Jade POV
Maaga akong nagising sa kaumagahan. Well maaga akong natulog kasi this is the first day of school of my college life. Excited na ako.
Kung tinatanong niyo kung ano ang nangyari kagabi, wala naman masyado. Nanood na lang si Eman at ako naman ay yun maaga na akong natulog. Yinaya pa nga ako manood pa lamang pero inayawan ko kasi baka makatulog ulit ako at paggising ko nasa kwarto niya na naman ako. Kayakap at katabi ko pa siya. Kaya yan mas minabuti ko na lang ang matulog ng maaga sa kwarto ko.
Dumiretso agad ako sa banyo at nagmugmog. Saka nagluto. Matapos nun ay naligo na ako at nagbihis. Nakapaghanda na ako pero di pa rin nagigising ang kasama ko.
Pinuntahan ko ang kanyang kwarto at aba nakatuhaya pa sa kama nito at ang sarap pa ng tulog.
"Hoy gising na. Malate ka na sa pasok mo. First day pa nga" sabi ko.
"Uhmp..mamaya na" sabi niya at nagtalokbong ng kumo.
"Teka ayaw mong magising" mahina kung sambit.
Kinuha ko ang isang unan sa tabi niya at pinaghahampas sa katawan niya. Sabay tawa ko pa ng malakas.
"Ano ba? Tumigil ka nga" inis niyang sabi at bumangon sa kama. Pansin ko nga bad trip. Napatawa na lang ako ng mahina at lumabas sa kwarto niya.
Dumiretso ako sa kusina at naghanda na ng almusal. Habang ginagawa ko yun ay dumaan naman si Eman at dumeretso sa banyo. Pansin kong bad trip talaga. Ano paki ko dun. Sino naman ang di mag-alala dun eh pinabantay sa akin ng magulang niya.
Paglabas niya ay nakaligo na ito.
"Bilisan mo at kakain na tayo" sabi ko pero yun linagpasan na lang niya ako. Bahala siya sa isip ko.
Kumain na lang ako. Total di naman namamansin yun kasama ko.
"Akala ko sabay tayong kakain" bigla niyang sulpot sa kitchen. Muntik pa nga akong masamid sa pagkagulat ko.
"Akala ko ayaw mo kasi galit ka sa ginawa ko" rason ko.
"Nang-iistorbo ka kasi"
"Anong istorbo ka diyan? Tignan mo 7:30 na kaya at sarap pa ng tulog mo eh first day pa nga ng skul ngayon" sermon ko.
"Eh kasi naman di ka tumabi sa akin na natulog" biro niya.
"Tumigil ka nga. Kakain ka na nga lang baka malate pa tayo" sabi ko.
Kumain na nga kami. Matapos nun ay naghugas muna ako at nagtoothbrush.
Agad kong kinuha ang bag ko at palabas na nang magsalita si Eman.
"Best, ano bang oras ng klase mo?"
Kaya napatigil sandali ako.
"Mga 8 at matatapos ng 3" sagot ko.
Tumango na lamang siya.
"Sige, mauuna na ako" paalam ko.
"Geh, ingat"
Binilisan ko ang paglakad dahil malalate na ako. Dumiretso agad ako sa room namin at tama nga ang hinala ka ko. Late na ako kasi andun na yung teacher. Napatingin naman silang lahat sa akin. Nahiya tuloy ako.
"Goodmorning ma'am I'm sorry if I am late" paumanhin ko.
"Well its okay since this is the first day of school" sabi naman ng guro namin.
"Okay ma'am"
Dederetso na sana ako sa bakanteng upuan pero pinigilan ako ng guro.
"Since you are late and all of your classmate introduce their name well you may introduce yourself now"
Ayan tumayo na ako sa harap ng klase. Nanenerbyos ako kasi biglaan. Of course expected na mangyari to pero di naman gamito na agad agad.
"Hello classmate. I'm Christian Jade Reyes, 17 and you call me jade" pagpapakilala ko naman.
"Okay thank you Mr. Reyes. You may have a seat now. Just find a vacant seat" sabi ng guro nila.
Linibot ko naman ang kabuuan ng room kung may bakante pang upuan and yes...meron pang isa pero sa hulihan na row. Wala na akong choice kundi pumunta na lang dun at umupo.
Pagkaupo ay ibinaba ko agad ang bag ko. Saka ako tumingon sa harap.
"Well my dear student, I'm Ms. Shah your instructor for this subject" pakilala nang aming guro. English ang subject namin.
"Okay bring out your notes and copy your course syllabus" sabi ni Ms. Shah.
Inilabas ko na ang notebook ko at pen pero nahulog ito at pumunta sa katabi ko.
Pinulot naman niya ito at ibinigay sa akin. Pag-abot ko ay nagulat kaming dalawa. Kasi namumukhaan ko siya.
"Ikaw yung?" Biglang sabi ng lalaki sa akin na katabi ko at ibinigay yung pen ko.
"Ikaw din yung?" Pabalik ko at sabay turo pa sa kanya.
Magsasalita pa sana siya pero sinita na kami ni Ms. Shah na komopya na sa course syllabus na nakaflash sa projector.
Napansin kung laging lumilingon sa gawi ko ang katabi kong lalaki pero di ko na lang pinansin. Anyway, ang tinutukoy kung lalake ay yung nakabangga ko sa dorm nung dumating ako.
########
Comment and vote naman diyan.Salamat...
Keep in touch for the next update.
BINABASA MO ANG
Unfulfilled Promises: Gay Romance Story
Teen FictionSiya si Jade. Lumaki sa pamilya na ayaw matanggap ng kuya niya dahil sa pagkamatay ng ama nila. Kahit sa ganun, mayroon naman siyang kaibigan na si Eman na nang-iinis sa kanya pero minsan nagpapasaya sa kanya. Sa kabila nito, nakaramdam siya ng pagt...