Jade POV
Pagmulat ng aking mga mata ay wala na si Eman sa tabi ko. Hays...ang aga naman nagising yun. Makabangon na nga.
Dumeretso na ako sa banyo ng makita ko si Eman na nagluluto sa kusina.
"Goodmorning sweetie" bati niya sa akin.
"Goodmorning my phie" bati ko naman.
"Wala bang morning kiss?" Tanong niya.
"Tse! Diyan ka na nga" inis kong sagot.
"Kagigising lang ng sweetie ko ay ganyan na makapagreact" komento niya.
"Eh kasi naman phie, umagang umaga ay nang-iinis ka na naman" maktol ko.
Aba nginitian lang niya ako. kaya iniwan ko na lang siya dun at dumeretso sa banyo.
Pagbalik ko sa kusina ay nakaluto na siya.
"Phie, kailan ka pa natutong magluto?" Tanong ko.
"Matagal na sweetie" sagot niya.
"Ah akala kasi phie di ka marunong eh" sabi ko naman.
"Sus! Kahit mayaman kami sweetie alam ko naman ng mga ganito and gusto ko naman na gagawin ito na magluluto basta para sayo" sabi naman niya.
"Asus phie ah! Ang daming sinasabi ah. Kain na nga lang" yaya ko pero deep inside nakilig talaga ako sa sinabi niya.
Nandito na ako sa school. Matapos kaming kumain ay yun inihatid niya ako dito sa classroom namin. Bago pa siya magpaalam kanina ay sabi niyang wag na akong makipagharutan sa ibang lalake kasi baka makapatay siya. Nakikilig talaga ako sa kanya.
Pagtingin ko sa katabi kong upuan ay bakante pa. Wala pa si Ejay. Excited akong magkwento sa kanya.
Maya-maya ay dumating na ito. Nginitian ko siya pero nakapaseryoso ang mukha nito. Ay naku! Anong problema kaya nito bat ganyan ang mukha.
Pagkaupo niya ay agad ko siyang hinarap at sinimulan ang magkwento sa kanya.
"Alam mo Ejay, ang saya ko kasi natupad na ang matagal ko ng pangarap na mamahalin ako ng taong mahal ko" masaya kung panimula.
Di pa rin nagsasalita siya at nakatingin ito sa harap pero alam kung nakikinig siya sa akin kaya pinagpatuloy ko lang ang pagkwekwento.
"Akala ko di na kami maging dalawa. Akala ko nga hanggang tingin ko na lang siya" sabi ko pa.
Napatingin naman siya pero ang seryoso talaga ang mukha nito.
"Bakit sinasabi mo sa akin yan?" Seryoso niyang tanong.
Nagulat naman ako. Di ko inaasahan na ganun ang sasabihin niya.
"Ha? Ah eh...gusto ko lang ibahagi sayo kasi ikaw yung matiyagang listener" sagot ko.
"Di ako interesado ngayon na makinig" seryoso niyang sabi. Nagtaka ako. Bakit ganun siya ngayon.
"Ganun ba? Bakit may pinagdadaanan ka ngayon?" Tanong ko na lang.
"Wala" maikli niyang tugon.
"Sige na alam kung may problema ka at handa naman ako na pakinggan ka at tulungan" sabi ko.
"Kung sasabihin ko ba sayo, matutulungan mo kaya ako?" Tanong nito.
"Oo naman" masaya kong sagot.
"Tss...hayaan mo na lang" sabi niya.
"Ito naman tinanong mong tutulungin kita tapos ngayon ayaw mo ulit. Ang gulo mo rin" pahayag ko.
Bumuntong hininga muna siya at tumingin ulit sa harap.
"Kung gusto mong malaman ang problema ko ay pupunta ka mamaya sa student park" sabi naman niya.
Napaisip tuloy ako. Ano naman ang kinalaman ng student park para malaman ang problema. Ang gulo talagang kausap nito ngayon.
Since vacant ngayon napagdesisyunan ko ng pumunta sa student park. Nagtext na ako kay Ejay na pumunta dun.
Pagdating ko dun ay nakita ko na si Ejay na nakaupo dun. Nung makita niya ako ay nginitian ko lang siya pero napakaseryoso ang mukha nito. May problema talaga ito?
"Ano Ejay, may problema ka talaga no kasi napakaseryoso ang mukha mo" bungad ko saka umupo sa tabi nito.
"Di ko alam kung paano ko sasabihin sayo to?" Sagot nito saka tumingin sa malayo.
"Ikaw talaga pinapunta mo lang ako at pinagod tapos di mo ulit sasabihin yan problema mo" nainis kung sabi kasi pati ako ay nadadamay na.
"Kung ayaw mong sabihin di na kita pipilitin. Sige babalik na ako sa room" paalam ko at saka tumayo at iwan sana siya dun kasi naiinis talaga ako pero hinawakan ang kamay ko at napaharap sa kanya.
"Gusto kita" bigla niyang sambit.
Nagulat ako sa sinabi nito. Ang gulo niya talaga. Gusto niya ako? Nagbibiro ba siya?
"Alam kung nabigla kita pero totoo ang sinasabi ko. Gusto kita higit pa sa kaibigan" dagdag niyang sabi.
Di ko alam ang sasabihin ko.
"Pero-" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"Alam ko na dalawa na kayo ni Eman pero sana hayaan mong ipadama ko rin sayo ang pagmamahal ko" pakiusap niya.
Napailing ako. Di dahil sa di ko gusto pero ayaw kung masaktan siya at may masasaktan pang iba.
"Ejay, pasensya na pero di ko matatanggap yang pakiusap mo. Alam mong mahal ko si Eman at ayaw kitang masaktan and besides friend talaga ang turing sayo. I'm sorry Ejay" sabi ko.
Nakita ko ang pagkalungkot sa mata nito at unti-unting tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Saka iniwan dun.
##########
Guys...nabitin ba kayo?Tanong: sinong team EmJade? At sino ang team EJayde?
Comment na and vote...
Kung maraming magcomment and vote dito ay mag-update ako agad.
Salamat!
BINABASA MO ANG
Unfulfilled Promises: Gay Romance Story
Teen FictionSiya si Jade. Lumaki sa pamilya na ayaw matanggap ng kuya niya dahil sa pagkamatay ng ama nila. Kahit sa ganun, mayroon naman siyang kaibigan na si Eman na nang-iinis sa kanya pero minsan nagpapasaya sa kanya. Sa kabila nito, nakaramdam siya ng pagt...