Jade POV
Nagsabay na kaming umuwi ni Ejay total magkadorm naman kami.
"Sino pala ang kasama sa room niyo?" Tanong niya.
"Yung bestfriend ko na nag-aaral din dito" sagot ko.
"Ah" sambit na lamang niya.
"Sige mauna na ako" paalam ko nung makatapat kami sa room namin.
"Geh" sabi naman niya.
Pagbukas ko nang pinto ay nadatnan ko si Eman na nanood ng t.v. Napalingon naman siya sa akin.
"Tapos na ang klase mo?" Tanong niya.
"Yup. Ikaw?"
"Oo kanina pa" sagot naman niya.
"Ang aga naman"
"Wala yung last period namin kami nagmeeting yung mga teacher" sabi naman niya. Tumango na lang ako.
Dumiretso agad ako sa aking kwarto at nagpalit ng damit saka lumabas. Dahil masyadong maaga pa naman para magluto ay tinabihan ko na lamang si Eman sa panonood.
"Musta ang first day?" tanong ko.
"Buti naman. Daming chicks" sagot nito. Inirapan ko naman siya sa sagot nito.
"Oh! What's that look?" Tanong naman niya nung mapansin niyang inirapan ko siya.
"Eh chicks agad agad ang inatupag eh first day pa lang" sagot ko.
"Ano naman masama dun. Binata ako at natural parte ng pag-aaral yun" katwiran niya.
"Tss" reaksyon ko na lang.
"Eh ikaw musta first day mo?" Tanong niya.
"Ganun maganda naman at saka dami ring gwapong classmate kong lalake" biro kong sagot. Di ko alam pero nadala rin ako sa pagsagot niya kanina.
"O tignan mo?" Reaksyon niya.
"Asan ang tignan ko?" Kunwari kong di gets ang sinabi niya.
"Tangers...ang sabi ko parehas din pala ang first day natin. Nagtitingin ng mga chicks" sabi niya.
"Tse...joke lang yun sinabi ko kanina" sabi ko.
"Kahit na pero ginawa mo pa rin yung maghanap ng chicks" sabi niya.
"Oo na!" Sang-ayon ko na lang para tumigil na pero totoo yun. Nag-observe din talaga ako ng mga gwapo kung classmate. Hahaha...ang harot ko...
"May nakilala pala ako at naging kaibigan ko siya" paiba ko.
"Oh?"
"Kadorm natin siya" dagdag ko.
"Buti naman kung ganun" komento naman nito.
Pagtingin ko naman sa orasan ay past five na kaya tumayo na ako.
"San ka pupunta?" Takang tanong niya sa akin.
"Sa kusina. Magluto" sagot ko. Ayun di na nagsalita. Ako naman ay nagluto na nang pang dinner. Maaga akong magluluto ngayon kasi may assignment pa akong gagawin.
Makalipas ang isana oras ay nakapagluto na rin ako nang tawagin ni Eman ang pangalan ko.
"Bakit?" Pasigaw ko kasi nasa kusina pa ako.
"May naghahanap sayo" pasigaw din na sagot nito.
"Sino?" Sigaw ko pa rin.
"Classmate mo daw" sagot niya.
Ayan pumunta na ako sa sala para tignan kung sino ang naghahanap sa akin. And oh! Si Ejay pala.
"Oh ba't naparito ka?" Bungad kung tanong.
"Yayain sana kitang gumawa ng assignment" sagot niya.
"Saan?"
"Dun sa garden may kubo naman dun kaya okay dun" sagot niya.
"And wait, Si Eman pala yung sinabi ko sayo kanina na karoom mate ko" pagpakilala ko kay Ejay si Eman na kanina pa di umiimik at nakikinig sa pag-uusap namin ni Ejay.
"Eman, si Ejay pala. Yung ikwenento ko sayo na nakilala ko kanina na kaibigan ko" pagpakilala ko naman kay Ejay kay Eman.
"Hi bro" bati ni Ejay kay Eman. Saka inilahad ang kamay nito.
Ngumiti naman si Eman na Parang napipilitan saka nakipagkamay kay Ejay.
"Sige hintayin mo lang ako dito Ejay. Kunin ko lang ang notes ko" pagpaalam ko saka iniwan ko naman yung dalawang lalake sa harapan at dumeretso na ako sa kwarto ko para kunin ang gamit ko.
Pagbalik ko ay inaya ko si Ejay. Syempre nagpaalam naman ako kay Eman. Pumunta kami sa garden. May kubo naman dun kaya dun kami gagawa ng mga assignment.
Inilabas naman ni Ejay ang laptop niya at nagsimula nang magresearch. Ganun din ako. Inilabas ko rin ang netbook ko ang nagresearch din of course free wifi ang school namin at dorm.
Matapos ang 30 mins. ay medyo pagod na ako sa kababasa ng mga article kaya sumandal saglit ako sa upuan.
Ngayon ko napagtanto na mahirap talaga ang college life. Hahaha...
"Pagod ka na?" Tanong ni Ejay sa akin. Tumango ako saka ipinikit saglit ang mata ko kasi feeling ko, nagkaeyestrain na rin ako.
"Sandali lang hah" sabi niya.
"San ka pupunta?" Tanong ko pero nakapikit ang mata ko. Walang sumagot sa akin kaya iminulat ko ang aking mata.
Napansin kong wala si Ejay pero meron naman yung mga gamit niya.
San kaya nagpunta yun? Siguro umihi lang sa isip ko. Itinuloy ko ulit ang pagresearch pero 5 minutes na ang nakalipas ay di pa bumabalik si Ejay.
Nag-alala na ako at di ko alam kung anong iisipin ko. Tatawagan ko sana pero di ko pala alam ang number niya.
"Asan na kaya yun? Bakit iniwan niya ang gamit niya dito?" Bulong ko at saka tumayo para hanapin siya pero bigla naman itong sumulpot sa kung saan-saan.
"Saan ka ba galing?" Nag-alala kong tanong.
"Dun sa canteen bumili ng meryenda natin" sagot na.
"Sorry kung pinag-alala kita" pagpaumanhin niya.
"Next time magpaalam ka naman" sabi ko naman.
"Sige at kunin ko na lang number mo para tawagan kita" sabi niya. Kaya ibinigay ko agad ang number ko.
"Tara magmeryenda muna tayo saka ipagpatuloy ang ginagawa natin. Alam kong napagod ka na" yaya niya.
"Salamat ah" sabi ko na lang.
"Saan?" Tanong niya.
"For this. Next time ako naman ang manglibre sayo" sagot ko.
Ngumiti na lang siya at ganun din ako saka sinimulan ang paglatak sa pagkain.
#####
yey...done na ang chapter na to.Comment and vote naman...
Salamat guys sa patuloy niyong pagbabasa nito.
Keep in touch for the next update...
BINABASA MO ANG
Unfulfilled Promises: Gay Romance Story
Teen FictionSiya si Jade. Lumaki sa pamilya na ayaw matanggap ng kuya niya dahil sa pagkamatay ng ama nila. Kahit sa ganun, mayroon naman siyang kaibigan na si Eman na nang-iinis sa kanya pero minsan nagpapasaya sa kanya. Sa kabila nito, nakaramdam siya ng pagt...