Shannen Loi
Sa dinami-daming pwedeng i-partner sakin. Bakit si Marlou pa? Punyeta nasan ang theory?
"Shannen tara na. Tinawag na yung number naten." Tawag sakin ni Marlou. Puta. Nakakaasar talaga.
"Oo na. Wag mo kong kapitan. Kaya ko maglakad." Sabi ko at inunahan na siya.
*cotillion*
"Bakit ba ang sungit mo saken?" Pabulong niyang tanong saken habang nagsasayaw kami. Nakakadiri.
"Kasi ang panget mo." Sagot ko.
"Ano? May problema ba sa mukha ko?" Takang tanong niya.
"Oo. Meron. Malaki." Ako.
"Sige. Mag-aayos ako para sayo." Sabi niya sabay ngiti. Nakakatakot.
"Wag ka ngumiti. Kinikilabutan ako." Sabi ko.
"Bakit? Killer smile ba?" Sabi niya at ngumiti ulit ng nakakatakot.
"Oo. Literal. Nakakamatay sa takot." Ang tagal naman matapos ng sayaw na 'to. Bwiset tong partner ko.
Natapos na ang event pero hindi ko pa ren nakikita si Rian.
"Hoy liit, nakita mo ba si Rian? Di ba magkasama kayo kanina?" Tanong ko kay Jimin.
"Ha? Hindi ko alam." Parang wala sa sarili niyang sagot sakin.
Tinawagan ko sa dorm baka nauna na sakin.
"Mami Cha anjan na ba si Rian?" Tanong ko kay Mami Cha.
"Ay di niya ba nasabi sayo? Uuwi daw soya sa kanila ngayon. May emergency na nangyari."
Eh? Di manlang nagpaalam saken.
"Sige. Uwi nalang ako mag-isa."
Sabi ko at binaba ko na.
"May problema ba?" Biglang sulpot ni Marlou.
"Puta ka. Ginulat mo ko." Sabi ko.
"Wala ka bang kasabay umuwi? Hatid na kita." Sabi niya.
"Okay." Aarte pa ba ako? No choice rin naman ako eh.
"Weh?! Pumayag ka?!" Pasigaw niyang tanong.
"Bakit ka galit? Ayaw mo ba?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Hindi. First time mo kasing hindi tumanggi saken eh."
Hindi ko nalang siya pinansin at sumunod nalang sa sasakyan niya.
"San ka nakatira?" Tanong niya.
"Sa ilalim ng tulay." Walang gana kong sagot.
"Yung seryoso kasi?" Dagdag niya.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Seryoso kong sabi sa kanya.
"Oo?" Nagtataka niyang tanong pabalik sakin.
"Joking is not my style." Sagot ko.
"Tara na nga. Turo mo nalang kung saan yung daan." Pagyayaya niya.
Gusto kong matawa pero ayoko kasi baka sabihin ni Marlou pinagtitripan ko siya. Kahit totoo naman.
"Kumaliwa ka jan. Tas ibaba mo na ako sa ilalim ng tulay na makikita mo." Pagtuturo ko ng daan.
"Sure ka ba dito?" Parang ayaw pa maniwala nito ah?
"Oo nga. Ang kulit mo rin eh no." Irita kong sagot
"Okay sige ingat ka. Goodnight." Paalam niya at tuluyan ng umalis.
Hay sa wakas. Nawala rin sa paningin ko yung panget na yon. Pero shet. Mahaba-habang lakaran 'to ah. Makapag taxi na nga lang. Ayoko kasi malaman niya ang dorm namin.
Habang nag-aantay ako ng taxi may narinig akong umiiyak.
"Huhuhuhuhuhuhu."
"SINO YAN?!?!??!" Sigaw ko.
"Huhuhuhuhu" Tuloy pa ren ang pag-iyak na naririnig ko.
Sinundan ko yung boses at umabot ako sa may parang puro puno.
"M-may tao ba jan?" Kinakabahan kong tanong.
"HUHUHUHUHU" Lalo lumakas yung iyak.
KINAKABAHAN NA TALAGA AKO. AYOKO NA.
Aalis na sana ako ng biglang may humawak sa kamay.
"AHHHHHHHH!!!!!!" Sigaw ko.
"BITAWAN MO KO BITAWAN MO KO HUHU MOMMY!!!" Iyak na ako ng iyak sa sobrang takot.
Nang lingunin ko na yung humawak sa kamay ko. Putek. Muntik akong himatayin. Buti nalang hindi.
"JUNGKOOK?!?!?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!?!?!" Gulat kong tanong sa lalaki may hawak sa kamay ko.
"BAKIT KA UMIIYAK?!?!??!" Dagdag ko pa.
Hindi ko alam kung maawa ako o matatawa eh. Puro sipon ba naman kasi.
"S-si Faith." Bulong niya.
"A-anong meron kay Faith?" Mejo kalma ko ng tanong.
"Iniwan ako ni Faith mag-isa dito. Sabi niya may bibilhin lang siya. Pero 3 oras na akong nag-aantay di pa ren siya bumabalik." Humihikbi niyang sabi.
"Saan daw siya pumunta?" Ako.
"H-hindi ko alam." Nanginginig pa ren niyang sagot.
"Tara na nga. Bumalik na tayo dun. Ipapahatid nalang kita." Yaya ko sa kanya at inalalayan tumayo.
Hindi pa kami nakakalayo nang biglang kumulog.
"WAHHHHHH MAMA HUHUHUHU" Sigae ni Jungkook at biglang yumakap sakin.
Hindi ako makagalaw.
Bakit ganto.
Akala ko ba nakamove-on na ako kay Jungkook.
Pero b-bakit?
"Natatakot ako, Shannen. Huwag kang umalis please." Umiiyak niyang bulong habang nakayakap sakin.
"Oo Jungkook. Hindi kita iiwan." Sagot ko at niyakap siya pabalik.
"Tara na." Yaya ko sa kanya matapos niyang maka-kalma.
Nauna na akong naglakad at sumunod lang siya sakin.
Nagulat ako ng biglang niyang hinawakan kamay ko.
Napatigil ako sa paglalakad at tinignan siya. Ngunit parang wala lang sa kanya kaya hinayaan ko nalang.
Marlou blessing in disguise rin pala ang pagpapahatid ko sayo dito.
-
HUHU. EPILOGUE NA HUHU. ENJOY KAYO TEAM PAQUET. NAG-UD AKO NGAYON KASE ALAM KONG SPECIAL DAY 'TO PARA SA ATING LAHAT LALO NA SA INYO. LABYU GUYS.