Jade POV
Matapos sabihin yun ni Ejay sa akin na pagmamahal na nga ang nararamdaman ko kay Eman ay pilit ko pa ring tinatanggi kasi ayaw kung lumalalim pa yun dahil ayaw kong masaktan.
Pero nagkamali ata ako kasi sa bawat araw na linalaban ay patuloy rin akong nasasaktan. Araw-araw kasi lagi silang magkasama na naghaharutan at napakasaya habang ako ay umiiwas para di ko masaksihan.
Minsan napansin pa ito ni Eman na umiiwas ako pero tinatanggi ko na marami akong kailangang gawin. Parang nawawalan na din ng time ang friends naming dalawa.
Oo! Aaminin ko na mahal ko nga si Eman more than just friend pero takot akong umamin kasi kita ko kung gaano kamahal ni Eman ang Gf nito na mahal na mahal niya si Jen.
Kahit masakit, kailangan ko tong tanggapin na kaibigan lang talaga ang turing ni Eman sa akin. Na isa lamang akong bakla at kaibigan lang niya ako.
Isang buwan na rin ang nakakalipas at ganun pa rin ang takbo ng buhay ko. Mas palagi kung kasama si Ejay kaysa si Eman. Alam niyo naman ang rason di ba. Minsan nagbobonding din kami ni Eman pero di na ito yung dati. Parang may konting kulang na kasiyahan kapag kami ay nagkakasama.
Isang hapon nung pumunta ako sa library para magresearch sa project namin ay may nalagpasan akong vacant room.
Nag-iisa akong naglalakad kasi di ako sinamahan ni Ejay. May lalakarin siyang iba.
Deretso akong naglakakad at yun nga may nalagpasan akong vacant room bago ang library pero bago ko pa malayuan ay may narinig akong parang may nag-aaway sa loob. Magkasintahan nga ata.
Di ko sana bigyan ng pansin yun pero narinig ko ang sinabi ng babae na nagpahinto sa aking paglakad at nakinig sa kanilang usapan. Of course! Di nila ako nakita.
"Mahal pa rin kita. Yung Eman na yun ay pinaglalaruan ko lang yun dahil naibibigay niya lahat ng gusto kong gamit" sumbat ng babae sa loob sa kausap nito.
Napaisip ako. Sino kaya ang tinutukoy ng babaeng ito na Eman? Hmp...baka kapangalan niya lang.
Aalis na sana ako nung lumabas ang gurl sa loob at laking gulat ko at pati rin yun babae na makita ako.
Si Jen. Ang babaeng gf ni Eman at siya ang nagsabi nun kanina. Nakita kong namula siya at nauutal pang tanungin ako.
"Kanina ka pa diyan?" Nauutal niyang tanong babaeng harot na ito sa akin.
"Hah? Di eh, napahinto lang ako kasi kinakalkal ko yung phone ko kanina dito sa bag ko" kunwari kung sagot at linagpasan siya.
Dumeretso na ako sa library at nagresearch. Pero halos tatlumpong minuto na ang nakakalipas ay di ako makaconcentrate kasi iniisip ko pa rin yung narinig ko na sinabi ng manlolokong babaeng yun.
Isa lang ang nabuo kung konklusyon, kailangan malaman ito ni Eman kasi di siya bagay sa gold digger na babceng yun. Oo tama! Kailangan na mahadlangan na ang kahibangan ng babaeng yun para di pa masaktan si Eman.
Agad kung ibinalik ang aklat sa shelves at nagmamadaling umuwi sa dorm.
Pagbukas ko ng pinto ng room namin ay bumungad sa akin ang galit na mukha ni Eman na nakatingin sa akin. Napakaba tuloy ako.
Magsasalita sana ako pero naunahan niya ako.
"Anong bang pinagsasabi mo kay Jen?" Galit na tanong niya sa akin.
Ako naman ay nagulat sa tanong nito. Di ako agad nakasagot.
"Di kita maintindihan" sagot ko. Totoo naman yun. Di ko maintindihan ang tanong nito kasi di ko naman nakakausap ang manlolokong babaeng yun.
"Huwag ka nang magkunwari. Kaibigan kita pero sinisiraan mo ako sa gf ko" galit niyang sagot.
"Ano? Di ko nga nakakausap yung babaeng yun" katwiran ko.
"Talaga? Ang galing mo talagang magsinungalin no. Bukod sa sinabi mong pinatulan kita ay di mo pa aaminin ang ginawa mo" sigaw niya.
Ano? Yun ang sinabi ng haliparot na babaeng yun? aba! Siya ata ang sinungalin at gumagawa ng kwento.
"Di totoo yan. Eh siya nga ang nagsisinungalin sayo eh. Akala niya di ko alam ang lihim niya tungkol sayo na di ka niya mahal at yaman lang ang habol niya sayo" sumbat ko rin pero mas nagalit ang mukha nito nang marinig ang sinabi ko.
"Tignan mo ang galing mo talagang manira" sabi niya sa galit nitong boses. Nakita ko ang nakayukom nitong kamao.
Takot at kaba ang naramdaman ko pero bigla niya akong iniwan dun.
Nagsimula ng pumatak ang luha sa aking mata. Di ko kasi matanggap na di niya pinaniwalaan ang mga sinabi ko at mas pinaniwalaan pa ang manlolokong babaeng yun.
Lumabas na rin ako at nagpunta sa garden. Dun ko kasi inilalabas ang sakit na nararamdaman ko pag ako ay nalulungkot kasi tahimik.
Patuloy ang pag-agos ng luha sa mata ko ng may magsalita sa likuran ko.
"Wag ka ng umiyak. Nandito ako at handang makinig sa mga problema mo" sabi niya.
Base sa boses ay alam kung si Ejay yun. Bakit ganun pag nalulumbay ako ay andiyan sa agad para alalayan ko. Na handang umunawa sa mga kwento ko kahit paulit ulit.
Lumingon ako sa kanya at napayakap na lang. Ibinuhos ko sa pag-iyak sa likuran niya habang tinatapik ang likod ko.
Matapos mapatahan niya ako ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at umupo uli. Tumabi naman siya.
"Anong bang problema?" nag-aalalang tanong niya.
Huminga muna ako ng malalim bago ko isinalaysay ang lahat. Yung tungkol sa pagkaalam ko sa lihim ni Jen at ang pag-away namin ni Eman.
Malungkot siyang tumingin sa akin pero maya-maya ay ngumiti rin sa akin.
"Huwag kang mag-alala, naniniwala ako sa mga sinabi mo" ngumiti pa siya habang nakatingin sa akin.
"Salamat" tugon ko naman.
"Salamat dahil laging andiyan ka na nagpapasaya sa akin tuwing ako ay nalulungkot" dagdag kong sabi.
Mas lumapad pa ang ngiti nito ay yumakap sa akin.
###########
Yan guys....sana magustuhan niyo ang chapter na ito.Tanong: magkakasundo pa kaya sina Eman at Jade?
Comment and vote na...
Salamat sa patuloy niyong pagtangkilik dito.
Abangan ang susunod na chapters...
BINABASA MO ANG
Unfulfilled Promises: Gay Romance Story
Teen FictionSiya si Jade. Lumaki sa pamilya na ayaw matanggap ng kuya niya dahil sa pagkamatay ng ama nila. Kahit sa ganun, mayroon naman siyang kaibigan na si Eman na nang-iinis sa kanya pero minsan nagpapasaya sa kanya. Sa kabila nito, nakaramdam siya ng pagt...