Chapter 3

296 13 0
                                    

Jade POV

Kinabukasan ay nakabihis na ako. Ito na ang araw na pupunta akong mag-enrol.

"O heto ang pangtuition mo at saka pagdown ng boarding m6 kung sakaling makahanap ka kaagad" sabi ni nanay.

"Salamat nay" sabi ko naman sabay kuha ng pera.

"Kailan pala ang balik mo?"

"Baka bukas din nay pag nakaenrol na ako at makahanap ng titirhan" sagot ko.

"Sige mag-ingat ka nak"

"Oo nay. Mauuna na ako. Kuya punta na po ako" paalam ko pero di ako pinansin ng kapatid ko.

Paglabas ko nang bahay ay sakto naman na tumawag si Eman.

"Asan ka na?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Palabas na ako ng bahay at papuntang terminal ng bus" sagot ko.

"Ano sasakay ka ng bus?"

"Oo. Wala naman akong sariling kotse no"

"Huwag ka nang sasakay ng bus, sumabay ka na sa amin total ihahatid na nila ako" yaya niya sa akin. May sarili kasing sasakyan sina Eman.

"Huwag na kahiya naman sa mga magulang mo" tanggi ko.

"Asus kunwari ka pa. Okay lang kina papa. Sinabi ko na sa kanila"

"Basta ayoko" pilit ko pa rin na tanggi.

"Wala ka nang magagawa hinihintay ka na namin dito sa labasan"

Yun nga nakita ko na ang sasakyan na nasa labasan na at kitang hinihintay nila. Paglapit ko dun ay saka lumabas naman si Eman at ang mama nito.

"Tara sabay ka na sa amin" yaya ulit ni Eman.

"Okay lang ba yun tita?" Tanong ko naman sa mama niya.

"Aba iho, okay lang. Magbestfriend nga ang tatay mo at papa niya kaya parang anak na rin ang turing namin sayo" sagot ng mama ni Eman.

Sumakay na lang ako. Nasa backseat kami ni Eman. Magkatabi nakaupo habang ang mama niya ay nasa tabi ng papa nito na siya naman ang nagdridrive.

"Kumusta ka na Cj?" Tanong ng papa ni Eman sa akin. Cj kasi ang tawag nila sa akin. Short for my name.

"Okay lang naman po tito" nahihiya kung sagot. Sa totoo ang bait ng magulang ni Eman sa amin.

"Buti naman kung ganun at tignan mo naman na dun ka rin mag-aaral sa skul ni Eman" singit naman ni Eman.

"Bakit naman po?" Taka kong tanong.

"Para mabantayan ang anak namin. Alam mo naman na unico ijo namin siya" sagot ni tita.

Napangiti naman ako sa sinabi nila.

"San ka pala titira?" Eman asked.

"Ah...eh...maghahanap pa ako" sagot ko.

"Maghahanap ka pa?" Tanong niya ulit.

Tumango na lang ako.

"Ano na lang Cj kung gusto mo dun ka na lang sa dorm ng skul dun sa room ni Eman total kasya naman ng dalawa dun" alok ni tita.

"Ha...ah.." yun lang ang masambit ko.

"Pa, ma, okay lang sa inyo?" Tanong naman ni Eman.

"Aba syempre. Para na rin son ang turing ko kay Cj" sagot naman ng papa nito.

"Eh ikaw Eman okay lang ba sayo?" Tanong naman ng mama nito.

"Of course ma" masayang sagot ni Eman at ngumiti sa akin.

"Eh ikaw Cj, gusto mo bang tumira sa dorm kasama ang anak namin?" Tanong naman ni tita sa akin.

"Ah...sige po" tipid kong sagot. Di na ako tumanggi kasi bestfriend ko naman si Eman at inisip ko rin na mahirap ang maghanap nang titirhan sa Maynila lalo pa kung wala kang kakilala.

"Kung ganun okay na ang lahat. Pagpasensyahan mo kung medyo magulong kasama tong anak namin" sabi ni tito.

"Okay lang naman po tito. Kilala ko na yan kasi bestfriend ko" sagot ko naman sabay ngiti.

After that conversation medyo inidlip ko muna kasi apat na oras ang byahe. Kaya yun inilagay ko ang headset sa tainga ko at nakinig ng music saka ipinikit ang aking mata.

Naalimpungatan ako ng may yumugyog sa balikat ko. Pagmulat ko ay si Eman at nakangiti pa.

"Uhn...asan na tayo?" Tanong ko.

"Were here. Ang tagal mo kayang natulog kaya di ka namin inistorbo" sagot naman niya.

"Ganun ba? Sige baba na tayo" yaya ko naman saka lumabas sa sasakyan.

Paglabas ko ay bumunga sa akin ang two storey building na parang paaralan ang dating.

"Ito school dorm. Dito kayo titira ni Eman" sabi ni tita. Nahulaan naman siguro nito ang nasa isip ko.

Tumango naman ako. Nakita kong inilalabas na ni tito ang mga gamit ni Eman kaya tumulong na rin ako.

"Huwag na best ako na diyan. Sumunod ka na lang kay mama papunta sa room natin" tanggi ng Eman sa akma kong pagbuhat ng maleta. Kaya ayun sumunod na lang ako kay tita.

Pagpasok ko sa room ay namangha agad ako. Two rooms, may sariling kitchen, sala at banyo. Kung baga pang first class dorm.

"Ang ganda naman dito" sambit.

"Ano nagustuhan mo ba?" Tanong naman ni tita. Tumango naman ako.

Sakto naman na pumasok sina tito at Eman.

"Anong plano mo ngayon cj?" Tanong papa ni Eman sa akin.

"Kwan tito..mag-eenrol sana ako" sagot ko.

"Sige samahan na lang ikaw si Eman para madali kayong matapos at pagbalik niyo ay kakain na tayo" sabi naman ni tita.

Kaya ayun sinamahan nga ako ni Eman skul. Of course, mass com ang kinuha kong course. Matapos ang isang oras ay bumalik na kami.

"O tara na. Kain na tayo sa restaurant" yaya ni tita at pumunta naman kami.

Habang kami ay kumakain ay bigla akong nagtanong.

"Tita, tito, pano pala yung renta ng dorm?" Tanong ko.

"Wag mo nang alalahanin yun. Kami nang bahala dun" sagot naman ni tita at ngumiti pa.

"Pero nakakahiya naman po"

"Di ba sabi namin na parang brother na ni Eman ang turing namin sayo" sabi pa ni Tita.

"At saka ang gusto namin ay may magbantay at makasama ng anak namin" dagdag na sabi ni tito.

Kaya yun di na lang ako umimik at nagpasalamat ako sa kanila.

#########
yey...natapos na rin ang chapter na to....

Comment naman at saka vote para malaman ko kung nag-eenjoy kayo sa pagbabasa nito.

update for the next chapter.

Salamat.

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon