ika-apat na kabanata.

59 10 14
                                    

Brigitte

Hindi ako nakapasok ngayon sa school. Peste kasi eh, ngayon pa ako nagkasipon at ubo. Dahil ata 'to kahapon nung nabasa ako sa tricycle ni Aldwin.

"Hoy Biya! Maiwan ka na namin ha. Papasok na kami. Yung gamot mo nasa table na sa kusina, may pagkain na rin dun. Bumangon ka na jan." Sigaw ni Mami Cha saken mula sa labas ng kwarto ko.

Nakita ko yung 3310 kong cellphone sa gilid ng kama kaya naisip ko na itext si Taehyung, punyeta yun hindi ako sinipot kahapon.

To V :
Punyatera kang alien ka! Di ka sumipot kahapon. Ilang oras akong nag-antay sayo.

sent!

Nakalipas ang ilang minuto, hindi pa ren nagrereply si V kaya nagtwitter muna ako.

SHET. Nag-tweet si Marlou bebe ko!

@ MarlouYanz : Kung sino man yung babaeng bumato saken sa hallway, humanda ka saken kapag nakita kita!

100k retweets. 2m favorites.

SHET ulit. Naalala ko yung nabato ko siya kahapon. Buti nalang at hindi ako pumasok ngayon kung hindi lagot ako. Hindi pa ako tapos kabahan ng biglang nagtext si Taehyung.

From V :
Sorry. Nakita ko kase si Aly kahapon nakahandusay sa kalsada kaya dinala ko sa ospital nakatulog lang pala. Bawi nalang ako ngayon. Di nga ako pumasok sa school para matuloy yung lakad natin eh. Sorry talaga.

Hmmm. Pwede rin. Di naman ako mabibinat neto diba? Tsaka wala rin naman akong gagawin maghapon dito sa bahay.

To V :
Okay sige. Sa MOA nalang tayo magkita para malayo sa school. Baka may makakita saten na teacher eh. Wag mo rin kalimutan magdala ng pangdisguise baka awayin ako ng mga alaga mong hipon. Maliligo lang ako. Kitakits!

sent!

Hindi ko na sya inantay magreply at dumeretso na ako sa banyo.

Kim Taehyung / V

Hindi ako pumasok talaga ngayon para makabawi kay Biya. Tsaka para mapagusapan na rin namen yung Oplan Kuha Pirma ni Marlou niya.

Makaligo na nga rin.

Marlou

Pupunta ako ngayon sa MOA dahil sa isang emergency. Nakalimutan kong bumili ng black ballpen for school. Habang naglalakad na ako papasok ng entrance, may namukhaan akong babae. Yung bumato saken ng libro. Napangiti tuloy ako na parang asong ulol. Lagot ka sakin ngayon. Nilapitan ko siya.

"Hoy babae!" Pasigaw ko na tawag sa kanya. Bigla naman siyang nanigas at napatitig saken.

"M-Marlou bebe ko ikaw ba yan? Ako ba yung tinawag mo?" Ano?! Marlou bebe ko?! Kadiri naman 'tong babaeng 'to. Makapagmura wagas.

"Anong Marlou bebe ko?! Baka akala mo makakalimutan ko yung pagbato mo sakin sa hallway!" Pasigaw na sabi ko sa kanya.

Sasagot na sana yung babaeng octopus sa harap ko ng biglang may umakbay na lalaking may bonet at face mask. Shet holdaper ata 'tong dalawang 'to. Aalis na ako baka mamaya makidnap for ransom pa ako dito kaya dali-dali akong tumakbo palayo.

Pasakay na sana ako sa pedicab ko ng may nasalubong akong babae na umiiyak sa tabi ng basurahan. Kaya nilapitan ko na kawawa naman.

"Miss?" Tanong ko habang kinalabit siya.

Nagulat ako nung tumingala siya saken. Grabe. Ngayon lang ako nakakita ng taong mukhang betlog. Joke. Maganda naman siya kaso may sipon na green siyang tumutulo.

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon