Jade POV
Pagbukas ko nang pinto ng bahay ay gulat ang aking nanay. Gabi nang makarating kami pabalik. Oo sumabay na akong bumalik sa magulang ni Eman nung pauwi nila total tapos ko nang mag-enrol at okay na ang lahat.
"Bat andito ka agad? Akala ko bukas pa ang balik mo?" Nagtataka tanong ng aking nanay.
"Nay, sumabay na ako sa magulang ni Eman pabalik kasi inihatid nila siya" sagot ko at ngumiti.
"Ganun ba? Nakapag-enrol ka na ba?"
"Opo nay at wag na kayong mag-alala okay na ang lahat" sagot ko.
"So kailan ang start ng class niyo?"
"Sa susunod na araw nay kaya babalik na rin ako bukas"
"Agad? Di ka ba nakapag-impake?" Takang tanong ng kanyang ina.
"Damit ko lang naman ang iimpake ko" sagot ko.
"Ha? Eh yung mga gamit pang bahay? Yung kalan mo?"
"Huwag na nay, sa dorm naman ako mag-stay at kompleto na dun ang gamit bahay" sagot ko.
"Hays buti naman" sambit na lamang aking nanay.
"Sige nay, iwan ko muna kayo at mag-impake muna ako" paalam ko. Tumango naman ang aking ina.
Ayan nailagay ko na lahat amjg mga importanteng gamit at damit ko sa maleta. Ready to go na lang.
"Anak kain na" yaya ng aking ina nung pumasok sa kwarto.
"Sige nay sunod na ako" sagot ko naman.
Pagbaba ko ay nandun na sa harapan ng mesa sina Kuya Bj at inay. Nagulat pa nga siya nung makita ako.
"Akala ko ba bukas yan babalik" sabi ni kuya Bj sa kanilang ina.
"Bakit kuya, miss mo na ako?" Biro ko.
"As if. In your face" asik niya at tinignan niya ako ng masama.
Matapos kaming kumain ay ako na ang nagligpit at naghugas. Matapos yun ay pumanhik na ako sa taas at natulog. May biyahe pa kasi ako bukas.
Kaumagahan ay nagising ako sa katok ng pinto. Pagtingin ko sa orasan ay alas otso na pala. Oh god! Kailangan maaga pala akong makarating sa Maynila para makapagpahinga.
Binuksan ko agad ang pinto at tumambad sa aking harapan si Nanay. Pumasok ito sa aking kwarto. Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya sa gilid ng kama.
"O anak pagbutihin mo ang pag-aaral mo" bilin ng aking ina.
"Opo nay"
"Tawag ka lagi sa amin kung may kailangan ka" bilin pa ng aking ina.
Tumango na lang ako. Matapos magbilin at ibinigay ang allowance ko ay lumabas na sa aking kwarto. Yan taranta na akong naligo at nagbihis.
Binuhat ko na ang aking maleta at saka nagpaalam kay nanay. Sakto naman na lalabas sa pinto ng bahay ay nakasalubong ko ang aking kuya. Magpapaalam sana ako pero linagpasan ako at dumeretso sa kanyang kwarto. Bumuntong hininga na lang ako.
Nasa loob na ako ng bus at kasalukuyang tumatakbo ng tumawag ni Eman sa akin.
"O bakit?" Bungad kong tanomg.
"Asan ka na?" Patanong din na sagot.
"Nasa kalagitnaan ng byahe papunta diyan" sagot ko.
"O sige. See you son" sabi niya saka nag-good bye.
Ayan matapos akong makipag-usap sa kanya ay natulog na ako. Nagising na lang ako nung nagsalita yung konduktor na nasa cubao na kami. Inihanda ko na ang sarili ko dahil malapit na kaming bababa.
After 12345 years, nakarating na kami sa terminal. Kinuha ko ang karga ko saka pumara ng taxi. Agad naman akong nagpahatid sa Wilford dorm.
Pagbaba ko ay agad kong tinungo at room namin. Syempre gusto ulit magpahinga. Wala pa kasi akong sapat na pahinga.
...boogsh...
Yan may bumangga sa akin kaya napaupo ako sa floor. Pagtingin ko sa bumangga sa akin...ay...isang gwapong nilalang.
"Bro, are you alright?" Tanong lalake.
Tumango na lang ako saka inalalayan naman niya akong tumayo.
"Sorry bro ah, nagmamadali kasi ako" paumanhin niya saka nilagpasan ako na nakatayo dun.
Ipinagpatuloy ko na lamjg ang paglakad hanggang makarating ako sa room namin. Kumatok muna ako at ng magbukas...
"Best" sigaw ni Eman sabay yakap sa akin.
"Bitiwan mo nga ako" sagot ko naman.
"Ito naman kararating lang. Bad mode agad"
"Pagod ako Em kaya I need rest"
"Sige ako nang magbuhat diyan" alok niya at inagaw sa aking kamay ang maleta.
"Sana nagpasundo ka na lang sa terminal" suhestiyon pa niya.
"Ayaw ko naman na gambalahin kita" sagot ko saka nahiga sa sofa.
"Bat diyan ka matutulog?" TAkang tanong ni Eman.
"pagod pa ako at di ko pa naayos ang kwarto ko"
"Dun ka muna sa kwarto ko matulog. Manonood ako ng NBA"
Kaya tumayo na ako at pinuntahan ang kwarto niya. Yung kwarto namin ay deluxe executive room kaya kompleto ang gamit kaya wag na kayong magtaka. Sosyal eh.
Of course meron din yung ordinary room sa dorm pero sa kabilang building yun.
Pagkapasok ko sa kwarto ni Eman ay napansin nakaayos na siya ng gamit. Kaya hinubad ko ang aking sapatos pati na rin ang aking damit saka nahiga sa kama.
#########
Yan updated na...Comment and vote naman...
Salamat...
Follow me...
@denze47
BINABASA MO ANG
Unfulfilled Promises: Gay Romance Story
Teen FictionSiya si Jade. Lumaki sa pamilya na ayaw matanggap ng kuya niya dahil sa pagkamatay ng ama nila. Kahit sa ganun, mayroon naman siyang kaibigan na si Eman na nang-iinis sa kanya pero minsan nagpapasaya sa kanya. Sa kabila nito, nakaramdam siya ng pagt...