ika-limang kabanata.

66 9 2
                                    

Marlou

"So ayun nga, kaya umiiyak ako kanina sa may parking lot." Nakatitig lang ako sa babaeng mukhang betlog na 'to. Ano na yan, kanina pa kami magkasama pero 'di pa rin kami nagpapakilala sa isa't isa.

"Teka, ano bang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oh my god. Oh my god talaga. Ako? Hindi mo ako kilala? Oh my god ulit. Ako si Shannen. Hindi mo ako kilala, like hello?" Maarte niyang sagot, kala mo naman maganda. So Shannen pala pangalan nito.

"Eh ako ba kilala mo ko?" Ako. Siguro naman kilala ako neto.

"Oo naman" Napangiti ako. "Ikaw yung crush ng bestfriend ko from Hashtbrown ka diba? Ewan ko ba kung anong nagustuhan niya sayo at patay na patay siya sayo. Mukha ka naman posporong gamit na. Bulag talaga yung kaibigan kong yun." Dagdag pa niya. ABA'T. Bago ko pa masapak 'tong babaeng 'to biglang tumunog ang cellphone niya.

"Hello? Ah nasa may MOA lang ako. Yep. Sige. Pauwi na rin ako. Wag nyo na akong antayin ha. Okay. Bye." Sabi niya sa kausap nya sa telepono.

"Uy sige posporo, una na ako. Anong oras na kasi eh. Hinahanap na ako sa dorm namin." Pagpapaalam niya.

"Hatid na kita." Alok ko.

"Oh kay?" Pag payag niya.

at team paquet's dorm

"Salamat sa isang bilaong fishball at paghatid" Bumaba na siya ng pedicab at naglakad papuntang gate ng dorm nila. Aba akala neto libre yun.

"Salamat lang? Hindi libre yun uy. Wala ng libre sa mundo bata." Sabi ko sa kanya.

"Magkano ba kailangan mo?" Shannen.

"Hindi magkano. Ano ang kailangan ko. Tulungan mo akong hanapin yung babaeng bumato sakin sa hallway ng maparusahan ko yun." Sabi ko.

"Pano ko malalaman eh hindi ko naman alam itsura nun" Pagtataka nyang tanong.

"Edi alamin mo." Sabi ko at tuluyan ng umalis.

Kim Taehyung / V

Nakita ko si Biya dito sa mall na tulala pa ren dun sa lalaki kanina.

"Oy ano? Forever ka ng tulala jan?" Tanong ko sa kanya.

"Si Marlou. Kinausap ako ni Marlou. Naiiyak ako." Lumuluha niyang sabi.

Ouch.

Nakagat ko dila ko.

"Tara na nga mukha na tayong tanga ditong nakatayo eh." Yaya ko sa kanya. "San mo gusto kumain? Di pa ako kumakain eh." Dagdag ko. Hindi manlang siya sumagot nice talking talaga.

"Hoy ano? Wala ka bang balak magsalita jan? Iiwanan kita dito." Ako.

"Okay. Pagusapan na natin yung plano." Bigla niyang sabi.

Oo nga pala. Nandito nga pala kami para sa plano nakalimutan ko. Akala ko date na. Hehe.

*lumipas ang isang araw, este ilang oras*

"Sige, Taehyung salamat sa time at libre mo ha. Pati sa plano naten. Okay yun. Sana magtagumpay." Pagpapaalam ni Biya.

"Hatid na kita. Gabi na oh." Pagyaya ko sa kanya.

"Oh kay." Aniya.

at team paquet's dorm

"Thank you ulit. Pasok na ako sa loob." Pagpapaalam ni Biya.

"Teka, Biya." Pagpigil ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at nagtatakbo na ako palayo. Naiwan siya dung nakatulala. NAKAKAHIYA NAMAN. TANGINA. ANG LANDI KO.

Habang naglalakad ako pauwi, biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext pala.

From Jisoo  :
          Pre. Musta na? Nandito na ako ngayon sa Pilipinas, kakauwi ko lang kaninang hapon ngayon lang ako nakapagtext kase nagpahinga pa ako. Kita-kita naman tayo ng tropa.

Oo nga pala si Jisoo, isa pa naming tropa na nasa Korea para mag-bakasyon. Nakauwi na pala ang gago. Boyfriend din siya ni Delyn (ATIEEDJDBDID KINIKILIG AKO). Kababata ko yan kaya mas close ako sa kanya kesa sa ibang members at siya lang ang may alam na sumaside-line din ako bukod kay Biya.
        
To Jisoo :
      Oh tol katol. Dapat nagpasundo ka nalang samin. Alam na ba nila Jimin na nakauwi ka na?

sent!

one message recieved

From Jisoo :
     Di ko pa nasasabi eh. Ikaw nalang bahala magsabi sa kanila. Kita-kita tayo bukas sa SM North ha.

To Jisoo :
      Sige okay.

Hindi na nagreply si Jisoo at sakto naman nasa tapat na ako ng dorm namen. Pagkapasok ko nakasalubong ko si Jin hyung na umiinom ng bear brand.

"Oh bakit ngayon ka lang, san ka galing? Tsaka bakit di ka nga pala pumasok kanina?" Jin hyung.

"Ah magkasama kami kanina ni Biya eh." Sabi ko habang nakangiti.

"Si Biya? Eh sabi ni Cha kanina saken may sakit yun kaya 'di siya pumasok. Tsaka magkasama kayo? Ikaw ha." Pang-aasar niya pa saken.

"Eh kasi nakalimutan ko yung lakad namin kahapon matagal ko siyang napag antay kaya bumawi aki ngayon. Ano? May sakit?" Kaya pala parang ang tamlay niya kanina.

"Oo. May lagnat at ubo't sipon daw. Hindi mo alam?" Tanong niya sa akin.

"Hindi eh." Sagot ko. Bakit 'di niya sinabi saken. Dapat di ko nalang siya niyaya kanina may sakit pala siya. Haynako.

"Umakyat ka na dun. Anong oras na. May pasok bukas." Sabi ni Jin hyung. Sus. Kunyare pa 'to mag uusap lang naman sila ni Ate Cha kaya niya ako pinapaakyat.

"Sige goodnight." Ako.

Pagka-akyat ko tinawagan agad ako kay Biya para kamustahin pakiramdam niya.

calling brigitte....

"Hello?" Biya.

"Gising ka pa pala? Kamusta pakiramdam mo? May sakit ka pala dapat sinabi mo para hindi nalang tayo tumuloy kanina. Baka mabinat ka pa." Nag-aalala kong sabi sa kanya.

"Malamang gising pa ako. Hindi yan lagnat at ubo't sipon lang naman 'to. So bakit ka pala napatawag?" Biya.

"Wala naman. Kinamusta ko lang pakiramdam mo. Sige na matulog ka na. Goodnight." Pagpapaalam ko.

"Goodnight din." Aniya at binaba na niya ang telepono.

Napahiga nalang ako sa kama. Nakakapagod 'tong araw na 'to pero masaya. Napangiti nalang ako ng maalala ko yung itsura ni Biya nung hinalikan ko siya sa pisngi. HAHAHHAHAHAHAHAHAHA. Mukha kase siyang natatae kanina eh.

Di ko namalayan nakatulog na rin pala ako dahil sa pagod kanina.

Brigitte Irish

PUTANGINA! Hinalikan ako ni Taehyung sa pisngi kanina. Inde ako makahinga! Di ako makatulog kase naalala ko yung ginawa niya kanina. Shet. Nagkakasala na ako kay Marlou bebe ko huhu. Kanina pa ako paikot-ikot sa kama, 'di ako mapakali. Parang akong naiihi na ewan sa sobrang kilig kanina. Letse ka Taehyung ang landi mo. Anong oras na pupuyatin mo pa ako may pasok pa bukas.

to be continued...

unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon