Jade POV
Iminulat ko ang aking mata. Napangiti ako habang inaalala ang nangyari kagabi. That is the first time na papatol ako sa kapwa ko. Pero okay lang kasi mahal ko naman yun.
Wala na sa tabi ko si Eman.
Hays...ang aga naman nagising yum..isip ko. Bumangon na ako at nagderetso sa banyo pero nung malagpasan ko ang kusina ay wala dun si Eman.
Nagbanyo na lang ako at ng lumabas ako ay napansin kung walang senyales na nagluto si Eman.
San kaya nagpunta yun at ang aga nagising? Biglang akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko.
Nagmamadali akong tinungo at silid niya at nagulat na lang ako kasi wala na dun ang mga gamit niya. Binuksan ko ang cabinet nito pero wala na talaga ang mga damit nito.
No! This can't be happening. Nanaginip lang ako. Pero...no! Di ko napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako saka tinawag ang pangalan nito.
Tumakbo ako palabas na umiiyak. Sigaw lang ako ng sigaw sa pangalan niya at wala akong pakialam sa mga nakakakita sa akin.
Hanggang naramdaman ko na may humawak sa sa balikat ko. Napalingon ako sa kanya at mas lalo akong napahagulgol.
Bigla niya akong yinakap at pinapatahan. Bumalik kami sa room pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Ejay, sabihin mo sa akin na di totoo ang lahat. Sabihin mo na nanaginip lang ako" iyak ko. Pero di siya sumagot. Nakita ko na naaawa na siya sa akin kasi kahit anong pagtahan niya sa akin ay di pa rin ako tumitigil.
"Sabi niya di niya ako iiwan. Sabi niya di kami magkakahiwalay" patuloy ko.
"Pero sabi-sabi lang pala niya. Pinaasa niya lang ako" iyak kong sabi.
"Manloloko siya" dagdag ko pang sabi.
"Siguro Jade, may rason siya" sabi ni Ejay.
"Ano bang sinasabi mo? Siya pa ang kakampihan mo sa kabila ng lahat na ginawa niya sa akin"
"Wala akong kinakampihan. Sinasabi ko lamang ang alam ko. Siguro ginawa niya yun dahil mabigat siyang rason" sabi na naman ni Ejay.
"Kung ganun bakit di niya sinabi sa akin? Iintindihin ko naman siya" sumbat ko.
Di na nagsalita ang kasama ko ngayon.
"Ang sabihin niya, niloko niya talaga ako" iyak ko pa.
"Huwag kang mag-alala Jade kasi andito ako at handang tumulong sayo ngayon" sabi na lamang niya.
At mas napahagulgol pa ako sa mga narinig ko. Sa kabila ng lahat na nagawa ko kay Ejay ay andun pa rin siya sa tabi ko na sandalan ko sa pinagdadaanan ko.
Ang masakit pang isipan ay ang saya-saya namin kahapon. Yung pinagsaluhan namin kagabi yun ay last na palang mangyari. Kaya pala nangyari yun kasi ito ang kapalit ng lahat.
Eman POV
Sakay na ako ng eroplano papuntang amerika kasama sina papa at mama. Matapos akong kausapin ni papa kagabi ay nakapagdesisyon na ako.
"Pa, di ko kayang iwan si Jade. Mahal ko siya" matapang kong sabi.
"Mahal? Kung mahal mo siya iiwan mo para sa ikakabuti niya" galit na sabi ni papa.
BINABASA MO ANG
Unfulfilled Promises: Gay Romance Story
Teen FictionSiya si Jade. Lumaki sa pamilya na ayaw matanggap ng kuya niya dahil sa pagkamatay ng ama nila. Kahit sa ganun, mayroon naman siyang kaibigan na si Eman na nang-iinis sa kanya pero minsan nagpapasaya sa kanya. Sa kabila nito, nakaramdam siya ng pagt...