Epilogue

261 4 0
                                    

"Christian Jade Reyes...SUMA CUM LAUDE" pag-announce ng Dean nila sa graduation day ng kanilang kurso habang ang kaibigan nitong si Ejay ay Cum laude naman.

Sa halos apat taon na ang nakakalipas ay natanggap niya rin ang lahat. Ang pag-iwan ni Eman sa kanya na di man lang nagpaalam. Nalaman na rin niya ang lahat. Ang rason ng taong minahal niya ng lubusan kung bakit siya iniwan at sa pagpunta nito sa amerika.

Kahit masakit at mahirap tanggapin yun ay inisip na lamang niya na di sila meant to be.

Matapos ng mangyari yun ay muli siyang bumangon at hinarap ang buhay kasama ang kanyang pamilya at kaibigan nito na naging sandalan niya sa panahon na naglukluksa siya.

Sila ang nagpapatatag sa kanya sa panahon na muntik siyang magpakamatay dahil sa labis nitong depresyon.

Kaya nung nabuo niya ulit ang kanyang sarili ay naging matapang siya. Nagpursigido siya ng pag-aaral at ngayon ang lahat ng pagsusumikap niya ay napalitan ng kasiyahan.

"Congrats anak" bati ng kanyang ina na may napaluha pa.

"Congrats bunso" bati naman ng kanyang kuya Bj.

"Congrats bunso" bati rin ng kanyang ate Mj.

Lahat ng pamilya niya ay kompleto sa araw na kanyang graduation. Kaya lubos ng kaligayahan nito sa puso nito.

Muli siyang tinawag rga entamblado para magbigay ng mensahe.

"Good day sa ating lahat" masigla niyang bati.

"Nagpapasalamat po ako sa lahat ng tao na tumulong sa akin para makamit ang tagumpay na ito. Sa mga mapagmahal kung pamilya at kaibigan, mga maunawain kung guro lubos ang pasasalamat ko sa inyo." Saka inisa-isa silang tinignan at pinagpatuloy ang speech nito.

"Nagpapasalamat din ako sa taong minahal ko noon na nangpasakit sa puso ko. Alam ko nagtataka kayo kung bakit ko pa siya pasasalamatan siya eh sinaktan niya ako? Nagpapasalamat ako sa kanya kasi kung di niya ako sinaktan baka di ako maging matapang na harapin ang buhay." Matapos niyang sabihin yun ay napaluha na lamang siya.

"Higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa ating Diyos sa binigay nitong tagumpay sa buhay ko" huli niyang sabi saka bumaba sa entablado.

Sinalubong naman siya ng kanyang kaibigan na si Ejay at binati.

"Congrats Jade" bati nito.

"Salamat and congrats din" sabi naman niya.

Matapos ang program ng graduation day nila ay nagsiuwian na sila. Of course ay inanyayahan niya ang mga classmate niya sa na magpaparty sila sa isang resort.

Lumalakad na sila papunta sa parking area. Nang mapalingon siya sa likuran nito.

Napahinto siya at nabigla siya sa nakita nito.

Nakita niya si Eman sa di kalayuan at nakatingin sa kanya. Nakangiti pa ito.

"Jade" biglang sigaw ni Ejay sa kanya na dahilan kaya muling lumingon sa mga kasamahan niya.

Muling sumulyap siya sa likuran nito pero wala na dun ang nakita nito. Napailing na lang siya.

Inisip na lamang nito na gun-guni ko yun. At imposimbleng nandun siya eh ang pagkakaalam nito ay nasa amerika.

Oo! Tanggap na niya ang lahat na di talaga sila meant to be ni Eman. At naniniwala siya na darating din ang tamang panahon na may magmamahal sa kanya ng seryoso at makakatanggap sa kanya.

Sa ngayon, masaya na siya sa piling ng pamilya nito na nagparamdam ng tunay na pagmamahal sa kabila ng pagkatao nito at sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya.

At ang natuto niyang aral sa buhay ay maging matapang sa anumang laban. Kung nasaktan ka ay wag agad mag-isip ng di makakabuti sa buhay mo. Isipin mo na di ka binigyan ng Diyos ng isang pagsubok na di mo kaya. Gamitin mo ang pagsubok na ito para maging matatag at matapang sa buhay.

Minsan may mga bagay na di nakalaan talaga sa atin na akala natin ay yun talaga. Wag magalit sa kapwa pero siya di pa niya masasabi kung kailan mapapatawad niya ang taong nanakit sa kanya. Siguro balang araw yun kapag handa na siya.

"Tara na!" Sigaw pa ni Ejay sa kanya.

Hinabol naman niya ang mga kasamahan nito.

"Bakit napahinto ka?" Tanong ni Ejay sa kanya.

"Ha? Wala! Naisip ko lang na mamimiss ko ito. Tong school natin" sagot na lamang niya sa kaibigan nito.

Sinang-ayunan naman ng kaibigan nito ang sinabi niya saka nagtawanan sa isa't isa.

...WAKAS...

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon