ika-labing pitong kabanata.

54 8 18
                                    

Charoline

Umaga na. Pumunta na ako sa banyo para maligo. Uuwi na rin kasi kami eh. Napatingin ako sa salamin mukhang na-gangbang ng ipis yung mata ko. Hindi ata umuwi si Airah at Jin kagabi nauna na ata sa Manila. Magsama silang dalawa. Nakababad ako sa bath tub ng may sumigaw sa labas.

"Mami Cha! Dalian mo jan! Ikaw nalang inaantay namin!" Boses ni Shannen ang narinig ko. Umahon na ako at nagbanlaw. Sana wala sa dorm si Airah. Dahil hindi ko alam kung paano ko siya papakisamahan kung nandun siya at ang kapal naman ng mukha niya dumeretso dun matapos ng ginawa niya sakin. Nagbihis na ako at bumaba na matapos ako mag-ayos. Napatingin ako kay Hoseok dahil nakatingin siya sakin. Ngumiti siya sakin at nginitian ko rin siya ng tipid.

"Ang tagal mo naman mag-ayos." Pag-rereklamo ni Marge. Porket siya ang founder o octoberian baby ng team paquet.

"Eto na nga oh, tapos na diba?" Sagot ko naman sa kanya.

"Kumusta ka nga pala? Okay ka na ba?" Singit ni Sarang este Aly.

"Mukha ba akong okay?" Pabalang kong sagot sa kanya.

"Teka. Ano bang nangyari?" Naguguluhang tanong ni Ate Menze.

"Wala ka kasi kagabi. Busy ata kayo ni Yoongi." Pang-asar na sagot ni Namjoon.

"Makapag salita tong badjao na 'to, kala mo nandun din siya. Ang alam ko kasi magkasama kayo ni Yhan buong araw." Singit ni Yoongi.

"Tara na nga sa sasakyan. Nag-aaway pa kayo." Ani Jisoo at umalis na sila ni Delyn. Sumunod naman kami.

Si Biya at Taehyung? Nauna na rin sila sa Manila dahil tumawag ang nanay ni V kagabi. Nasa ospital daw ang kapatid dahil sa UTI.

Nag-simula na kaming bumyahe at nagulat kaming bigla dahil nag-preno si Jisoo.

"Anong nangyari?!" Pasigaw na sigaw ko.

"May babaeng biglang tumawid eh. Nahagip ko yata." Teka bababain ko lang. Bumaba naman si Jisoo. At tinulungan yung babae. Nasugatan ata yung babae kaya sinama ni Jisoo sa kotse.

"Nasugatan siya sa paa. Dalhin muna natin siya sa ospital." Ani Jisoo.

"Teka." Sabi ni Namjoon.

"Kate?!" Sabay-sabay na sigaw nung mga lalaki except kay Jisoo. Kilala nila yung babae? Oh kay. . .

"Kilala nyo siya?" Naguguluhan kong tanong.

"Ah oo." Sagot ni Jimin.

"Ex siya ni Jin. Bago maging kayo." Deretsong sabi ni Yoongi.

"Hyung!" Pasigaw na saway ni Hoseok.

Ano? Parang nabingi ata ako. Kakagalinh ko lang sa sakit kahapon. Eto na naman. Ex naman ni Jin ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Bakit hindi ko alam to? Bakit hindi sinabi sakin ni Jin to?

"A-ano? Ex ni Jin?" Mahinang tanong ko sa kanila. Wag kang iiyak, Cha. Kahapon ka oa umiiyak please lang. Maawa ka naman sa sarili mo. Sabi ko sa isip ko.

"A-ano kasi Cha, pano ko ba 'to sasabihin sayo." Ani Namjoon.

"Mas mabuti na siguro na kayo ni Jin nalang mag-usap. Wala ako sa lugar para magkwento sayo." Dagdag ni Namjoon.

Nandito na kami sa ospital at nakausap na namin ang doctor. Nasa loob pa si Kate dahil namamaga ang kanyang sugat. Baka mamaya pa siya makalabas.

"Sino ba si Kate? Anong klase siyang girlfriend ni Jin?" Tinanong ko pa ren kahit alam kong masasaktan lang ako. Ganun namab diba, parang mas gustong gusto pa ng tao masaktan.

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon