ika-labing dalawang kabanata.

49 7 14
                                    

OKAY HAHAHHAHAHA ALY AND MARGE ETO NA UMJ. YURI TO JOKE HAHAHAHA.

Aly

Umalis na si Rian at Jimin, Delyn at Jisoo, Jungkook at Faith. Naiwan kami dito nila Marge, Mami Cha, Hoseok, Jin, Ate Menze, Yoongi, Airah, Shannen, Biya at V.

"So ano na balak niyo? Di na ako magiikot, pagod na rin kasi ako. Dito nalang ako antayin ko nalang kayo makabalik." Sabi ni Mami Cha.

"Hindi ba kayo aalis ni Jin?" Tanong ko sa kanila.

"Mag-stay lang din ako, samahan ko si Cha dito. Sige na mauna na kayo." Sabi naman ni Jin. May napapansin ako, ilang araw na silang ganyan. Simula nung dumating kami dito. Parang ang cold na nila sa isa't isa. O baka guni-guni ko lang yon?

"Tara Aly, tayo nalang magsama. Tutal wala naman may balak samahan tayo." Pagyayaya sakin ni Marge.

"San naman tayo pupunta?" Tanong ko kay Marge ng makalayo kami.

"Di ko rin alam eh." Tangina neto. Niyaya ako pero di naman pala alam kung saan kami pupunta. Naiihi pa naman ako.

"Teka CR lang ako ha. Kinikilig na ako sa ihi ko eh." Paalam ko kay Marge.

"Sige, intayin nalang kita dito sa labas." Sabi niya. At pumunta na ako sa pinakamalapit na cr. Pagdating ko sa CR. Shox, ang haba ng pila. Ano ba 'to may feeding program?

Ilang minuto na akong nakatayo dito pero parang 'di gumagalaw yung pila. Shox.

"MAY BUNTIS DITO OH." Sigaw ko. Ihing-ihi na kasi ako.

"Uy, paunahin nyo muna si Misis oh." Sagot nung isang ate.

"Buntis ba yan? Nantitrip lang yan para makauna sa pila." Putek tong isa pang ate! No choice, mag-aantay ako ng milagro putek.

Marge

Ang tagal naman ni Aly sa CR. Hinigop na ata ng bowl 'yon. Hindi kinaya yung bangs niya. Tutal kanina pa naman ako nag-aantay. Magantihan nga. Wahahahaha. Tataguan ko yung Sarang Ph na 'yon. Akala niya nakakapagod kaya tumayo. Feeling ko nabawasan ako ng 5 kilos.

Nag-ikot ikot muna ako bago magtago. Malapit lang naman dun sa CR na inihian ni Aly ako magtatago.

Napunta ako sa maraming puno. Shox. Di ko na alam 'to. Babalik na ako dun.

Kanina pa ako naglalakad pero parang paikot-ikot lang ako. Ano ba 'to remember me? Tang. Asan na ba ako. Habang naglalakad ako may nakita akong isang bahay sa di kalayuan. Madilim na rin kasi. Magtatanong ako kung paano makabalik dun. Kumatok ako at pinagbuksan ako ng isang. . . lalaki? Shox. Baka mamaya rapist 'to?

"Anong kailangan mo Miss?" Tanong niya sakin.

"Uhm? Itatanong ko lang sana kung saan yung daan pabalik sa parang Bayan ba 'yun? Di ko kasi alam pabalik eh naligaw ako kanina." Sabi ko naman kay kuya.

"Teka lang. Magbibihis lang ako. Intayin mo 'ko."
Sabi ni kuya at tumalikod na.

"Sanay naman akong mag-antay." Bulong ko at umupo sa isang kahuyan.

Aly

Hay sa wakas. Naka-ihi rin after 3 hours na pag-aantay. Oo, 3 hours.Walangya kasi yung ibang babae. Nagdadasal pa ata sila sa loob ng cubicle.

Lumabas na ako ng CR. Paglabas ko wala akong Marge na nakita. Langya yung babaeng 'yon. San naman 'yon nagpupunta. Naglibot-libot ako para hanapin siya pero iba ang nahanap ko. Si V at Biya. . . magkayakap. Ang sakit. Crush ko lang naman si V pero bakit ang sakit. Nag-simula akong magkagusto sa kanya nung na-ospital ako. Grabe. Nasasaktan ako pero titig na titig pa rin ako sa kanila na ngayon ay hinawakan na ni V ang kamay ni Bia. Ang sakit. Di ko namalayan may tumulong luha na pala sa mata ko. Tumakbo ako ng tumakbo ng bigla akong bumunggo sa isang lalaki. Pag-tingala ko bigla siyang nag-salita.

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon