Chapter 16

206 8 0
                                    

Jade POV

Nakaligo na ako at nakabihis na. Syempre ganun din si Eman. Kanina nga nung tatanungin ko kung lalabas kami para ilibre ay parang nagtatampo siya. Akala niya sasama ako kay Ejay pero ipinaliwanag ko naman sa kanya na tinanggihan ko siya.

Kaya napatalon pa sa saya at muntik pa niya akong yayakapin pero tinalikuran siya at sinabing maliligo ako.

Kaya ngayon dinala niya ako isang mamahalin na restaurant. Siya na lang nag-order. Puro seafood ata yung inorder niya.

"Salamat ah" sabi ni Eman habang kumakain kami.

"Para saan?" Taka kung tanong.

"Kasi mas pinili mo ako na samahan ngayon" sagot niya.

"Asus yun lang ba? Wala yun total maraming time pa para samahan ko si Ejay din" sabi ko at tumingin sa kanya. Nakita kung parang nag-iba yung aura niya nung sabihin ko yun pero ipinagwalang bahala ko na.

Matapos yung usapan yun, walang imikan. Tuloy lang sa kainan. Ninamnam ko na lang ang tamis ng pagkain hanggang matapos kami.

Bandang alas nuebe na nung umuwi kami. Pagdating ko sa room namin agada kung tinanggal ang sapatos ko.

"Salamat ah" sabi ko.

"Wala yun, mahal kasi kita" sagot niya na ikinagulat ko.

"Bilang kaibigan" dagdag niyang sabi. Akala ko naman kung ano na..hays...bat ganito ang naiisip ko ngayon.

Naggoodnight na ako saka pumasok sa aking kwarto. Humirit na naman siya na magkatabi kaming natulog. Di ko alam pero pinagbigyan ko na lamang siya. Minsan lang naman.

Kinabukasan...

As usual, balik skul na ako. Di pala kami nagsabay pumasok si Ejay kasi mas nauna na akong pumasok. Of course! Miss ko na ang classroom namin.

Papasok na sana ako sa classroom namin nung hinarang ako ng tatlong lalake.

"Bakla ka ano?" Tanong niyong isa. Pero di ko siya sinagot bagkus linagpasan sila pero may humila sa braso ko.

"Umamin ka na kasi" sabi pa niya pero di ko talaga sinagot kaya diniinan niyang pinisil ang braso.

Namilipit ako sa sakit. Iiyak na sana ako sa sakit pero biglang napaluwag ang pagkakahawak niya sa braso ko at pagtingin ko sa lalake ay hawak na ni Ejay ang kwelyo nito.

"Kapag ginawa niyo pa sa kanya yan, ako ang makakalaban niyo" banta ni Ejay sa kanya. Wow! Ipinagtanggol naman niya ako.

Matapos niyang pakawalan ang lalake ay hinila na niya ako papasok sa room at umupo sa chair namin.

"Bakit di mo kasi ako hinintay?" Tanong niya sa akin.

"Pasensya na, napaaga kasi ang gising ko" sagot ko.

"Dahil diyan sasamahan mo ako mamayang hapon pagtapos ang klase" sabi niya.

"Ha? Bakit naman?" Taka kung tanong.

"Dahil di mo sinamahan kahapon at hinitay kanina kaya yan ang parusa mo" sagot niya.

"Ha? Ayoko nga" kumwari ko.

"Ito naman oh...kahit pasasalamat mo na yun sa pagtanggol sayo kanina" tampo nito. Talagang nangongosensya ah.

"Oo na! Biro ko lang yun" sabi niya. Aba lumapad naman ang ngiti ng loko.

Matapos ang maghapon na klase, napansin very active si Ejay kanina sa class discussion habang ako nababagot makinig sa explanation ng mga teachers namin.

Nandito kami sa isang mall.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Bibili tayo ng sapatos" sagot niya.

"Sige" sagot ko.

Dumiretso naman kami sa mga department store at namili. Agad naman siyang nakapili.

"O san na tayo?" Tanong niya. Matapos kunin ang pinamili nito.

"Ikaw kung may pupuntahan pa pero kung wala na di uuwi na tayo" sagot ko. Wala naman akong gagawin dito kasi sinamahan na lang siya.

"Sige pero kakain muna tayo ng pizza" sabi niya.

"Okay! Sinong taya?" Biro kong tanong. Kahit alam kong siya naman ang magbabayad.

"Ikaw" biro din niyang sagot.

"Akala ko ikaw kasi ikaw ang nagyaya" kunwari ay tampo ko.

"Sige na ako na" sabi na niya.

Lumakad na kami papunta sa isang pizza hut sa mall ng malagpasan namin ang isang shop na nagtitinda ng relo.

Napatingin ako sa dalawang pares na relo na kulay silver. Ang ganda. Napansin ni Ejay na napahinto ako dun kasi tinitigan yun.

"Hoy! Anong tinitignan mo diyan?" He asked.

"Ha? Ang ganda kasi nitong relo" sagot ko. Lumapit naman siya sa glass window at tinignan ang relo na tinutukoy ko.

Maya-maya ay tinawag na niya ang saleslady at tinanong ang bayad ng relo. Matapos sagutin ang saleslady ay nagulat ako kasi binili niya agad. Wow! Ha? San naman niya kaya ibibigay ang isang pares. Binili niyang dalawa eh.

Matapos yun ay dumeretso na kami sa pizza hut. Nag-order na kami. Habang hinihintay yung order namin ay inilabas na niya ang isang box ng relo ang ibinigay sa akin. Nagulat ako syempre.

"Para san to at binigay mo sa akin?" Taka niyang tanong sa akin.

"Alam kung gusto mo yan kanina nung tinitignan mo kaya binili ko na para sayo" sagot niya.

"Ha? Pero di ko sinabi na bibilhin mo ah" giit ko naman.

"Oo alam ko yun pero binili ko yan for our friendship" sabi naman niya.

"Ha? Pero sobra sobra na ata ang ginawa mo sa akin ngayon" sabi ko naman.

"Sige ka kung ayaw mong tanggapin yan ay magtatampo ako at di na kita kaibigan" seryoso niyang pahayag.

Wala akong nagawa kundi tinanggap yun. Wala namang masama kasi buong puso naman na binigay niya sa akin.

###########
Guys yan muna ang update ngayon. Ayaw ko sanang mag-update ngayon kasi pagod ako pero alam kung maraming sumusubaybay dito kaya yan...nagtype muna ako nito.

Comment naman diyan and vote na pag may time.

Yung magpapadedicate ay pm me na lang o yung may magandang comment yun na ang bibigyan ko ng dedication.

Salamat!

Keep in touch for the next update.

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon