Jade POV
Pauwi na ako sa dorm. Medyo dumidilim na kasi. Di na ako sinabayan pa ni Ejay matapos sabihin niya yun sa akim.
Oo! Medyo may gap na sa amin matapos yun kasi di kami nagkausap pa. Aminin ko na nasaktan siya pero ayaw ko naman na lokohin siya at naniniwala ako na balang araw ay magiging okay din ang pagitan namin.
Pagkarating ko sa room namin ay bumungad ang napakadilim na kwarto namin. Asan kaya si Eman? Di pa rin ba umuwi yun?
"My phie?" Tawag ko saka pinindut ang switch ng ilaw pero di umilaw. Brown out.
"My phie?" Tawag ko ulit saka in-on ang flashlight ng cp ko.
Wala pa ring sumasagot at akmang pupunta na ako sa aking kwarto ng biglang may umilaw na kandila sa sala.
Oh my! Natakot ako bigla. May multo ba? Sisigaw na sana ako pero may umilaw na naman na kandila hanggang suno-sunod pa at nabuo ang hugis puso at sa gitna nito ay nakasulat ang EMJADE.
Napa-wow naman ako. Alam kung gawa ni Eman to pero asan siya?
"Nagustuhan mo ba sweetie?" Biglang tanong nito sa tabi ko kaya nagulat ako.
"Ikaw ah? Nanggugulat ka talaga" saway ko. Saka naman nagliwanag na.
"Gusto kitang sorpresahin sweetie" sabi niya.
"Ano nagustuhan mo ba?" Tanong niya ulit.
"Oo naman my phie" sagot ko namuo na ang luha sa mata ko. Ano ba naman niyan.
"Oh bat napaiyak ka?" Nag-aalalang tanong niya.
"Ano...ang saya ko kasi nag-effort ka pa para sorpresahin ako" sagot ko.
"Para sayo gagawin ko ang lahat para mapasaya kita" sabi naman niya saka ngumiti. At inakay na akong umupo sa sala sa harap ng mga candles.
"Salamat phie" sabi ko naman at pinahid ang mga luha sa mata ko.
"Basta sayo" sabi naman niya. Saka may inilabas itong box.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Buksan mo sweetie" sagot niya.
Binuksan ko naman at tumambad sa akin ang silver necklace na may pendant itong pangalan. EMJADE ang nabuo.
Di ko alam ang gagawin ko kaya yinakap ko na lamang siya.
Matapos yun ay inayos na namin ang mga candles ay saka lumabas. Mag-stargazing daw kami sa garden kaya pumunta kami dun.
"Ang ganda ng mga bituin no" sabi ko.
"Oo nga! Tulad mo" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa akin.
Kumabog ng malakas ang puso ko kasi kita kong titig na titig siya sa akin. Ako di ko alam ang gagawin ko. Ramdam kong umangat lahat ng dugo ko sa mukha ko.
"Mas gumanda ka pa kung nagblublush ka" sabi niya saka unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Ipinikit ko na lamang ang mata ko at hinintay ang pagdampi ng labi nito sa labi ko.
Ang lambot ng labi nito. Ang sarap at nakakabaliw siyang humalik. Matapos yung halikan namin ay yinakap niya ako saka nagyaya na bumalik na sa room.
Magkahawak kaming bumalik sa room. Pagbukas namin sa room ay laking gulat namin kasi andun ang papa ni Eman sa sala na nakaupo.
Bigla kaming napabitaw sa pagkakahawak kamay namin at saka nagkatinginan ni Eman.
"Ah pa! Naparito kayo?" Pagbawi ni Eman sa pagkabigla.
Tumango lang ang kanyang papa.
"Pwedeng kausapin kita cj?" Seryosong tanong ng papa nito. Kumaba naman ako sa boses nito.
"Eman, dun ka muna sa kwarto mo" utos naman niya sa anak nito kaya sumunod na lang siya at ako naman ay umupo sa harap nitong sofa.
"Bakit po tito?" Nanginginig kong tanong.
"Alam na namin ang lahat" sagot nito sa seryosong tono.
"Ang alin po tito?" Tanong ko kasi di ko naman maunawaan ang sinabi nito.
"Ang tungkol sa inyo ng anak ko" seryoso pa ring sagot nito. Dun mas kinabahan pa ako.
"Ah eh" yun na lang ang nasabi ko.
"Kalat na kalat sa fb ang mga pictures niyong dalawa na magkasama" medyo ramdam kung galit na ang boses ng papa ni Eman.
Di ako umimik kaya napayuko na lang ako sa mga sinabi niya.
"Ang gusto ko cj ngayon ay tigilan niyo na ang kabaliwan na ginagawa niyo" sabi niya na nagpaangat sa mukha ko.
"Pero mahal ko po ang anak niyo" matapang kong sagot.
"Mamili ka cj, tigilan mo ang pakikipagrelasyon sa kanya o gawin naming misarable ang buhay ninyo" sabi naman nito na nagpakaba sa akin.
"Pero---" pinutol agad niya ang sasabihin ko.
"Habang maaga pa ay tigilan niyo na to para di ka magsisi sa gagawin namin. Alalahanin mo, makapangyahiran ako" banta niya saka tumayo at tinawag si Eman.
Naiwan ako dun sa sala na naguguluhan. Oo! Sinamahan muna ni Eman ang papa nito sa labas at mag-usap daw.
Di ko alam ang iisipin ko. Gulong-gulo ako. Gusto kung pumunta kay Ejay para humingi ng advice pero alam kung galit yun sa akin.
Oh my! Bakit di ko naisip to na mangyayari? Pero alam kung mangyayari to pero hindi sa ganito na biglaan.
Inisip ko na lang na ipaglaban ni Eman ang pagmamahalan namin.
#########
Yey! Natapos ko na rin ang chapter na to.Guys...malapit nang matapos ang nobelang to at kung makapag-isip isip ako ay gagawa ako ng book 2 nito.
Tanong: Katapusan na ba ng Emjade sa sinabi ng papa ni Eman? Kung ikaw si Jade, anong gagawin mo? Anong pipiliin mo?
Dali comment na and vote na rin...
Salamat readers!
BINABASA MO ANG
Unfulfilled Promises: Gay Romance Story
Teen FictionSiya si Jade. Lumaki sa pamilya na ayaw matanggap ng kuya niya dahil sa pagkamatay ng ama nila. Kahit sa ganun, mayroon naman siyang kaibigan na si Eman na nang-iinis sa kanya pero minsan nagpapasaya sa kanya. Sa kabila nito, nakaramdam siya ng pagt...