
Oh my! Ano to? Bat ganito ang pakiramdam ko? parang may mga kuryenteng dumadaloy sa mga ugat ko? parang nakikiliti ako habang kayakap ko siya?
"Ah...Em..di ako makahinga" pagrason ko na para kumalas sa pagkakayap.
Baka kasi pagtumagal ay mahimatay na ako sa daming voltahe ang dumadaloy sa mga ugat ko.
"Ah sorry best, ang sarap ko kasing kayakap at talagang namiss kita" sabi naman niya.
Ano raw? Masarap akong kayakap? Totoo kaya? Sana nga pero nangloloko lang to.
"Akala saglit lang na yakapin mo ako" maktol ko.
"Eh yun nga at dahil diyan ililibre kita mamayang dinner" sagot niya.
Magsasalita pa sana ako ng may kumatok ulit sa pinto. Dahil malapit lang naman ako sa pinto, ako na lang ang nagbukas.
Nagulat ako kasi si Ejay ang nasa labas.
"Jade!" Sabi niya at bigla niya akong yinakap. Di agad ako nakakilos sa biglaan na ginawa nito.
"Teka, di ako makahinga" reaksyon ko.
"Sorry! Namiss kasi kita!" Sabi naman niya.
Ano bang nangyayari sa mga kaibigan ko at parehas lang ang rason. Hays...sabagay matagal na di nila ako nakita.
Pagkalas ko sa pagkakayakap kay Ejay ay napatingin ako sa gawi ni Eman. Nakatingin siya sa amin at di ko maipinta ang mukha nito. Parang galit na ewan.
"Ah..may pupuntahan tayo mamaya ah?" Sabi ni Ejay. Lumingon naman ako rga kanya.
"Saan? At kailan?" Taka kung tanomg.
"Sa isang restaurant for dinner" ngumiti pa siya. Bago ko siya sagutin ay napatingin ako kay Eman na nakatayo pa rin dun sa sala pero tumalikod na ito.
"Hah? Sorry Ejay ah kasi nauna nang magyaya si Eman eh kung gusto mo sumama ka na rin" sagot niya at tumingin sa kanya.
Yung ngiti niya kanina ay agad nawala pero ngumiti ulit pero parang peke.
"Ganun ba? Sige, bukas na lang kitang ililibre" sabi niya.
Tumango na lang ako.
"Sige, balik na ako sa room namin" paalam niya.
Isinara ko na ang pinto. Wala na rin si Eman sa sala. Nagkulong ata ito 7a kanyang kwarto nung tumalikod ito kanina.
Di ko alam pero naguguluhan ako sa ipinapakita ni Eman kanina. Parang ano? hays...naguguluhan talaga ako sa kanya.
########
Guys updated na...Sana magcomment naman kayo and don't forget to vote na din.
Salamat!
Keep out for the next update...
BINABASA MO ANG
Unfulfilled Promises: Gay Romance Story
Teen FictionSiya si Jade. Lumaki sa pamilya na ayaw matanggap ng kuya niya dahil sa pagkamatay ng ama nila. Kahit sa ganun, mayroon naman siyang kaibigan na si Eman na nang-iinis sa kanya pero minsan nagpapasaya sa kanya. Sa kabila nito, nakaramdam siya ng pagt...