Brigitte
Isang buwan na simula nung mga pangyayari sa Baguio, isang buwan na rin simula nung pinaalis ni Mami Cha si Airah sa dorm. Hindi naman umimik si Airah nun at umalis na rin nung gabing inabutan siya ni Mami Cha sa kusina ng dorm namin habang nag-oomegle.
"Hoy, Biya ano alaluts ka jan?" Buhay pa pala 'tong katabi kong si Rian. Akala ko tuluyan na naging siopao.
"Paki mo ba bes? Buhay ka pa pala?" Sabi ko.
"Gago ka ah. Porket si ano parter mo sa prom." Aniya ay tinaas taas ang kilay niyang hindi naman kataas taas.
"Ewan ko sayo tangina ka bes." Sabi ko at tumungo nalang nabadtrip ako bigla eh. Pinaalala niya pa.
Dalawang linggo na simula nung magpractice kami para sa prom at sa kasawiang palad kasali ako sa cotillion at sa mas kasawiang palad hindi si Marlou ang kapartner ko kundi si Aldwin. Ewan ko ba bakit biglang si Aldwin eh ang layo layo ng height naming dalawa.
"Anjan na si Ma'am Carda!" Sigaw ng kaklase ko kaya umayos na ako ng upo.
"Goodmorning class." Bati ni Ma'am Carda ngunit walang pumansin sa kanya. Kawawa naman siya. Kung ako sa kanya magreresign na ako. Buti nalang hindi ako naging siya.
"Dahil malapit na ang prom. . ." Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay nagsigawan na ang mga kaklase ko. Mga feeling neto mga animal talaga.
"Quiet!" Sigaw ni Ma'am Carda pero wala namang nakinig sa kanya kaya tinuloy na niya ang sasabihin niya.
"As i was saying, dahil next week na ang prom itong buong linggo na 'to ay puro practice lang para sa prom kaya bring extra shirts lalo na sa mga sasayaw. Tsaka ayusin niyo na ang maskarang gagamitin niyo. Baka pagdating don wala kayong mga maskara. Yung lang. Makakauwi na kayo." Sabi niya at lumabas na ng classroom.
Hays. Hassle life! Nakakatamad magpractice lalo na kung si Aldwin pa kapartner ko. Nakakaiyak bes. Buti pa si Shannen, kapartner niya si Marlou ko. Kung alam niya lang kung gaano siya kasweteng babae sa balat ng sibuyas.
"Tara na Biya! Late na naman tayo sa practice! Nandun na daw sila Shannen." Sigaw ni Rian na nasa may pintuan na ng classroom. Excited si puta porket kapartner niya si Jimin. Nyeta walang forever mga bes.
Naiiyak na ako sa inis mga bes. Absent na naman si Aldwin. Kada practice nalang absent siya. Sana nga mag back-out nalang siya para iba nalang partner ko. Hindi ko alam kung pano makakasayaw yung eh sa monday na yung prom. Teka bakit ko ba siya inaalala buti nga yun eh mapapahiya siya.
"1, 2, 3 START!" Sigaw nung constructor namin. Ayoko na talaga magisa na naman akong nasayaw dito. Tangina ka talaga Aldwin.
7:30 na ng matapos ang practice namin. Wow ha kinabog pa cheerdance.
Naglalakad kami nila Shannen at Rian pauwi ng may tumigil na itim na van sa harapan namin at naghagis ng. . . gamit na diaper at umalis din.
GAGO.
Anong kalokohan 'to?!
"Hoy ano 'to lokohan?!" Sigaw ni Shannen sa van pero hindi naman siya narinig. Isa talagang malaking tanga 'tong si Shannen.
Mag- 8 o'clock na ng makarating kami sa dorm at nagpasyang magpahinga na. Nasa kwarto na rin kaso yung iba wala ng natira dito sa baba.
Kinabukasan maaga kaming nagising lahat ng maaga dahil sasamahan nila kaming bumili ng gown para prom. Para makapag-bonding na rin kami. Or hindi kasi uupo lang yang mga yan at kakain.
"Bilisan niyo naman kumilos anong oras na oh. Usapan natin 7:00 am tayo aalis. 8:30 na mga nagbibihis palang kayo." Sa Manila pa kasi kami pupunta. Eh ang traffic na pag inabot kami ng tanghali. Etong mga 'to naman parang nananadya.
"Teka lang naman. Excited ka masyado eh 'no?" Sagot ni Yhan.
"Hayaan mo na. First-timer yan sa pag-po prom e." Sabi ni Ate Menze at tumawa. Akala ko pa naman may matinong sasabihin 'to.
"Tara na." Sa wakas natapos rin si Mami Cha. Siya ang pinakamabagal talagang kumilos to.
"Oh jan ka pa pala Mami Cha? Kala ko na-flush ka na sa bowl." Sabi ni Delyn.
"Mga dakyu kayo." Sagot naman ni Mami Cha at sumunod na kami sa kanya palabas ng dorm.
"Alam niyo ba papuntang Manila?" Tanong ko.
Walang sumagot. Mukha alam ko na ang sagot. Walang may alam.
"Punyeta." Ani ko.
"Mag-waze nalang tayo. Shet talino ko talaga." Proud na sabi ni Marge sa sarili. Walang pumansin sa kanya at nagsisakayan nalang kami sa kotse. Si Ate Menze naman magdadrive bahala siya jan basta ako puyat ako matutulog muna ako dito.
Nakaramdam ako ng tumatampal sakin kaya napamulat ako.
"Tangina Shannen bakit ka ba nananampal?!" Irita kong tanong sa kanya.
"Ano wala ka bang balak bumili ng gown? Ikaw tong excited bumili kanina jan." Sabi niya.
"Nandito na ba tayo?" Tanong ko at nag-ayus na.
"Bakit hindi ba halata?" Tanong pabalik sakin ni Shannen.
"Ah okay." Bored kong sagot at bumaba na.
"Saan maganda bumili ng gown dito, Rian?" Tanong ko ng makababa na ako ng sasakyan.
"Sa 168 mall." Okay.
Inabot kami ng 6 na oras sa kakasukat lang ng gown pero sa huli yung unang gown na sinukat namin amg nabili namin ang cute diba.
"Punyeta nakakapagod kayong tatlo. Para kayong nagjojoke ah." Sabi ni Ate Menze at umupo sa isang upuan na nakita namin. Matanda na talaga 'to.
"Saan niyo balak kumain?" Tanong ni Mami Cha.
"Kahit saan." Sagot naming lahat.
*Prom Night*
Otw na kaming tatlo sa venue ng prom. Hindi ko pa rin alam gagawin ko mamayang cotillion. Hindi kasi sumisipot si Aldwin sa mga practice. Dapat hindi nalang siya sumali kung pag-titripan niya lang pala. Nakakaasar. Baka magmukha akong tanga mamaya sa gitna.
"Shet. Excited na ako sa cotillion! Partner ko si Jimin my bebe." Nakangiting sabi ni Rian. Tss. Magbabreak din kayo.
"Hindi nakakatuwa." Sabi ni Shannen.
"Anong hindi nakakatuwa?! Si Marlou na partnrr mo oh! Sana ako nalang partner niya at hindi ko partner tong pesteng Aldwin na 'to." Reklamo ko.
"Nakausap mo na ba?" Tanong ni Rian.
"Pano ko makakausap eh hindi nga siya nasipot sa practice?" Irita kong sagot. Buti sana kung umaattend siya eh.
"Eh pano yan mamaya?" Ani Shannen.
Nagkibit balikat lang ako. Ang totoo niyan hindi ko alam kung anong gagawin ko mamaya kapag wala si Aldwin. Baka hindi nalang ako sumayaw. Hay. Tangina Aldwin. Naiistress yung bagong kulot kong buhok sayo.
to be continued. . .
![](https://img.wattpad.com/cover/52979559-288-k744748.jpg)