ika-labing apat na kabanata.

60 6 19
                                    

Brigitte

"Tara Biya, tayo nalang magsama." Nagulat ako sa sinabi ni V.

"I mean, tara tayong dalawa nalang umalis." Ahh. Buti nilinaw niya kung hindi iba iisipin ko.

"Ah okay. Tara na." Anyaya ko sa kanya.

"Una na kami ni Biya." Paalam niya dun sa mga natira dun. Hinila na niya ako ng tuluyan at nakalayo na kami.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Ako na bahala." Sabi niya at ngumiti.

Sumunod nalang ako sa kanya. Dahil parang alam niya kung saan kami pupunta.

"Ikot-ikot muna tayo." Ani V.

"Gusto mo kumain?" Dagdag niya pa.

"Kakakain lang natin, kain na naman?" Natatawa kong sagot.

Tinignan ko siya na para siyang hindi mapakali na ewan.

"May problema ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. "Ayaw mo ba akong kasama?" Malungkot na tanong ko sa kanya.

"Ano. Hindi sa ganun. Kasi. Ugh. Pano ko ba to ieexplain sayo. Basta mamaya nalang. Intayin mo." Ngumiti naman siya.

Biglang naman nagring yung cellphone niya.

"Uy, teka lang ah? Sagutin ko lang 'to." Paalam niya at mejo lumayo sa akin. Sino naman kaya yung kausap niya. Dinala dala niya pa ako dito wala naman pala siyang balak. Dapat sumama nalang ako kila Aly at Marge. Haynakom

Kim Taehyung / V

Kinakabahan ako ngayon. Hindi pa rin kasi tumatawag si Hoseok. Kinakabahan ako baka hindi matuloy yung plano namin ngayon. Baka masayang lang ang lahat ng effort na ginawa ko. Hindi pwedeng maudlot 'to. Tinanong ako ni Biya kung may problema ba ako. Gusto ko sanang sumagot ng "Oo! Malaking problema si Hoseok hindi pa tumatawag!"

Bigla naman nag-ring yung cellphone ko.

Calling Hoseok...

Sa wakas tumawag rin ang mokong!

"Uy, teka lang ah? Sagutin ko lang 'to." Paalam ko may Biya at mejo lumayo.

"Bakit ngayon ka lang tumawag?! Kanina pa ako nag-aantay dito!" Mejo inis na sabi ko sa kanya.

"May emergency kasing nangyari. Sorry. Ano? Set ko na ba?" Hoseok.

"Oo. Bilisan mo. Sige na. Bye." Sabi ko at binaba ko na ang tawag.

"Tara Biya. Dun muna tayo sa may gitna. Mejo dumadami na tao dito eh." Ako.

Brigitte

Dinala ako ni V sa gitna. Ano naman gagawin namin dito? Tumayo lang kami ng ilang minuto dun ng biglang may pumutok sa langit. Pag-tingala ko, fireworks.

"Ang ganda." Yung lang ang nasabi ko habang nakangiti.

Third Person

Hindi alam ni Biya na habang nakatingin siya sa langit ay nakatingin naman sa kanya ang nakangiting si Taehyung.

"Ang ganda nga." Sabi ni V habang nakatingin sa dalaga.

Napalingon naman sa kanya si Biya at nginitian niya lang ito.

Natapos ang fireworks show at hinawakan ni V ang kamay ni Biya. At nagulat naman di Biya. Tinitigan ni V ang mga mata ni Biya at nagsalita.

"Alam ko medyo mabilis 'to. Pero Biya, gustong gusto talaga kita. Hindi ko alam kung kelan, kung paano. Basta nagising nalang ako ng isang araw na gusto na kita. Pwede ba kitang ligawan? And i don't take no as an answer." Sabi ni V at ngumiti.

Hindi pa rin makapagsalita si Biya dahil sa mga narinig niya. Nabigla siya. Oo, kinikilig siya kay V, pero di niya kayang sirain ang friendship nila dahil lang dun. Pano yung pinaplano nila para kay Marlou? Gustong-gusto ni Biya si Marlou. Muntik pa nga silang mag-away ni Shannen dahil dito.

"V, hindi ko alam isasagot ko. Sa totoo lang, gusto rin kita as a friend. Ayokong masira ang friendship natin kapag naging tayo tapos nagbreak lang din." Paliwanag ni Biya.

Napangiti naman ng mapait si Taehyung.

"So, mag-momove on nalang pala ako. Basta lagi mong tandaan na lagi lang akong nandito sa tabi at hindi kita papabayaan. Itutuloy natin yun kay Marlou." Niyakap naman ni V si Biya.

Napaluha naman ang dalaga.

"Sorry." Ang tanging nasabi lang ni Biya.

"Bakit ka nag-sosorry? Wala ka dapat ihingi ng tawad." Napatawa ng marahan si V. Niyakap niya ng mahigpit at hinalikan sa noo si Biya.

to be continued...

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon