Chapter 8

250 7 0
                                    

Jade POV

Matapos ang klase kay Ms. Shah ay bakante kami ng dalawang oras. Break time kasi ang susunod.

Inaayos ko na ang gamit ko nang magsalita ang katabi ko.

"Uhm...hi!" Bungad niya.

"Hello" agad ko naman na sagot.

"So ikaw nga yung nakabangga ko sa dorm noo"

"Yup..buti naman at namumukhaan mo ako" sagot ko.

"Oo..by the way I'm Eljean but you can call me Ejay na lang" pakilala naman niya.

"Okay di na ako magkilala kasi narinig muna kanina" sagot ko.

Tumango na lang siya.

"San ka pupunta ngayn? 2 hours vacant tayo?" Tanong ni Ejay.

"Gusto ko munang umuwi sa dorm" sagot ko.

"Would you mine kung yayain kitang kumain sa canteen at magkwentuhan lang saglit?" Yaya niya.

"Sige okay lang" maikli kung sagot.

Kaya ayan dumiretso na kami dito sa canteen. Pagpasok namin ay napatingin ang mga babae sa aming dalawa. Syempre, may kagwapuhan naman ako pero sad to say iba ang taste ko. Si Ejay naman, gwapo rin at pang model ang dating.

Dumiretso agad siyang nag-order. Sabi niya kasi kanina nung naglalakad kami papuntang canteen ay siya na daw ang bahala kaya hinayaan ko na lang.

Ang ginawa ko lang ay naghanap ng bakanteng table at meron naman pero sa sulok na bahagi. Maya-maya dumating na si Ejay na dala ang meryenda namin.

"Lets eat" aya niya at umupo sa harapan ko.

Habang kumakain kami ay dami naming pinag-usapan.

"So ilang taon ka na?" Tanong niya.

"17. Ikaw?" Balik kong tanong.

"18 na" sagot naman nito.

Ang dami pang tinanong nito. Para nga job interview ang ginawa sa akin. Minsan di ko pa sinasagot ang tanong niya na iba kasi paulit ulit lang naman pero infairness masarap kausap.

"Sa dorm ka tumitira di ba?" Paiba niyang tanong. Tumango na lang ako.

"Saan building yung ordinary or deluxe?"

"Sa deluxe ako"

"Deluxe?" Bigla niyang sigaw.

"Hinaan mo naman ang boses mo, nakakahiya oh nakatingin yung mga ibang student sa atin" sita ko.

"Sorry! Anong room?" Bulong naman niya. Ano naman to mas pinahina tuloy ang boses niya. Ang gulo din kausap.

"Sa DER 01" sagot ko.

"Wow! Magkalapit pala tayo" sa normal tone na.

"Bakit?" Taka kong tanong.

"Dun din ako sa deluxe dorm nakatira sa DER 05" sagot niya.

"Oh?" Sambit ko na lang. Akalain mo naman.

"Oo! And besides magkadorm na nga tayo, magclassmate pa. Swerte no" masaya niyang wika at ngumiti pa.

Nginitian ko na rin siya kasi naubusan na ako nang sasabihin bagkus ibinunton ko na lang ang kumain.

Matapos kumain ay bumalik na kami sa room pero may nakasalubong kaming dalawang babae.

"Hey, beki ka no?" Turo ng gurl sa akin na akala mo kung maganda. Di na lang ako umimik at pinatulan sila. Lalagpasan ko na sana pero si Ejay sinagot niya ang isa.

"Bakit? Anong problema niyo kung bakla man siya. Atleast maganda ang saloobin. Di tulad niyo na mapanghusga. Akala niyo naman kung maganda kayo" inis na sabi ni Ejay kaya hinila ko na siya dun papunta sa room namin.

Pagkaupo namin tinanong ko agad siya kung bakit sinumbatan niya yung isang gurl.

"Alam mo Jade, kahit ganyan ka wag kang magpapaapi lalo na kung alam mong ikaw ang tama" sagot niya.

"Ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko" komento ko sa sinabi niya.

"Ginawa ko yun dahil friend kita"

"Friend?" Tanong ko.

"Oo! Bakit ayaw mo?" Patanong din na sagot niya sa akin.

"Di naman sa ganun pero iniisip ko lang na baka mahuhusgaan ka rin nila kung palagi mo akong kasama" katwiran ko.

"Huwag mo nang alalahanin yun. At ano naman ang pakialam ko sa sasabihin ng iba" katwiran din niya.

"So you mean okay lang na kaibigan mo ako kahit bakla ako?" Tanong ko ulit. Malay mo nagbago ang isip.

"Oo naman! Alam ko naman na mabait kang tao at nung hayskul pa ako ay may barkada pa kaming katulad mo" sagot niya.

"At saka, ang saya kayang kasama ang mga kagaya mo. Ang galing magtawa" dagdag pa niyang sabi.

"Salamat ah. Akala ko wala akong makilala at makakaibigan na tulad mo na proud sa amin" sabi ko naman.

"Wag ka nang mag-isip ng ganyan. Di naman lahat kaming mga straight na lalake ay ikinahihiya namin ang barkada namin na katulad niyo" sagot nito at ngumiti sa kanya.

Di ko napigilan ang sarili ko at napayakap sa kanya.

"Sorry!" Agad kung paumanhin.

"Okay lang. Kaibigan mo nga ako" sabi naman niya at ngumiti.

Nginitian ko na lamang siya nang pabalik.

Ayan makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang next teacher namin. May pakilala portion na naman tulad sa naunang subject namin. Ganun halos ang nangyari sa first day namin. Pagpapakilala o di kaya naman ay nagpapakopya ng course syllaabus at yung huling major subject namin ay nagbigay agad ng assignment.

######
Comment and vote na.

Yung mga gustong magpadedicate just pm me or post sa wall ko.

Salamat guys...

Keep in touch for the next update.


Guyss..picture ni Ejay sa Gilid..Cute ba?

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon