Chapter 12

235 9 0
                                    

Jade POV

Araw-araw ganun ang nangyayari sa amin ni Eman. Kung di mang-iinis ay manggugulat pero minsan napakasweet. Para nga may topak ang isip niya.

Si Ejay naman ay andun naman palagi at kasama ko siya sa skul. Kabaliktaran naman ang ugali nito kay Eman. Siya ay maaalahanin at laging nagtatanggol sa akin kung may nanlalait sa akin. Hays...buhay nga naman.

Since weekend ay napagplanuhan kung umuwi sa amin. Miss ko sina inay at kuya Bj kahit alam kung di niya ako miss ng kapatid ko. Lagi niyang isinisisi sa akin ang pagkamatay ni itay na nagpabalik ang diwa ko sa nakaraan.

"Tay...tay" sigaw namin lahat ng makita namin ang aming ama na nakabulagta sa harap ng bahay namin. Oo! Pinatay nila ang ama namin sa harap ng bahay.

Nagkasiyahan kasi sila sa kapitbahay namin dahil may okasyon. Syempre kasali ang inuman dun.

Nakisali naman si itay sa inuman pero maya-maya may narinig kaming malakas na putok galing sa labas. At yun nga ang nangyari may bumaril kay itay na siyang ikinamatay niya dahil sa puso nito ang natamaan.

Ayon sa mga nakasaksi at kasamahan ni itay sa inuman. Nakipagtalo daw siya dahil sa panloloko nila kay itay dahil sa pagkatao ko. Na isa daw akong bakla at salot sa lipunan namin.

Dahil mahal na mahal kami ng aking itay yun ipinagtanggol niya ako pero sa kasawiang palad nauwi sa kamatayan ni itay. Nahuli naman yung kriminal at di lang yun ang rason, may utang pala yung tao kay itay na di niya mabayaran kaya isinumbat pa ng tatay ko na siyang ikinagalit ng kriminal.

Nung nalaman yun ng kuya Bj ko ang rason ng pagkamatay ni itay dun na niya ako kinamuhian. Na araw-araw isinisisi niya sa akin ang pagkamatay ng aming ama.

"Bakit ka umiiyak?" Biglang may nagtanong sa harap ko na nagpabalik sa diwa ko.

Di ko pala namalayan na lumuluha na pala ako nung maalala ko naman yun. Pinunasan ko naman ang luha ko at tumingin sa nagtanong sa akin.

Si Ejay pala. Nasa harapan ko at kita ang pag-aalala niya. Nasa park kasi ako at di ko namalayan ang pagdating niya dahil sa pag-iisip ko sa nakaraan.

"Hah...wala" garalgal kong pagsagot.

"Anong wala? Eh kita na umiiyak ka?" nag-aalala pa ring tanong nito.

"Ha...eh...wala to...may naalala lang ako" sagot ko.

"Ganun ba? sige di ko na alamin yan baka kasi iiyak ka ulit"

"Salamat" maikli kong tugon.

"Okay! Para maibsan yung nararamdaman mo, may pupuntahan tayo" yaya niya sa akin.

"Hah? Saan?" Taka kong tanong.

"Basta. Sumama ka na lang" nakangiti pa niyang sabi.

Kaya nagpatianod na lang ako.

Pumunta kami sa likod ng skul at namangha ako sa ganda niya. Of course! First time kong makita ang bahagi ng skul na to.

"Wow! ang ganda naman" puri ko.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Paano mo pala nalaman to?" Tanong ko.

"Sa kalilibot sa paghahanap sayo kanina" sagot niya.

"ah ganun ba?" Yun lang ang reaction ko. Wala na akong masabi.

"Sige! Punta tayo dun sa lilim ng puno" yaya niya. Kaya pumunta kami dun.

Well ang ganda talaga yung place. Parang romantic place ang dating. may fountain sa gitna. Basta ang ganda. Di ko madescribe ang kagandahan nito.

Nung makaupo kami ay ayun. Nagsimula nang magjoke tong ejay kahit corny minsan. Ako naman tawa ng tawa kahit di naman. Di ko maintindihan kung bakit ang saya ko ngayon. Baliw lang ata.

"uuwi pala ako bukas" bigla kong sinabi. Nagulat naman siya.

"Hah...bakit?" pagbawi niyang tanong.

"Miss ko na sina nanay" sagot ko.

"Isang linggo pa lang ang nakararaan ah. Bakit di ka ba masaya na kasama mo ako?" Seryoso niyang tanong kaya ako naman ang nagulat.

"Ha...ano bang pinagsasabi mo? Saka uuwi lang ako at bibisitahin ang pamilya ko" pagbawi ko.

"Ganun ba? Akala ko iiwan mo na ako" sabi naman niya.

"Ito naman, di no ngayon pa na ang saya kang kasama at nagpapangiti sa akin" sabi ko at tumingin sa kanya with smile.

Pero nakatingin din sa akin. Di kumukurap.

"Talaga?" Seryoso niyang sagot. Tumango na lang ako.

Ayan deretso siyang nakatingin sa akin ganun din ako. Walang kumurap sa amin. walang nagsalita. Titigan lang.

Pansin kong lumalapit na ang mukha niya sa akin. Oh my! Pilit ko man ibaling ang mukha ko sa ibang dereksyon pero di ko magawa. And oh no! One inch na ay mahalikan na niya ako. Amoy ko na ang masculine scent nito.

Pero...

"Aray" bigla kong reaksyon. Kasi may kumagat na langgam sa siko ko kaya yun napatigil yung moment na mangyayari sana.

######
Guys yan muna ang update ngayon...

Pagod kasi ako...

Comment at vote na din pag may time.

Salamat.

Keep in touch for the next update!

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon