Chapter 21

210 8 0
                                    

Jade POV

Dinala ako ni Eman ngayon sa mall. Dito daw niya ako ipapasyal.

"Sweetie, san tayo unang pupunta?" Tanong niya sa akin. Oo! May endearment kami ngayon.

"Ha? Eh ikaw ang nagdala sa akin dito phie, kaya ikaw ang masusunod" sagot ko. Sweetie and phie ang tawagan namin.

"Manood na lang tayo ng movie" alok niya.

"Sige phie" sang-ayon ko. Kaya pumunta na siyang nakipila sa ticket booth.

Andito kami ngayon sa loob ng sinehan. Ang dilim. Of course! Expect na sinehan nga!

Horror ang pinili namin pero habang nasa kalagitnaan ng show ay sobrang natakot ako. Kaya ang ginawa ko ay isiniksik ko ang ulo ko sa katawan ni Eman para magtago at di ko makita ang pinapanood namin. Habang siya naman ay natatawa sa aking ginagawa.

Maya-maya ay niyaya na niya akong lumabas kahit di pa tapos ang show. Malamang ay nag-aalala siya sa akin. Hahaha!

"O bat lumabas na tayo?" Tanong ko.

"Eh kasi sweetie, di ka naman nanonood eh" sagot nito.

"Sorry phie, kasi di ako sanay na manood ng horror" sabi ko naman. Nagtapang-tapangan talaga ako kasi nga yun ang pinili niya kaya sumunod na lang ako.

"Bat di mo sinabi sweetie para iba na lang ang pinanood natin"

"Hayaan mo phie may ibang araw naman pa" sabi ko naman.

"O san ang susunod na lakad natin ngayon sweetie?" Tanong niya.

"Ano phie sa toysworld na lang tayo" masaya kong sagot.

Magkahawak kamay kaming pumunta sa toysworld at wala kaming pakialam sa mga taong nakakakita sa amin. Isipin nila ang gusto nila.

"Anong lalaruin natin sweetie?" tanong niya.

"Paramihan tayo ng points sa basketball phie" sagot ko.

"Game ako diyan sweetie" sang-ayon naman niya.

Shoot lang ako ng shoot. Matapos ang game ay tinignan ko ang score ko at natuwa naman ako.

"Oh ano sweetie? Ilan ang score mo?" Tanong niya.

"Ah eh...80" masaya kung sagot.

"Eh ikaw phie?" Masaya kong tanong. Napayuko naman siya kaya tinawanan ko pero nung tignan ko ang scoreboard ay ako naman ang napahiya.

"Oh ano sweetie, akala mo natalo ako" patawang sabi niya kaya iniripan ko lang siya. Ano lang naman 120 ang score niya.

"Hmp...dun na nga tayo sa kabilamjg game" naiinis kong sabi.
>>>>>>>>>
Matapos kaming magsawa sa paglalaro ay pumunta kami sa karaoke area ang nagkanta siya.

Namangha ako kasi ang ganda ng boses nito. Ang lambot at ang sarap sa tainga.

Inawit niya ang Stay with me.

Habang umaawit siya ay nakatitig ako sa kanya at di ko maiwasan ang mamangha sa taglay nitong kagwapuhan.

Nung matapos siyang kumanta ay napatingin din siya sa akin.

"Kanina ka nakatitig sa akin ah sweetie?" Tanong niya.

"Ah...ano ang gwapo kasi ng phie ko" sagot ko.

Ngumiti naman siya.

"Alam ko na yan sweetie" sabi naman niya.

"Hahaha....at naniniwala ka naman phie" biro ko.

"Diyan ka nga" tampo nito.

"si phie naman di lang mabiro..oo na gwapo ka na" pagbawi ko. Malay mo iiwan niya ako dun.

"Ang cute mo naman sweetie" sabi naman niya.

"Salamat phie" masaya kung tugon.

"Akala mo sweetie totoo yun?" Tanong niya.

"Tse!" Inis kong sabi kahit alam kung biro lang niya yun.

Aba tinawan niya lang ako kaya iniwan ko na siya dun pero hinabol niya ako.

"Sorry na sweetie, ang cute mo kasi pag naiinis ka" paumanhin niya.

"So ganun gusto mo na palagi akong naiinis?" Tanong ko. Tumango lang siya.

"Pero sweetie, cute ka naman" paulit niya.

"Oo na phie at tumigil ka na sa pang-iinis sa akin at magtatampo ako diyan" sabi ko naman.

"Pasensya na sweetie di ko kasi maiwasan kasi ang cute mo talaga"

Iniripan ko na lang siya kaya napatigil siya.

"Kain na tayo sweetie" yaya niya.

"Sige phie" sang-ayon ko kasi gutom na rin ako.

Naglakakad na kami papunta sa food court ng may malagpasan kaming store shop ng t-shirt.

Nakuha ng interes ko ang dalawang pares ng damit.

"Phie, ang ganda ng damit oh" sabi ko kay Eman.

Napatingin naman siya sa itinuro kung damit.

"Oo nga sweetie. Tara bilhin natin" sabi niya.

"Magkano po ang shirt na to?" Tanong ni Eman sa saleslady.

"700 po sir pero may free customized printing po" sagot ng babae.

Wow! Naman kahit mahal ang bayad ay binili pa rin ni Eman yung dalawa at tinanong niya sa akin kung anong ipapaprint namin sa t-shirt.

"Ah eh...wala akong maisip" sagot ko.

"Ikaw na lang" sabi ko pa. Kumuha naman siya ng papel at may sinulat dun saka binigay nito sa saleslady.

Naghintay lang kami ng ilang oras dun at nung inabot na sa amin yung damit. Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa foodcourt.

Habang hinihintay ko si Eman na umorder ay tinignan ko yung customized shirt at nagulat ako sa nakaprint dun. EMJADE ang nakatatak.

"Phie, bakit emjade yung nakatatak sa damit?" Tanong ko sa kanya nung dumating ito sa table namin na dala ang pagkain.

"Gangs natin yan" sagot nito saka inilatag sa mesa ang tray at umupo.

"wow! Ang galing mag-isip ng boyphie ko" puri ko.

"Syempre sweetie" sabi naman niya.

Matapos kaming kumain ay nagyaya na akong umuwi kasi napagod na ako.

"Pwedeng magkatabi tayong matulog sweetie?" Tanong niya sa akin with puppy eyes.

"Di pwede eh" kunwari kong tanggi.

"Bakit sweetie? ayaw mo pa rin ba na may katabi ka?" Nagtamtampo niyang tanong.

"Oo na phie, payag na ako para di ka na magtampo diyan" sabi ko.

"Yes!" Sigaw niya sa tuwa.

Nakahiga na kaming dalawa sa kanyang kwarto. Oo pinili ko ang kanyang kwarto na dun kami matulog. Nakayakap kami sa isa't isa.

"Sweetie?" bulong nito.

"Ano phie?" Tanong ko.

"Goodnight at I love you sweetie"

"Goodnight and I love you too my phie" sabi ko naman.

########
Yey! Nakapag-update na rin...

Tanong: sinong nakikilig sa team EmJade diyan?

Comment and vote na...

Salamat readers!

Next update ay di ko pa alam. Kung marami ang votes o comment ng chapter na to ay agad kung ipublish ang next chapter.

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon