ika-labing isang kabanata.

44 7 2
                                    

REAN PUTEK KA PARA SAYO 'TO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Rian

Umalis na kami dito sa bahay na tinutuluyan namin kasi nagplano pala si Jisoo at Delyn na may gala kami ngayo. Pero hindi namin kasama si Yhan at Namjoon may sariling date kasi. Tsk. So malapit na kami sa pupuntahan namin.

"Mag-ayos na kayo, malapit na tayo." Sabi ni Jisoo.

Tulog pa rin 'tong si Bogart sa tabi ko kaya ginising ko na.

"Hoy. Malapit na daw tayo. Gumising ka na jan." Pagtatapik ko sa pisngi niya pero ayaw pa rin gumising.

"Pag 'di ka bumangon jan hahalikan kita." Aba hindi talaga bumangon si gago. Alam ko naman gising 'to eh. Kunwari pa 'to. Tumalikod ako saglit sa kanya at nangulangot. Lumapit ako sakanya. Kala niya hahalikan ko siya ah? Mukha niya. Nung malapit na ako bigla kong pinahid yung basang kulangot sa daliri ko.

"Pu--- Ri naman! Bakit moko pinahiran ng kulangot?!" Pasigaw na sabi niya.

"Ano galit ka? Ayaw mo pa bumangon ha. Bagay sayo yan." Sabi ko at tinalikuran nagsuot na ako ng timberland kong sapatos na regalo ni Jungkook nung 7th birthday ko.

"Sabi mo kase i-kikiss mo 'ko." Kahit nakatalikod ako lam kong naka-pout 'tong gagong 'to.

"Umasa ka naman. Mag-ayos ka na jan malapit na tayo." Sabi ko nalang.

"Kiss mo muna ako." Sabi ni Bogart ngumuso pa talaga.

"Kiss mo pwet ko." Sabi ko umirap.

"Sige nga pa-kiss sa pwet mo." PUTA.

"Manyak!" Sigaw ko sa kanya at sinabunutan. Tawa naman ng tawa 'tong taong pandesal na'to.

"Nandito na tayo." Sabi ni Jin. Bumaba si Jin at ? Inalalayan si Airah? Kelan pa naging close 'tong dalawang 'to? Alam ba 'to ni Mami Cha? Tsk. Naiwas ang tingin ko ng akbayan ako ni Bogart.

"Akin na 'yang bag mo ako na mag-bibitbit." Kinuha niya ang bag ko pero di ko binigay.

"Mukha ka mang tagabitbit, boyfriend kita. Hindi kita sinagot para maging tagabitbit ko." Seryoso kong sabi sa kanya at agad naman siyang napangiti.

"That's my girl." Sabi niya at hinalikan ako sa kuko sa paa, buti nalang naka-tsinelas lang ako ngayon.

"Mamaya na kayo maglandiang dalawa jan!" Sigaw ni Hoseok samin. Ang layo na pala nila. Napansin ko naman ang katabi nitong si Jin na katabi si Airah. Napatingin naman ako kay Mami Cha na nakalayo sa kanila at kasama si Shannen at Ate Menze. May hindi ba ako nalalaman?

"Tara na." Hinawakan ni Bogart ang kamay ko at hinila na papunta sa kanila.

"Kain muna tayo?" Tanong ni Delyn. Takaw talaga neto.

"Puro pagkain talaga nasa isip mo." Sagot ni Marge. Nandito pala si Marge? HHAHAHHAHAHAHHAHA hindi ko napansin akala ko naiwan sa Manila.

"Andito ka pala Marge? Hahahaha." Sabi ko sa kanya.

"Dakyu." Minura naman ako ni Marge ang harsh talaga neto, porket hindi lang siya nagustuhan ni Dominic.

"Tara, kain muna tayo." Sagot ni Taehyung na katabi si Biya.

Nandito kami ngayon sa Mang A's Restaurant. Ang daming pagkain shet. Ang saya.

"Saan tayo next after kumain?" Tanong ni Yoongi.

"Magsarili-sarili nalang muna tayo. Tutal last day na 'to. Magsama-sama yung pareparehas ng pupuntahan para hindi na mahirapan pag makikita-kita na." Wow. Ang astig naman mag-suggest netong si Jisoo.

"Gusto mo lang masolo si Delyn eh." Pang-aasar ni Bogart.

"Erdi wow." Sagot ni Delyn.

Natapos na kaming kumain. Lumabas na kami para pag-usapan kung sino-sino ang magkakasama.

"Basta kami ni Rian. Bukod kaming dalawa ha. Una na kami. Bye. Text text nalang." At hinila naman ako ni Bogart.

"At sinong may sabing sasama ako sayo?" Sabi ko sa kanya.

"Ako." Sagot niya at kumindat pa putek. Mukhang manyak sa kanto.

Naglakad-lakad muna kaming dalawa at nakakita ng isang theme park. Gusto ko 'to. Alam ko kasing ayaw ni Bogart dito kasi takot sa mga rides. Tumingin ako sa kanya ng nakangiting braces.

"Rian. Sinasabi ko sayo. Alam ko yang mga tinginan at ngitian mong ganyan. Ang dami daming pwedeng puntahan na iba jan oh." Mukhang nagmamakaawa naman si Bogart.

"Aw kawawa naman ang Bogart ko. Pero hindi, sinama mo ako dito kaya ako pipili ng lugar." Nakapang asong with braces na akong ngiti ngayon.

"Rian naman." Sabi niya ng naka-sad face. Hah. Kala niya gagana sakin yang paawa face niya.

"San mo gustong sumakay na una? Roller coaster? Vikings? Ferris wheel? Ano pili ka na." Mapang-asar kong sabi sa kanya.

"Sasakay talaga tayo dito, Rian?" Naiiyak nyang tanong.

"Yes." Sagot ko ng nakangiti. "So, ayaw mo pa ata pumili. Ako nalang ang pipili. Sa roller coaster tayo!" Excited na dagdag ko at hinila ko na siya.

Bogart / Jimin

Ayoko talaga sa mga rides. Kung pwede lang itali sarili ko sa sahig ginawa ko na para hindi lang makasakay sa mga rides, pero wala eh ang lakas ni Rian hinampas ako kanina sa likod. Muntik na lumabas yung baga ko dun ah? Kung 'di ko lang talaga mahal 'tong si Rian sinipa ko na 'to sa private part niya para hindi na siya magkaanak, buti naalala ko ako pala yung magiging ama ng anak niya kaya hindi ko na tinuloy.

Eto na nga pasakay na kami sa last ride na sasakyan namin. Sa Ferris wheel, okay lang ako dito perilo takot ako sa height kaso nagkulang ako sa height. Kami na pala yung susunod na sasakay. Mygahd. Naiihi ako sa kaba. Biglang may humawak sa kamay ko, paglingon ko si CK! Joke. Si Rian at nginitian niya lang ako. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya. Eto gusto ko kay Rian, kahit sadista 'yan. Sweet siya pag walang nakakakita. Ayaw niya kasing ipakita sa iba yung kahinaan niya dahil natatakot siyang gamitin ito laban sa kanya. Kaya naman, sobrang ingat na ingat ako sa kanya because she's so fragile. Konting tusok mo lang sa weakest part niya pwede na siyang mabasag.

"Takot ka pa?" Tanong niya sakin nung gumalaw na ang ferris wheel.

"Oo eh." Sagot ko pero kunyari lang yon. Para hawakan niya yung kamay ko.

"Parang hindi naman eh, bibitawan ko na yang kamay mo." Sabi niya habang nakangiti. Hindi na ako sumagot. Bibitawan niya daw? Di naman niya binitawan eh. Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap.

"Anong pakulo naman 'to, Park Jimin?" Tanong niya habang nakasandal sa boobs i mean dibdib ko.

"Wala lang. Gusto lang kita yakapin." Sabi ko.

Nung nasa tuktok na kami biglang nagka-fireworks.

"I love you." Bulong ko sa kanya.

"Ano? Hindi kita marinig, ang ingay ng fireworks." Sabi niya na mejo pasigaw.

"Wala sabi ko ang hot ko." Sabi ko nalang.

"I love you too." Bulong niya. At napangiti ako.

Bumaba na kami ng ferris wheel at bumalik na sa pagkikitaan namin para sabay sabay umuwi. Dumating kami dun sa umiiyak si Ate Cha. Anong nangyari?

to be continued...

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon