Jade POV
Hi I'm Christian Jade Reyes pero mas kilala ako sa tawag na Jade dahil sa mga barkada ko at Classmate. Well, I'm 17 pa lamang at bagong gradaute ng hayskul.
"Bakla..bakla" sigaw ng mga bata sa eskinita namin nung naglalakad ako. Oo inaamin ako. Isa akong beki kasi nasa lahi namin yun. Minsan pa nga ang daming nagtataka na tao kung bakit daw ang dami ng mga baklang katulad ko sa mundo eh di naman tayo nanganganak? Hays...
Di ko na lang pinansin ang sigaw ng mga bata. Sanay na ako sa panlalait ng mga tao sa lugar namin sa akin. Immune na ata ako o manhid na sa mga pinagsasabi nila. Pero sa kabila ng lahat may mga magulang naman akong mapagmahal na umuunawa sa akin. Pero sad to say, patay na ang loving father ko at yung isa kong kapatid na lalake na mas nakakatanda sa akin ay galit sa akin dahil sinisisi niya ako sa pagkamatay ni itay.
Kaya ngayon...naglalakad na ako papunta sa alma mater namin para kunin ang mga requirements ko para mag-aral sa kolehiyo.
"Hays...nasan na kaya si Jane?" Bulong ko sa aking sarili habang ako ay naglalakad. Si Jane ang Bff ko. Siya lahat ang nakakaalam ang sikreto ko sa buhay.
"Ah...ah.." bigla akong napasigaw kasi may nagtakip sa mata ko na di ko namalayan.
"Sino ka?" Tanong ko. Syempre nakatakip pa yung kamay niya sa mata ko.
Di sumagot at tumawa lamang saka tinanggal ang kamay niya sa aking mata. Paglingon ko.
"Eman?" Gulat kong sabi.
Napatango lang siya at ngumiti sa akin pero hinampas ko ang balikat niya.
"O bakit?" Taka niyang tanong.
"Anong baket? Eh tinakot mo ako" inis kong sagot. Totoo naman yun. Akala ko pa nga katapusan ko na.
"Sorry gusto lang kitang sorpresahin"
"Tse...sorpresahin mo ang mukha mo" inis ko pa rin."Sorry na best" paulit niya with puppy eyes pa ah.
"Sige na nga next time wag mo nang gawin yun" sabi ko naman.
"Yes!" Sigaw niya at yinakap ako. Aba! Anong nakain nito? Bat ganyan ngayon siya? Hayss..
"San ka pala pupunta?" Tanong niya.
"Sa skul kukunin ko lang ang mga requirements ko para sa enrollment sa college" sagot ko.
"Ha? Di ka pa nakapag-enrol?" Taka niyang tanong.
"Malamang? Kaya nga kukunin ko muna ang mga requirements ko. Mag-isip ka nga" inis kong sagot saka lumakad ng mabilis. Nakakastrike two na siya ah.
Ah...by the way...si Emanulle Dave Gonzaga o Eman ay barkada ko yan simula elementary kami kasi magbestfriend ang tatay niya at tatay ko kaya ganun ang closeness namin. Parang magkapatid ang turingan namin. Siya pa nga ang tagapagtanggol ko kapag may nanlalait sa akin. Breadwinner sa pamilya nila dahil nag-iisang anak.
"Uy best bat ang bilis mong lumakad? May masama ba akong sinabi?" Tanong niya sabay habol sa akin.
Di ko pinansin at sinagot. Mas binilisan ko pa ang paglakad pero bigla niyang hinugot ang kanang kamay ko kaya napaatras ako at sumandal sa katawan niya.
Napatingin naman ako sa kanya at ganun din siya. Nakangiti pa. Oo, pagtingin ko sa mukha niya maaliwalas. Gwapo si Eman. Kulay filipino ang balat. Katamtamang ang laki ng katawan at taas nito.
"Uy! may dumi ba sa aking mukha?" Bigla niyang tanong. Napatulala pala ako habang minamasdan ang mukha niya. Hay....nakakahiya naman.
Imbes na sagutin ko ay bumuntong hininga na lang ako.
"O may problema? Kanina ka pa nakatitig sa mukha ko. Don't tell nagwagwapuhan ka sa akin?" Sabi niya. Alam kong biro yun pero binasag ko pa rin.
"Tse...ang kapal naman ng mukha mo no" inis kong sambit saka tumalikod at lumayo sa katawan niya.
"Aminin...nagwagwapuhan sa akin ang best ko" biro pa niya at kiniliti sa bewang.
"Tumigil ka diyan Eman kung ayaw mong magtampo ako sayo" sabi ko naman. Tumigil naman ito.
"Kunwari pa" mahina niyang sagot pero rinig ko naman.
"Anong sinabi?" Tanong ko.
"Wala...tara na baka di ko maabutan pa ang mga guro sa skul" sagot nito ang nilagpasan ako. Aba...biglang nag-change mood...
"Oh san ka pupunta? Akala ko ba tapos ka ng mag-enrol?" Tanong ko habang nasa likod niya ako.
"Oo pero gusto kitang samahan na kumuha ng requirements" sagot niya at saka hinintay ako para magsabay kami sa paglalakad.
"Hah? Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong ko. Malay mo baka makaabala pa ako.
"Wala. Bakit ayaw mo ba na samahan kita?"
Kunwari'y nag-iisip ako ng isasagot.
"Wag ka nang ma-isip. Tara na. Alam kong gusto mo naman akong makasama" sagot niya at hinila na niya ang kamay ko.
##########
Ayan guys...ang first chapter...sana nagustuhan niya.Do comment and vote na din...
Salamat!
Si Jade sa Picture..Cute ba?
BINABASA MO ANG
Unfulfilled Promises: Gay Romance Story
Fiksi RemajaSiya si Jade. Lumaki sa pamilya na ayaw matanggap ng kuya niya dahil sa pagkamatay ng ama nila. Kahit sa ganun, mayroon naman siyang kaibigan na si Eman na nang-iinis sa kanya pero minsan nagpapasaya sa kanya. Sa kabila nito, nakaramdam siya ng pagt...